Beyond 5

34 1 0
                                    

Chapter 5

"It's already sembreak! Ang daya mo! Kami nagtake-up ng finals, ikaw hindi!" reklamo ni Winny sa kabilang linya.

"Thanks to Dad and his connections." halakhak ko.

I wear my sun glasses as the radiance of the sun hurt my eyes. Nanatili akong nasa telepono habang tinatanaw sila Daddy at Mommy na seryosong nag-uusap sa ilalim ng payong.

We're currently in the line. Nakapila kami sa kainitan dahil ito ang gusto ni Daddy. I have nothing to do with it, he wants to ride a ferry.

Nalilibang naman ako sa tanawin dito sa Siquijor Pier pero hindi ko alam kung ano bang kinalaman ko sa pagbili ng lupa ni Daddy sa Dumaguete.

"Kelan mo ba kami papupuntahin diyan sa Siquijor?" excited na tono ng kaibigan

"We're going to Dumaguete."

"For a vacation?" tila nabahiran ng inggit ang boses nito.

"For business. You barely know Dad." she giggled.

"Since when did you have an interest in business?"

May interes naman ako, hindi nga lang sa farm pero sa kompanya, meron.

"I was just oblige. Ayoko talagang sumama. I have nothing to do there."

Dumaguete is a nice place, I know. Isa 'yon sa pinakamagandang lugar sa Cebu. But I don't know the history why my Father loves the place so much. Sa pagkakaalam ko, hindi naman sila doon nagkakilala ni Mommy. Posible din na baka gusto lang talagang bumili ng lupa doon ni Daddy, for investment.

"Okay, see you soon. Ikamusta mo nalang ako sa poging trabahador ninyo. Tell him to wait for me there." natatawang paalam ng kaibigan.

She already drop the call and I was unable to say goodbye. Hindi kase ako nakasagot sa sinabi niya.

It's already a week since I saw him. Hindi na siya ulit pumunta sa rest house, for his own reasons. I didn't think of him that much, but I was really curious what happened to him these past few days.....

Malapit na kaming sumakay kaya lumapit na 'ko kila Mommy at Daddy sa pila. Sandali kase akong lumayo para sa tawag.

When my eyes roam around, it stops to the aligned ferries. Villacorta Shipping Lines, the first rate shipping lines in the region. I've seen their bulk, large vessels and I can't imagine how powerful they are. It become famous in localities because of the extended news that Douglas Villacorta has a stealthy secret. May anak siya sa labas at wala namang kumpirmasyon tungkol do'n. Kaya baka nakalimutan na rin 'yun ng mga tao.

"I'm sorry. I'm late, sir." mabilis akong napalingon sa tabi ko.

In his dark blue round neck shirt and maong pants, he can caught so many attention.

Bahagya mang nawindang sa pagdating niya, nanatili akong tahimik.

"Eksakto lang naman ang dating mo. Tara na, sumakay na tayo." inalalayan na ni Dad si Mommy habang unti-unti ko palang natatanto ang nangyayari.

"You're coming with us?" natigil siya sa pagsunod kila Daddy at bahagya akong nilingon.

"May problema ka ba d'on?"

Wait, it seems like he's the one who has a problem here.

Direkta na niya 'kong tinignan sa mata dahil mukang nag-aabang siya sa tugon ko. Hindi naman ako nakaimik agad kaya tumalikod na ulit siya.

"Kung wala, sumakay na tayo."

Paakyat na sana kami pero biglang nagsiksikan ang mga tao. Medyo natutulak na 'ko ng nasa likuran ko kaya nabubunggo ko na si Sid sa harapan ko.

Beyond DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon