Chapter V
" It is likely that any human society during the primitive times has derived itself the excitement and pleasure of dancing. The first purpose of dance is probably ritual appeasing a nature spirit or accompanying a rite of passage....
Class hours ngayon at MAPEH ang subject. Pero focus kami sa Dance and Music. Marami sa kaklase ko ang gusto ng matulog dahil mukhang wala silang kainteres sa pakikinig. Ako naman ay medyo tipsy din dahil hindi ako masyadong nakatulog kagabi. Puyat dahil sa kaka-study sa Math.
".....Rhythm, indispensable, in dancing, is also a basic form element of music. It is natural to beat out the rhythm of the dance with sticks. Dance and Music begin as partners in the service of ritual... "
Natapos ang klase ng may nakatulog na sa'min. Wala namang pakialam ang aming guro dito dahil hindi naman daw siya ang babagsak. Kaya ayun, nagsisisi ang iba dahil hindi nakapasa sa surprise quiz ni ma'am Lanie. Halos mag-iyakan ang karamihan sa'min ng makakuha ng zero out of 20 items. Mabuti nalang at may natandaan ako, dahil kung wala, hindi sana ako makakakuha ng 14 na score. Ako din ang highest.
Iba talaga pag surprise quiz. Magigising lahat ng senses mo sa katawan. Lalo na kung wala kang maisagot! Present lahat ng senses makasagot lang.
Lumabas ako sa room at nagpasyang pumunta sa maliit na parang bilugan na tambayan ng mga estudyante sa paaralang ito. Good timing naman at walang nakatambay kaya wala akong kaagaw sa pwesto. Wala ding ingay.
Agad akong umupo at pumikit dahil sa sarap ng hangin. Mapuno ang paligid kaya masarap ang ihip ng hangin. May kunting ingay man ng mga estudyante, hindi naman masyadong malakas kaya 'di isturbo.
Kanina hindi pa. Ngayon meron na.
" Oy! Swerte ko yata ngayon, ah! May magandang dilag yatang gustong makapiling ako! "
Pagmulat ko ay isang gwapong nilalang ang bumungad sa'kin. Muntik na akong mahulog sa aking hinihigaan dahil sa gulat.
" Pwede ba 'wag kang FC dude dahil hindi tayo close,"
" Kilala mo naman ako babe ah! Its me Jarvis Lagdameo! Ang gwapong lalaki sa paaralang ito. " aniya at kumindat.
Mas lumakas ata ang hangin dito dahil sa lalaking 'to!
" Dude, 'wag kang magbiro ng ganyan baka mapagmalan kang adik." sabi ko.
" Kung addict ako, addict naman sayo, " humakbang pa ito palapit sa'kin at naupo sa tabi ko.
Umusog naman ako para hindi kami mapagkamalan na may ginagawang kababalaghan. In case may makakita.
" Wag kang umusog babe.. Baka gusto mo lang yata ng kiss..," humalakhak ito.
Argh! This guy is so full of himself.
Hindi nalang ako umimik at pinikit ulit ang aking mga mata. Gusto ko lang naman ng matahimik na paligid. Nasanay na siguro ako dahil wala namang lumalapit sa'kin dati.
" Babe naman eh! Kausapin mo naman ako,"
" Yohoooo! "
"Awooooo! "
Gusto kong matawa dahil para siyang tanga. Ngayon lang ako nilapitan at pinilit na kausapin ng isang lalaki. Kaya iba sa feeling ang ganito. Parang nakakafresh.
* Click *
Napamulat ako ng makarinig ng isang click. Yun naman pala ay kinuhanan ako ng litrato sa dala nitong DSLR.
" Oy! Idelete mo 'yan! " pilit kong inaagaw sa kanya ang camera pero ayaw nitong ibigay.
" Ayaw ko nga! Ayaw mo naman akong pansinin kanina! " pagdadrama nito habang nilalayo sa'kin ang camera.
Bakit hindi ko napansin kanina ang DSLR na nakasabit sa kanyang liig! Seguro dahil ayaw kong isipin niya na tinitignan ko siya. Bakit ba ako naiilang?
" Burahin mo sabi! "
" Ayaw ko nga! Ssyo ba 'tong camera? Ha?" tinignan pa nito ang kuha kong litrato at tumawa.
" Hoy! Burahin mo na yan sabi! "
Tumingin naman ito sa'kin, " In one condition babe, "
" Ano naman 'yon? "
Kunware naman itong nagiisip, " Magpanggap kang girlfriend ko! Okay ba 'yon? "
Hanudaw?
Magpanggap kang girlfriend ko
Magpanggap kang girlfriend ko
Magpanggap kang girlfriend ko
" Buang ka ba? Bakit naman ako magpapanggap bilang girlfriend mo, ha? "
Bigla naman itong ngumisi, " May stalker kasi ako at sobrang creepy niya, 'yong kahit sa CR nakasunod sayo? Kaya ikaw ang magpapatigil sa kanya. Ipamukha mo sa kanya na possessive ka sa'kin at ayaw mong may ibang kaagaw! "
Halos tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan. Baliw ata 'tong lalaking 'to!
" Capital N.O.W.A.Y. As in No way! Humanap ka nalang ng iba because Im not for service. Sarrey.. "
He just shrugged then turned his head away from me, " Fine, madali naman akong kausap. Aalis nalang ako dahil may ipopost pa ako sa Facebook, IG at twitter. Follow mo nalang ako. May 21,856 naman akong followers sa IG, 19,297 sa twitter and 33,989 sa facebook. Paki check nalang ng post ko. Kung gusto mo ma tagged, just pm me. "
Agad itong naglakad palayo dala ang bagay na gusto kong ipakain sa kanya. Humayghad! He blackmailed me!
"Sandaliiiii! " impit kong sigaw kaya nagsiliparan lahat ng ibon sa paligid.
Pag tumingin ka akin ka!
Humarap naman itong may ngiti sa mga labi.
" Did you changed your mind babe? "
Kahit labag sa aking sarili ay pikit mata akong tumango.
" Yes! So dapat sa'kin kana palagi sumama. Sabay tayo palagi..."
Tumango nalang ako. No choice. Ayaw kong maging katatawanan. For sure madami nga 'tong followers. Hitsura palang panalo na. Wait --- I'm not attracted to him. I just know how to appreciate perfect creations.
So after ng kasindaksindak na mga kaganapan, palagi na nga akong nakabuntot kay Jarvis. Kahit sa mga laro niya dapat present ako para maging tagapunas ng kanyang pawis at taga bigay ng tubig. Sa pagkain naman, present din ako para bilhan siya ng mga gusto niya at minsan tagasubo pa.
Hindi girlfriend ang trato niya sakin kundi yaya, alalay, PA, tagasilbi, in short SLAVE!
Hindi sa gusto ko nga maging girlfriend niya pero hindi ko rin naman ginusto maging utusan!
I need justice for this f*cking nightmare! Gusto ko ng kumawala pero hawak niya ako sa leeg bwesit!
" Kharra, mukhang pagod kana yata.. Heto uminom ka muna,"
Mabuti nalang at nandito si Dazzer para tulungan ako sa mga ipinuputok ng butsi ni Jarvis. Kilala ko na lahat ng team mate ni Jarvis pero si Dazzer lang ang naging close ko. Ang bait kasi. Hindi gaya ng Jarvis na 'yon!
" Salamat Dazz... " agad kong ininom ang binigay niyang bottled water.
Sa sobrang uhaw, naubos ko lahat ng laman.
" Are you okay? Pinapahirapan ka ba ni Jarvis? " tanong niya.
Ha! Kung alam mo lang!
" Hindi naman masyado. Mabait naman siya," pagtulog... gusto ko sanang idagdag.
" Just tell me kung pinapahirapan ka ng gagong 'yon okay? "
Dazzer is such a gentleman. He's very sweet and protective kaya no wonder maraming nagkakandarapa sa kanya.
" Thanks Dazz.. " sabi ko at ngumiti.
" Anytime kharra..."
⚠️
BINABASA MO ANG
Love the Way You Lie
Romantiek"When someone is sweet to you, don't expect that person will be like that forever. Remember, even the sweetest chocolate expires."