Prologue

30 3 0
                                    

------
hinawakan ko ang kamay nya para pigilan sya. "Subukan niyo pa ulit saktan ang BESTFRIEND ko, sa oras na malaman kong sinaktan nyo ulit sya, ako na ang makakalaban nyo" nagulat ako dahil sa sinabi niya. ngayon nya lang sinabi sa napakaraming tao na bestfriend nya ako. napakagat nalang ako sa labi ko nang marahas nya akong hilain papunta sa kotse nya.

binuksan niya ang pinto ng kotse at padabog akong pinapasok sa loob. para siyang protective boyfriend dahil sa inaasta nya. malungkot akong napangiti nang may maalala ako.

"bestfriend kami, bestfriend LANG kami" paulit ulit na bulong ko sa sarili ko, habang sya naman ay umikot papunta sa compartment ng sasakyan. medyo nilalamig narin ako kaya hininaan ko ang aircon.

naglakad sya papunta sa driver seat at binuksan ang pinto pero imbis na pumasok ay may inabot sya, kinuha ko iyon.

tiningnan ko kung ano ang binigay nya, oversized t-shirt na puti, basketball short na kulay itim at isang itim na plastic bag.

tumaas ang kilay ko pagkatapos ay tiningnan ko sya, pagka tingin ko sa kanya ay nakatingin din pala sya saakin.

itinaas ko ang mga damit. "para saan toh?" tanong ko sa kanya. tiningnan nya ko na para bang kakainin nya nako dahil ang sama ng tingin nya saakin.

"para saan ba ang damit? utak naman, trish." sabi nya na parang ang tanga tanga ko.
napairap nalang ako dahil sa pang babara nya. oh, sige na ako na tanga.

tiningnan ko ulit sya pero ngayon ay tiningnan ko sya na para syang alien at hindi alam ang patakaran sa earth.

"ano?" tanong nya.

"magbibihis ako diba? ano pang ginagawa mo dyan?" tanong ko sa kanya. nakita ko namang namula ang mukha nya, tsaka nya isinarado ang pinto.

kung hindi ko lang talaga alam na bestfriend lang ang turing nya sakin iisipin ko gusto nya akong makitang magbihis. Biro lang.

nag simula na akong magpalit ng damit ko. tinted naman tong kotse nya kaya okay lang. nang nakapaghihis na ko ay kinatok ko ang bintana.

pumasok sya sa loob ng hindi nag sasalita.

habang nasa byahe kami papunta sa bahay ko ay tahimik lang kami at walang kumikibo. alam ko namang badtrip parin sya dahil sa nangyari kanina.

Haynako.  OA mag-react ng lalaking to kala mo naman sya ang nabully.

nang makarating kami sa bahay ay kinuha ko na ang plastic bag na pinaglagyan ko ng basang damit kanina.

palabas na sana ako ng kotse pero bago pa ako makalabas ay hinawakan nya ang braso ko kaya napatingin ako sa kamay na na nasa braso ko. ewan ko pero parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko.

napatingin ako sa kanya.

"bakit?" tanong ko.

umawang ang bibig nya at parang may sasabihin pero isinara nya lang ulit yon at umiling.

"uhh, ung kamay ko baka maiwan, papasok na kase ako sa loob" natatawang biro ko sakanya.

agad naman nyang binitawan yon.

"ah sige, una nako ha" paalam ko sakanya at aktong lalabas na ulit kaso tinawag nya ako.

"Trish.." yun palang pero anlakas na ng epekto.

"Ano kase.. pwede bang.. tangalin mo na yan?" napa bugtong hininga nalang ako dahil sa tanong nya. heto nanaman sya.

"alam mo namang hindi pwede, diba?" pabalik kong tanong sa kanya. napabugtong hininga nalang din sya dahil sa sagot ko.

"sige, sa susunod sabihin mo saakin kung may nanakit sayo, ako na ang makakalaban nila".

ewan ko kung biro ba yon o ano, ang seryoso kase nang mukha at pagkakasabi nya.

"oo na, sige na" natatawa kong sagot sakanya.

"seryoso kasi ako, trisha!" napipikon na sagot nya.

"oo na nga, di mabiro" nakangiti kong sabi.
tsaka tuluyang lumabas nang koste nya.

"sige na, alis na, shoo shoo" biro ko pa.
natawa nalang din sya dahil sa ginawa ko.

"ayaw mo talaga akong kasama noh? grabe ka talaga sakin" umarte pa itong nasasaktan. natatawa nalang din ako sa kaartehan nya.

"haisst, daming alam! sge na kase! alis na! mag didilim na kaya oh!" sabay turo ko sa langit.

"grabe talaga, sge na, aalis nako" sabi nya tsaka pinaandar ang kotse. Sinundan ko pa tingin ang kotse nya hangang sa hindi ko na makita.

inunlock ko na ang gate tsaka binuksan.
papasok na sana ako sa loob ng gate nang makaramdam ako na may tao, mga tao.

hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko pero imbis na pumasok sa loob ay isinara ko ulit ang gate pero hindi ko ito nilock.

tumingin tingin sa paligid, madilim na pero bukas naman ang mga street lights at parang walang katao tao sa subdivision at iilan lang ang mga bahay na may nakabukas na ilaw.
parang ako lang ang tao sa buong subdivision.

naalala ko ang araw ngayon. october na pala ang bilis ng araw. Isang linggo nalang mag ha-halloween na pala kaya walang tao sa ibang bahay malamang ay nasa ibang lugar ang mga tao dito para bisitahin ang mga mahal nila sa buhay na namayapa na. nakaramdam ako ng takot na baka multo yung nararamdaman ko.

pero hindi ako pwedeng magkamali maraming tao ang nakapaligid sa bahay.

may nakita akong pamilyar na kotse sa di kalayuan, sobrang gara ng kotse kulay itim ito at matingkad dahil sa sobrang linis.

mukhang hindi naman mananakit ang mga tao, kung tao nga sila, na nakapalibot sa bahay kaya pumasok na ako sa gate. ramdam ko parin ang mga matang nakatitig saakin.

pumasok na ako sa bahay,
pero pag bukas ko palang nang pinto ay nagulat na ako sa sumalubong sakin.

-------------------
hello guys!! so this is it!
thankyou sa mga nagbabasa.

thankyow!

leave a comment.
🎯🌟🔘👇 (。^‿^。)

My Badboy Bestfriend (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon