Chapter 8
"Sige, una na ako ah? Kayo ba??" Tanong ko habang papalapit sa pinto.
"3 oras kami dito eh. Vandalism" sagot ni james.
"Ahh sige sige. Una na ako" paalam ko.
Tumango nalang sila sakin.Goodness. Di ko namalayan yung oras, mag da 2 oras na pala ako dito. Napaka daldal nila maliban kay jayson. Kung di mo sya tatanongin ay hindi ka nya kakausapin. Parang napipilitan pa. Pero si mark ay madaldal katulad ni matthew. Nalaman kong kaklase ko pala si james. Ang totoo nga daw ay matagal nya na akong napapansin. At kinukwento nya yung mga pambubully sakin ng mga kaklase namin kila matthew.
Sobrang nakakahiya. Hays. May pag kakataon pa na tinanong nila ako kung bakit daw hindi ko ayusin yung sarili ko. Mag paayos daw ako tingin daw kasi nila ay maganda naman talaga ako. Nako. Kung alam lang nila.
-------
"Kailangan ko kasi mag d-" napatigil ako."Kailangan mo mag??" Matthew.
"Ano.. K-kailangan ko kasing U-unahin muna yung pag aaral ko. Oo yun nga! Yun." Pag dadahilan ko. Hays. Nuntik na ako dun. Ashley naman!
-------Naalala ko nanaman! Myghaad ashley! Di ka nag iingat! Ilang linggo ka palang sa pag d disguise mag ingat ka naman! Actually. Di naman talaga kailangan mag disguise. Ewan ko ba lakas din ng trip ko eh.
Naglakad na ako para sa next class ko. Anong oras naba? Tumingin ako sa wall clock na nadaanan ko. 10:02 am na. Sakto break namin. Kada dalawang subject kasi ay nag b break. Dalawang oras nga pala ako sa loob ng detention sayang yung isang subject na na-iskip ko. sayang yung math. Kaso hindi naman yun yung problema. Yung history. Major ko yun. Hays. Buti nalang di ko kinuhang major yung math. Ayoko kaya ng math. Tsaka kung nag kataon dalawang major yung na-iskip ko.
Dumiretso na ako sa library. Sa library kasi ako kumakain. May part kasi dito sa library kung san pwede kang kumain. Meron kasing mga studyante na gustong mag aral kahit kumakain. Bawal kumain dito kung hindi ka naman mag aaral.
Pumunta ako sa library. Nag hihintay na yung pag kain ko dun. Lagi akong dinadalhan ni kaizer ng pagkain sa library. Iniiwan niya yun sa librarian. Alam din ng librarian kung sino talaga ako. Kilala niya ako.
Habang papunta ako sa library ay nakatingin sakin yung mga studyante. Lagi naman eh. Ano bang pinagbago? Kailangan ko nang masanay.
Dumaan muna ako sa locker. Madadaanan ko naman yun. Nilagay ko yung math book. Tapos na rin naman yung math. Pagkasarado ko biglang may bumuhos na malamig na likido sa ulo ko.
"Ohhhhh~"
"Iww, mango shake?"
"SweeEeEEeeEeet!!~"
"HAHAHAHA, SHE DESERVE THAT"
"YUCK"OH WELL. inaasahan ko na to. Ganto naman lagi eh. Walang pinagbago. So clićhe. How ironic. Wala naba silang ibang naisip? Tapos kadalasan pa sa mga ganiyong sitwasyon darating yung mga tagapagligtas ng mga nerd sa movie tapos hihilain paalis sa kahihiyan yung nerd. Wala bang iba? Like Duh? Alam ko na to eh. Haha ang pinagkaiba nga lang wala ako sa movie. At wala ako non.
Di ko na sila pinansin. Kinuha ko yung extra clothes sa locker. Buti nalang di nabasa yung mga gamit ko sa locker. Buti nalang din leather at waterproof yung bag ko. Pumunta na ako sa cr. Halos katabi lang ng mga lockers yung cr. Nagtatawanan pa rin sila kahit nakapasok na ako ng cr. Masaya sila kasi nagaksaya sila? tsk, so Immature. Minsan talaga masarap maging bitch eh.
Nakapagbihis na ako at nakapag ayos ng sarili ko. plinastic ko na din yung mga damit na nabasa dahil sa mango shake. Grabe. Sinayang nila yung pagkain. Tsk tsk. Porque kasi mayaman sila. Andaming batang nagugutom jusko.
Pagtapos kong mag bihis ay nilagay ko ulit sa locker yung damit na nabasa. 30 min nalang yung natitira. Makaka kain pa kaya ako? Nagmadali agad ako pumunta sa library. Malamig sa loob ng library. Medyo nilalamig din ako dahil sa pesteng shake na yun. Di ko alam kung bakit ako naiinis.
Nag decide na ako na hindi nalang ako kakain. Next break nalang ako kakain. Pumunta muna ako sa likod ng school. Nakakapagtaka. Pano nalaman ng mga yun ang lugar na to. Forbidden kaya yung lugar na to. Walang pumupunta dito. Nakakatakot kasi.
Tapos yung mga lalaki sa detention room. Bakit ganun sila? Dapat ay ayaw din nila sakin. Dahil ganun naman talaga diba?? Grabe. Andaming nangyari ngayong araw. Partida di pa nangangalahati yung araw. May afternoon class pa ko. What a great day.
Naglakad ako papunta sa mapunong bahagi. Para kasing gubat dito eh. Pero malinis naman. Nakakatakot nga lang. Kabisado ko dito.
Kaso matagal tagal na rin akong di nakakapunta dito.
"Sa pagkakatanda ko dito yun eh. Etong puno ba yun?" Tumingala ako. At ayun! Sabi ko na nga ba. Dito yun banda eh.
Isang malaking puno to. Tapos may parang kubo sa taas. Dun ako laging nakatambay pag free time. tsaka pag tumatakas ako kila kaizer. Dito ako lagi. Natigil lang yung pag punta ko dito nung nag aral ako sa amerika ng dalawang taon. Pero buti malang medyo natandaan ko pa.
"May lubid yun dito eh." Hinanap ko yung lubid na hinahawakan kapag aakyat ka. Di naman masyadong mataas yung puno. Tsaka may mga ginawa din akong tapakan dito noon kaya hindi ako mahihirapan.
"Asan na ba yung tali na yun..."
Ay oo nga pala!
Binato ko yung tangkay ng puno. Nung natamaan ko yun yumugyog yun. Haha sabi ko na eh. Biglang nalaglag yung tali. Umakyat ako sa taas gamit yung tali. Nung makaakyat ako ay umupo ako sa malapad at matibay na tangkay ng puno. Tsaka ko inangat yung tali.
Naalala ko na dati Kapag nakababa na ako hinahagis ko sa taas yung tali. Kapag kasi iniwan ko yung nakababa baka kung sino sino yung pumasok sa loob ng tree house. Di din kasi halata yung tree house kasi nababalutan ng dahon. Nagmu mukha lang syang parte ng puno.
Hinubad ko yung sapatos ko tsaka yung bag ko. Tsaka yung binitbit. Tumayo ako sa tangkay tsaka naglakad papunta sa tree house.
May lock? Naka lock. Hala. Takte! Asan yung susi neto!? Trishaa isipin mo kung nasaan! Inikot ko yung mata ko baka sakaling nandito lang yun. Hmm. Teka..
Ah oo!! Kinapa ko yung black box sa bubong ng tree house.
"Andyan kalang pala" napangiti ako. Andami kong naalala dito. Sobrang luma na ng box. Binuksan ko yun. Ayun yung susi. Malinis yung susi hindi katulad nung lock. Di ko nga alam kung gagana pa ba.
Kinuha ko yung susi tsaka ko sinubukan buksan yung pinto...
"Gumana ka... Plss naman oh"
*click
Nabuksan ko sya!! Nice!
Nilagay ko din yung lock sa box tsaka binalik yun sa bubong ng tree house.
Binuksan ko yung pinto. Medyo maalikabok na sya pero kumpleto parin yung gamit dito 2 years ago. Nilapag ko yung sapatos pati yung bag na bit bit ko.
Nandito pa lahat. Yung pictures, yung maliit na lamesa, yung nakalatag na rubber mat andito pa. Binuksan ko yung tatlong bintana. Ang aliwalas tingnan. Ang sarap ng hangin.
Pero bakit ganon? Bakit parang hindi sya ganon ka alikabok? Dapat ay sobrang alikabok dito.
Pero parang isang linggo o isang buwan ko lang to iniwan?Tsaka masyadong maayos yung mga gamit. Malinis lahat. Nakapatas yung napakaraming unan pati yung mga teddy bear malinis parang bagong laba nga lang. Nakakapagtaka. Pero di ko na pinansin yun. Kumuha ako ng mga unan tsaka inilapag sa rubber mat tsaka ako humiga.
Nahiga lang ako saglit at nag isip isip. Dahan dahang pumikit yung mata ko...
---------------------
Lovelots<3
BINABASA MO ANG
My Badboy Bestfriend (ON-GOING)
Teen Fictiongusto ko lang naman ng walang nakabuntot saakin ngayong SH at tsaka new experience narin kaya nag diguise ako. pero gosh. okay na eh! bakit ba kase sumulpot pa ang mga yon!? nag karoon tuloy ako ng problema. nagkaroon din ng bestfriend nang wala s...