chapter 7
"hi!" lumingon ako sa gilid ko. bintana at mga bakanteng upuan lang naman ang nandito. sino ba ang kausap nya? ako ba??
ano nanaman ba to? katulad nanaman ba toh dun sa mga taong malas na naging dahilan kung bakit nandito ako ngayon? hindi ba pwedeng once a day? gosh! once is enough.
"uhh, hello?" bat ba nya kinakausap ang nerd na kagaya ko? badvibes nanaman ba to? hayy, na trauma na siguro ako sa mga lalaking gwa-malas.
"bakit? anong kailangan mo?" tanong ko.
"wala naman. anong ginagawa ng nerd sa detention room?" tanong nya. pansin ko namang gising din yung tatlo nakikinig lang samin.
"nalate ako." hindi ko alam kung bakit sinasagot ko tanong ng nilalang na to. ayoko naman kasing dumihan ang image ng mga nerd kung magiging rude ako tsaka wala naman sigurong masama?
"ahh, sa klase ni ma'am junio ano?" natatawang tanong nya. masyado bang terror si ma'am junio para makilala sya nang lahat?
"ahh, oo. ang babaw nga eh, parang 20 min lang akong nalate, sayang yung 40 min." natatawang sagot ko. ano bang pangalan ng nilalang nato?
"oo nga, ay! ang rude ko pala. di manlang muna ako nagpakilala bago kita kinausap" nahihiyang sabi nya. buti naman naalala nya mag pakilala.
"Matthew Santiago, from SH-B. Matt nalang. ikaw?" pakilala nya.
"Ashley, from SH-A.""its nice to meet you." sabi nya.
"same." sagot ko naman sa kanya. nag kwentuhan pa kami ng konti bago nya tinawag ang mga kasama nya. sa totoo lang mabait naman sya eh, sa buong pag uusap nga namin ay walang lait na lumabas sa bibig nya.
"uhh, guys! tara dito!" tawag nya. lumapit naman yung tatlo samin.
"hi! i'm Mark Fuentes, taga SH-C." todo-ngiting sabi nya. Nakipag shake-hands ako sa kanya. Mukhang sya ang pinakamasayahin sa kanila.
"James Villegas, taga SH-A." nakangiting sabi nya. mukhang matalino.
"Jayson Madrid, SH-B" maikling sabi nya. Mukhang sya ang pinaka masungit sa kanila.
Lahat sila ay good-looking at mukhang mababait dahil kahit ganito amg itsura ko ay hindi nila ako binubully.
"Leader kami ng Luckies."
Leader pa ng- wait!? Wat!? Shocks!! L-leader sila ng gang!?
a-at luckies pa! Totoo ba!?"W-wag nga kayong mag biro! Hindi naman kayo mukhang gang leader eh!" sabi ko sa kanila habang pilit na inaalis ang takot ko. atsaka kung leader sila ng luckies hindi dapat sila mabait sa nerd na kagaya ko at hindi dapat nila ako kinakausap kase magaganda ang tipo nila.
"Hindi kami nagbibiro, Seryoso kami. Leader kami ng isang gang kaya nga kami nasa detention diba?" sabi nung james. Mukang s-seryoso nga s-sila.
"S-seryoso?? T-talaga??" Napatayo at napalayo na ako sakanila. Nabangga ko pa yung upuan.
Ouch.. Aray.. Napahawak tuloy ako sa balakang ko.Grabe!! Hindi sila mukang lider ng gang! Tapos ambait pa nila! Biruin mo yon! Nerd ako pero ambait nila saken!
"Di ka naniniwala??" Lumapit sakin si Matthew. Tumayo rin sya at humarap saken.
Takte!? Bat ba sya ganyan! Kanina pa Feeling close to eh! Nakaka ilang! Nerd kaya ako! Tapos ganyan sya kung umasta! Partida leader pa ng gang! Aargh! Mas lumapit pa sya! Takte talagaaaaa!
"A-anong g-ginagawa mo? B-bakit ka l-lumalapit ng g-ganyan?" Sabay duro sa kanya. Napaka neto!! Anong gagawin nya!? Ha!?
"Ayaw mong maniwala diba?? Papatunayan ko lang" ngumisi sya. Parang may kung anong ugali ang ilalabas nya. Nanlaki yung mata ko. Shocks. Magiging masama na ba sya?? Lalaitin niya na ba ako?? Gagawa ba sya ng hindi maganda!? Hayst.
"A-anong ibig mong sabihin? A-anong gagawin mo?? Ha!?" Kinakabahan na ako! Ang lapit niya saken! Sobra! At kami lang ang tao dito!
"Hahahaha. Nakita mo na? Wala pa akong ginagawa nakakatakot na. Hayaan mo mabait naman kami sa mabait. Di tulad ng iba kahit mabait ginagawan nila ng masama" Ngumiti sya sakin. Ang kyut ng ngiti nya. Ang kulet nya rin tumawa. eh?
Pero Gosh! Akala ko hihimatayin na ako! Di ko kinakaya! Grabe! Tama sya nakakatakot na nga wala pa man syang ginagawa. Baket ba ganto sya!? Mabait na ewan!
"A-ahh.." Di ko alam kung anong sasabihin ko.
Lumayo na sya sakin. Tsaka nakangiting umiling.
"Sorry ah. Natakot ata kita ng sobra. Haha. Pero wag kang mag alala! Di talaga kami masama" ngumiti nanaman sya bago sya umupo. Aargh! Bat ba ang ganda ng ngiti nya!? Hayp na yan!
"A-ah. Sige" awkward akong napangiti. Nakakahiya naman ako! Kung ano anong pinagiisip ko! Pinagisipan ko pa ng masama tong nilalang na to. Sino ba naman kasing hindi dba!? Duh! Leader sila ng gang!
"S-sorry nga pala ah. Kung pinag isipan ko kayo ng masama" sumulyap ako sa kasama niya na nakangiti din. Nginitian ko din sila. Humarap ulit ako kay matthew.
"Nakoo! Hahaha wala yun! Sanay na kami. Hahaha Ah! Di kaba uupo? Mapapagod ka kung tatayo kalang dyan" nakangiting sabi nya.
Ewan ko kung maiinis ako o ano. Sarcasm ba yon? Pero sa pagkakasabi nya parang hindi naman.
"Ayy. Oo. Hehehe." Ang awkward! Pag tapos ko silang paghinalaan na may gagawing masama iniisip niya pa rin ako.
'Hay trish!! Anong iniisip ka niya?! Seryoso kaba?! Ha?! Iisipin ka niya?! Nerd ka kaya!'
Inayos ko yung upuan na nabangga ko kanina tapos umupo na ako. Onti unti nang nawawala yung takot ko kanina.
"Sorry ulit" nahihiyang sabi ko.
"Hahaha. Ano ka ba! Bat ka ba nag so sorry? Ako nga dapat yung mag sorry kasi natakot ka" nahihiya na ding sabi nya. Pero naka ngiti paren!! Takteng ngiti yan!
"Eh ikaw?"
"Huh?? Anong eh ako??"
"Bat lagi kang nakangiti?"
'Ay! Hala shocks!! Ano bang pinag sasasabi ko!? Aargh!! Yung bibig mo trisha!! Nakakahiya ka talaga!!'
"Ahh. Hahahaha. Sanay na" ngumiti nanaman sya!
"Ay! Sorry. Kung anong ano yung tinatanong ko" napapahiyang sabi ko. Nanaman.
Akala ko ba ay boring dito sa loob? Baket parang kabaliktaran naman ata? Di ko alam may mga leader ng gang diti sa loob. Pero posible naman talaga dahil detention room to.
Nakaka bilib lang na tong mga nilalang na to hindi ako nilalait. Nakakalimutan kong nerd ako dahil sa pakikitungo nila. Ambait bait kasi nila sakin.
-----------------------
Tuloy na naten to!<3
BINABASA MO ANG
My Badboy Bestfriend (ON-GOING)
Teen Fictiongusto ko lang naman ng walang nakabuntot saakin ngayong SH at tsaka new experience narin kaya nag diguise ako. pero gosh. okay na eh! bakit ba kase sumulpot pa ang mga yon!? nag karoon tuloy ako ng problema. nagkaroon din ng bestfriend nang wala s...