Di ko akalaing sasali rin pala si Leah Montes na aming SSG PRESIDENT nasa dulo pa siya ng linya at dahil may 13 pa na nauna sa kanya pinauna nalang siya ni Coach dahil SSG Pres. "Mukhang himala Ms. Montes at gusto mong sumali sa club namin" natatawang sabi ni Finn "Di ako nagpunta dito para sumali sa Club niyo nandito ako para kunin sana yung qualified na magiging bagong kasali sa Baseball club niyo" pahayag niya "What?? So hindi ka sasali??bat ka pumila sa linya kanina??" Sabay na sabi ng twins na si Xyriel at Xyron "of course not di naman ako marunong magbaseball diba tsaka gusto ko lang naman na asikasuhin niyo muna yung nauna kaya nga may first come first serve diba" sabi ni Leah at binigay na ni Coach ang papers na may laman na mga names ng qualified na magiging bagong members ng team namin at umalis na si Leah.
"Laro tayo guys" sigaw ni Finn na sinangayonan naman naming lahat "Ares,Xyriel,Eric, James,Leo,Chris,Konev,Rain at Jhon,Kaiden ang team tapos Ako,Vanessa,Vienna,Xydon,Jayden,Toffer,Piolo,Kenaz,Kiel,Krystal naman" sabi ni Finn habang ginugroup kami at nagsimula na kaming maglaro ng baseball.
Nauna kami ng group ko na tinawag naming Eagles tapos sila naman ni Ares ay Tigers.Ang nagpitch ay si Rain at si James ang catcher.Si Finn ang naunang titira sa baseball.Nastrike siya nung una ngunit nung pangalawa nakatira siya at napunta naman sa Left fielder na si John kaso hindi nasalo at nagtatanga tangahan pa ang tagal niya ipasa sa SS yung bola kaya nakapunta kaagad si Finn sa 2nd base.Pumunta na agad si Vanessa dahil siya na ang susunod na titira una at pangalawa na foul siya at pangatlo na tira na niya at napunta sa pinakadulo ng field kaya nakapunta sa 2nd base si Vane at si Finn naman ay tumakbo papunta sa homebase kaya naka score agad ako ng 1 point agad naman kaming naghiyawan habang sila Ares ay inis na inis na.Ako na ang susunid na titira sa bola kaya pumunta na ako doon at pumwesto mabilis ang pagkakapitch ni Rain kaya nung una na foul kaso nung pangalawa na natira ko tsaka naka homerun pa ako kaya todo sigaw,hiyawan,at napasayaw pa yung mga kateam ko habang ako ay nakangising tumakbo pabalik sa homebase at 3 points na ang score namin dahil kami ni Vane ang nakascore at ang sumunod na titira ay si Xydon kaso nung una na strike at pangalawa naman ay foul nung pangatlo todo sigaw nila ni Jayden kaso nasalo nung nasa Left field na si Chris kaya na out kami.Sumunod naman sila Jayden at Toffer kaso nasalo yung bola kaya na katatlong out na kami.
Turn na nila ni Ares ako ang magpipitch si Toffer naman ang catcher nasa left field si Kiel,SS naman si Finn.Nagsimula na akong magpitch at natamaan ni Ares yun at napunta sa dulo ng field buti nalanh at agad na nakuha ni Xydon at pinasa niya sa sakin nakapunta naman agad su Ares sa 2B at sumunod naman ay si Konev di niya na tamaan ang una at pangalawa kong pagpitch kaya kampante na ako habang nagpipitch dahil alam kong masta-strike out na siya kaso di ko inasahang matatamaan niya yun kaya nakapunta siya sa 1B at nasa 3rd base naman si Ares sa sumunod naman ay nastrike out si James at si Chris na out naman si Xyriel kaya wala silang nakuhang score.
Hanggang sa natapos namin yung game yung score ng Tigers ay 3 lang habang naka score naman kami ng 5 kaya kami ang nanalo at gaya ng nakagawian na ang matatalo ay manlilibre kaya kaming team Eagles ay todo sayaw sayaw pa na nangiinis sa mga team Tigers si Ares naman ay inis na naglabas ng 100 pesos at yung iba niyang kateam ay naglabas ng tig 200 pesos at dahil sadyang pinanganak si Ares na kuripot hinayaan nalang nila na 100 lang ang nilabas.
Nagpaalam kami ni Coach at sabay kaming nagpunta sa Jollibee para doon kumain habang naglalakad kami papunta doon ay ang ingay ingay namin dahil si Finn at Xydon ay iniinis si Ares dahil natalo habang kami naman ay todo tawa.
Pagdating namin sa Jollibee na pinakamalapit lang sa School namin ay naghanap kami ng table at umupo na pinnagdugtong dugtong nalang namin yung mga table para masaya di naman umangal yung mga staff dito kahit ang ingay ingay namin dahil oagmamay ari naman to ng kapatid ni Ares na si Arra siya nalang ang nag order ng para sa lahat dahil siya naman ang mayhawak ng pera na pinampusta nila.
"Haha kawawa naman yung mga team Tigers" pangiinis ni Finn sa ibang members ng team tigers pero dineadma lang siya kaya natahimik siya di kasi kagaya ni Ares yung mga kateam niya na pumapatol pa kay Finn,masarap kasing asarin at inisin si Ares kaya palagi itong nagwawalk out pag nagagalit.
Pagkabalik naman ni Ares nakasunod naman sakanya ang 3 staff na may dalang pagkain at inilagay na sa aming mesa isa isa naman naming kinuha ang aming mga inorder at nagsimulang kumain."Ares"tawag ni Finn kay Ares kaya napatingin si Ares kay Finn "Why?" Walang emosyong sabi ni Ares at bumalik na sa pagkain."Sa susunod na maglaro ulit tayo nang baseball iba naman ang pustahan natin"sabi niya at binaliwala nalang namin si Finn"ang ipusta naman natin ehh ano..."nagkunwaring nagiisip si Finn tapos biglang ngumisi kay Ares kaya sinamaan siya ng tingin ni Ares. "Liligawan ko yung Crush mo at yung iba ko namang ka member ay ililibre nung iba mong ka team"agad na napatayo si Ares at akmang susuntukin si Finn buti nalang nahawakan ni James ang kamay ni Ares bago pa ito mapunta sa mukha ni Finn " Oyy, joke lang naman yun Ares ehh to naman senuseryoso yung joke ko ehh alam ko namang crush na crush mo si Ab.."pinutol ni Ares ang sasabihin ni Finn "Wag na wag mong masali sali sa pustahan si Abby at wag kang magkakamaling lumapit sa kanya dahil di ako magkakamaling suntukin ka kapag nalaman kong nilalandi mo siya" pagbabanta ni Ares kay Finn at napatigil naman kami sa pagkain at napatingin sa kanilang dalawa "ito naman hindi nga ako lumalapit kay Abby tsaka di ko naman gusto yun ano alam mong may iba na akong gusto ehh kaya wag kang high blood Pre" sabi ni Finn kay Ares at kumain nalang ulit umupo naman si Ares at si James sa upuan nila at bumalik narin kami sa pagkain.Wag kayong magalala sanay na kami sa ganyang scene basta pagdating kay Abby ang usapan madaling nagagalit si Ares simula pa kasi nung 2nd year high school sila crush na crush na ni Ares si Abby nung 4th year naman niligawan na ni Ares si Abby kaso sabi ni Abby di pa siya pwedeng magboyfriend dahil mas priority niya ang studies niya pero sinabihan rin naman ni Abby si Ares na kung kaya naman daw ni Ares ang maghintay ay sasagutin naman daw siya ni Abby.Nagconfess rin kasi noon si Abby kay Ares na crush rin niya si Ares kaso nga lang dapat studies niya muna ang uunahin niya dahil magagalit ang parents niya kaya hanggang naghihintay parin si Ares sa sagot ni Abby.
•••••••••••••
Note:
Kala niyo isa kila Calyx at Andre yung dumating ano..
Pasensya na ulit kung may grammatical errors and typographic errors sa story ko po .
READ...VOTE...AND COMMENT..^_^
-Gorgeous_Dyosaaa
BINABASA MO ANG
Pansinin mo naman ako
Teen FictionThis story is about a girl who did her best just to make her crush notice her.Just read the story to know what will happen to them.