Beyond 9

19 1 0
                                    

Chapter 9

Tahimik akong inaasikaso ni Manang Ising habang ang anak nitong si Mica ay patingin-tingin lang.

Mag-isa akong nag umagahan dahil maaga raw umalis sila Mommy dahil may kinailangan na naman daw itong asikasuhin.

Wala akong plano para sa araw na 'to dahil ilang araw lang din ng bumalik kami dito sa Siquijor galing Dumaguete. Kaya pagkatapos kong kumain ay naghanda na 'kong umakyat ng nilingon ako ni Manang Ising.

"Pinapasabi nga pala ni Sir Bernard na pumayag na si Sid na mag-aral sa Maynila. Ipinag-uutos ni Sir na sadyain mo raw si Sid para sa requirements daw na kakailanganin niya sa unibersidad mo."

Agad akong nahinto sa narinig pero mabilis ding umarko ang kilay ko ng nakita kong napaiyak si Mica sa narinig. Ang OA naman ng babae na 'to. Ganun ba talaga siya kabaliw kay Sigrid?

"Nay, gusto ko makita si Sid. Pwede ba kong sumama kay Iris?" naiiyak na sabi ni Mica sa ina nito habang ako ay napakunot ng noo.

Who give her the permission to call me like that? She have no respect towards me.

Pinandilatan ni Manang Ising ang anak at nahihiyang tumingin sakin bago bumaling sa anak.

"Mica! Tigilan mo na nga si Sid! At saka tawagin mong ma'am si miss Iris!" yumuko lang si Mica na para bang nahiya sa harap-harapang panenermon ng ina.

Nakairap akong tumango at umakyat na papunta sa kwarto ko para maghanda.

I didn't expect that he agreed to study in Manila. Biglaan masyado ang pagpayag niya. I thought it was impossible for him to accept my father's offer. Naaalala ko pa kung paano niya sinabi sakin na ayaw niya sa Maynila. Paniguradong may kung anong nagpabago sa isip niya. Maybe, he thought that it will lead him to nowhere if he stay here in province.

Agad kong inayos ang sarili ko para mapuntahan na si Sid. I don't know what's on me but I can't stop myself from being excited. May parte sa akin ang excited at masaya dahil makikita ko na naman ang binata.

Pero may bahagi din sa akin ang kinakabahan dahil may iilang bagay ang hindi nabigyang linaw. Iyon ay ang  nararamdaman ko at ang ilang mga nangyari sa Dumaguete.

I won't pretend that there nothing wrong in here, dahil meron. At hindi ki alam kung ako lang ba ang nagbibigay kahulugan sa mga nangyari.

Lumabas ako ng resthouse ng nakasuot ng dark blue sleeveless blouse, maong shorts at bota. Nagsuot na 'ko ng maayos na boots dahil baka pagalitan na naman ako ng binata.

"Ma'am, ako na ho ang maghahatid sa iyo sa farm." sumakay na 'ko sa isa sa mga van namin habang nakangiti kay manong Isidro.

Maingat kong hinawi ang buhok kong naka one side braid habang tinatanaw ang daan papasok sa farm.

The beauty of the tall trees and bushes around the way never fails to amaze me. Dagdagan pa nito ng malaking arkong may apelido namin na nagbibigay diin sa malakas na impluwensya ng pamilya.

Mabilis na sumibol ang kaba sa dibdib ng ihinto ni Manong Isidro ang sasakyan sa tapat ng barn kung saan kami nagpakain ng kabayo noon. Hindi ako agad kumilos para bumaba na nagdahilan para lingunin ako ng matanda.

Beyond DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon