Chapter 2

22 1 0
                                    

chapter 2

*way back few months ago*

nagising ako dahil sa isang bagay na nag iingay araw-araw para sumira ng relasyon ng tao sa kama.

pinatay ko ang alarm clock ko. 5:00 am pa lang. 8:00 am pa ang pasok ko pero maaga ako gumigising dahil nag jo-jogging pa kami ni lorrin at ng mga kaibigan ko then 7:00 ay mag aayos nako para pumasok.

papasok nanaman ako. dalawang linggo narin simula ng mag pasukan at hindi parin ako gaanong sanay sa mga classmate ko. tuwing papasok ako ang nandidiri at ang sama ng tingin nila ang bumubungad sakin. dinig na dinig ko din ang mga bulungan nila. ngayong taon lang naman kasi ako nag disguise para new experience narin.

bumugtong hininga muna ako bago pumunta sa malaking salamin para tingnan ang sarili. tiningnan ko muna ng diretso ang mata kong color sable. tsaka tumingin sa itsura ko.

medyo magulo ang bangs at wavy at color chestnut na hangang bewang kung buhok, naka maluwang na puting t-shirt, at short.

"ang panget mo" bulong ko.

pero natawa nalang din ako dahil pati sarili ko ay naniniwala sa pinagsasabi ng iba. kahit alam ko naman na hindi nila nakikita ang babaeng nasa tapat ng salamin ngayon dahil iba ang babaeng nakikita nila.

"pati ba na man ikaw trish! sino na mag sasabi kay trisha na maganda sya?" sigaw ko pa.

tss, para akong baliw dito kinakausap ang repleksyon ko. pero para naman gumanda ang mood ko, ipinagpatuloy ko na lang.

"edi sige na, ikaw na maganda!" tumatawang sagot ko sa harap ng salamin.

"ate!" nagulat akong nang bumukas ang pinto, tumakbo sakin si lorrin, ang nakababata kong kapatid, 16 y.o. na sya.

"ate! ate! ate!" tawag pa nya habang inaalog ako. "umalis ka sa katawan ng ate ko!  layuan mo na sya, please, leave her alone!" nagsusumamong sigaw nya, parang maiiyak pa!

"beacause of you, ate get bullied at school. so please leave her!" sigaw pa nya sakin. tiningnan ko sya na para syang baliw.

"ate! ate! ate ash! labanan mo ang espiritung na sumanib sayo!" at dahil sa sinabi nya ay napahagalpak ako ng tawa! hahahahaha, anong naisip nito at napagkamalan akong sinasaniban.

"anong napanood mo at naisipan mong sinasaniban ako?" natatawa kong tanong sakanya.

"huh?" naguguluhang tanong nya.

"d-diba s-sinasaniban ka kaya ka nag di-disguise?  ts-tsaka y-yung kausap mo sa salami-" dagdag nya pa tapos ay parang nagulat sya.

"omygod! ate! baliw ka!?" humagalpak ulit ako ng tawa. nang maka recover ako sa pagtawa ko ay sumagot nako sa sakanya.

"wag kang praning, lorrin, hindi ako sinasaniban o nababaliw, trip ko lang kausapin ang sarili ko para maging good ang mood ko." paliwanag ko sa kanya. Kahit kailan ang OA nito eh.

"ah, okay, akala ko kase sinasaniban o nababaliw ka kase nag d-disguise ka." nakangiwing sabi nya.

"ate ashley, why do you need to disguise ba kase? i can give you kuya kaizer or kuya seb if you want, para naman mabawasan ang ingay at nakabuntot sakin." dagdag pa nya. ayan nanaman kami.

My Badboy Bestfriend (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon