Prologue

227 4 0
                                    

Prologue

Mabilis akong nagtipa sa cellphone ko habang tinutungga ko ang Heneiken na nasa lata.

Nilagay ko sa tenga ko ang cellphone habang naglalakbay ang tingin ko sa buong bahay.

This house reminds me many memories. Damn those memories! God knows how much I want to forget everything, how much I want to forget everything about her. She leaved me and she just proved to me that love didn't conquers all.

"Napatawag ka, kuya?"

Padarag kong binaba ang beer sa island counter at nilamukos ang sariling muka.

"She's back." I croaked.

Sandaling natahimik si Francis sa kabilang linya pero pagkaraan ay pagak itong tumawa.

"Oh, ano naman? Welcome her with your wide, spread, open arms."

"Hindi ka nakakatulong." hinilig ko ang likod ko sa back rest ng sofa at mariing hinilot ang sariling sentido.

"Anong problema mo, bro? Hindi ba ito naman ang gusto mo? Ang bumalik siya."

Natahimik ako sa sinabi nito at maski ako ay naguguluhan sa sarili.

"I just don't know how to face her when the time comes."

Tumayo na 'ko para umakyat sa kwarto ko. Papasok na sana ako ng wala sa sarili akong napatingin sa katapat na kwarto ng kwarto ko. That room remained maintained. Clear sheets, comfy pillows,  tall curtains stayed the same way. Wala akong binago. I wished she didn't changed too.

All of it is just waiting her to come back....like me.

Sandali akong napatitig doon pero pikit mata akong umiling at pumasok na sa kwarto ko.

"Bro, that's easy. If she wants you back, pasabikin mo siya. Then if she moved on, then let her be, let her go."

Humiga na 'ko sa kama ko at inunan ang isa kong braso sa likod ng ulo ko.

"If I let her go, masasayang ang lahat ng ginawa ko at nang ginagawa ko."

Marahas na bumuntong hininga si Francis sa kabilang linya na para bang hindi na nito alam kung ano ang ipapayo niya sakin.

"Kuya, nasa sayo 'yan. Let the fate be on your hands. 'Wag mo ng hayaang paglayuin na naman kayo ng tadhana."

Tingin ko ay sapat na ang naipayo nito sa akin kung kaya pinatay ko na ang tawag at saka pumikit para makapagpahinga na.

•••

Mag sa-sampung minuto na kong nakatayo dito sa harap ng salamin at naiirita na rin ako sa sarili ko.

Siyam na beses na 'kong nagpapalit ng kulay ng kurbata pero hindi ko nagugustuhan ang itsura ko.

Nakabente mahigit akong palit ng kulay at disensyo ng kurbata pero nauwi ako sa kulay pilak.

Maybe, I want to impress someone, huh? She should be, i've prepared for this.

Agad kong pinatunog ang sasakyan ko at pinaharurot na ito papunta sa kompanya.

It looks like my system is very thrilled and excited about this.

Hindi pa 'ko nakakarating ng office ko ay napaigtad ako ng mabilis akong sinasalubong ni Camille. Camille's job is to be my secretary. Mabuti ng sigurado ako na mapagkakatiwalaan ang mga taong nakapalibot sakin. I have trust issues, you know. Even to the one I love the most......

Beyond DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon