A/N: This is a Flashback. Kaya 'wag kayong malito. Haha
Chapter IV
You tell me you're in love with me
Like you can't take your pretty eyes away from me
It's not that I don't want to stay
But every time you come too close I move away
Music is life. I always listen to any music found in my playlist kapag bored ako or gusto kong e-divert ang atensyon ko. Iba ang hatid ng kanta sa'kin. Nakakagaan ng pakiramdam lalo na 'yong soul music.
I wanna believe in everything that you say
'Cause it sounds so good
But if you really want me move slow
There's things about me you just have to know
Nandito ako ngayon sa bago kong school. Yes your right, I'm a transferee. Pinatransfer ako ni mama dito kasi lumipat na kami ng bahay. Third year high school na ako at third grading period din ako nagtransfer dito. Pero hindi ko naman namiss ang dati kong school. I don't have friends there dahil hindi naman ako approachable. I don't bite naman pero takot makipag kaibigan sa'kin ang mga kaklase ko.
Minsan nga kinausap ko 'yong seatmate ko kung bakit walang kumakausap sa'kin. Ang sagot lang naman niya ay mukha daw akong snobera. In short, maldita. Psh. So ayun, lonely feels palagi ang lola niyo!
Sometimes I run
Sometimes I hide
Sometimes I'm scared of you
But all I really want is to hold you tight
Treat you right, be with you day and night
Baby, all I need is time
Napapa-hum nalang ako habang sinasabayan ang kanta ni Britney Spears na Sometimes. Kasalukuyan akong nagsnasnack sa Cafeteria ng School habang may hawak na libro at nakasaksak sa tainga ang headset. Marami kasing estudyante ang nandito dahil walang guro na pumapasok dahil nasa meeting. Sabayan pa ng malalakas na tinig ng mga babaeng kakak ng kakak.
Hindi tuloy ako makafocus sa pagbabasa dahil tagos sa headset ang mga boses nila. Psh. Pati ba naman dito tsismis parin? Ang lalakas ng boses pero pag oral recitation nganga! Sayang 'yong lakas ng boses kung pagdating sa klase ay para namang naka packing tape ang bibig.
Hindi ko napansin na may umupo na pala sa tabi ko. Tiningnan ko kung sino itong isturbo, yun naman pala ay isang babae na may naka on fleek na kilay. Talagang on point ang kilay ha! Pero pag grade dissapoint!
Marami akong classmate na ganyan dati. 'Yong papasok ng school na Kilay on point pero grade dissapoint. Lakas maka bulkang mayon pa ng mga labi dahil sa kapulahan na para ng puputok pero sa klase daig pa ang inactive na bulkan! Sobrang tahimik!
Grabe pa kung maglandi kaya pag graduate Suma Cum Landi.
"Why are you staring at me like I'd done a crime before? " tanong ni Ms. Fleek.
Is she talking to me?
Tinuro ko ang aking sarili, " Are you talking to... me? " pagsusure ko.

BINABASA MO ANG
Love the Way You Lie
Romance"When someone is sweet to you, don't expect that person will be like that forever. Remember, even the sweetest chocolate expires."