chapter 3

19 2 0
                                    

chapter 3

kung kanina eh halos palayasin na kami ng guard dahil sa sobrang ingay namin at nakakaistorbo kami ng mga taong tulog at hindi morning person, ngayon naman ay sobrang tahimik kulang nalang ng mga kuliglig.

pano ba naman kase..

dumaan ang royalties sa harapan namin kasama ang nakababatang kapatid ng isa sa kanila.

may roon kasing limang sikat na grupo dito sa pilipinas royalties, eagles, luckies, lions and knights.

Sikat na. mayaman na. Gwapo DAW din. kaya nga HALOS lahat ng babae ay gustong gusto silang makita, maliban saming mag ka kaibigan at sa kapatid ko.

tinatanong nyo kung paano ko sila nakilala? anong nangyari ngayon? ba't natahimik yung mga kasama ko?

simple lang, nakilala ko sila dahil sa isang event.

bakit nagkanganga tong mga bruha? kayo ba hindi mapapanganga kung may dumaan na apat na lalaking topless at kitang kita ang abs tapos pawis na pawis sa harap nyo? eh eto ngang mga kasama ko akala mo sa pag kain nakatingin eh.

sa totoo lang, yung apat na leader lang ng royalties ang kilala ko pero pangalan lang, hindi ko kilala ang iba pang leaders dahil di naman ako interesado pero sigurado akong lahat sila ay mayaman at may itsura. kaya nga lahat ng babae ay hinahabol sila, gustong gusto naman nila. maliban saakin. ayoko sa kanila, ayoko sa gaya nila.

kahit ako ay nag tataka sa sarili kung bakit hindi ako interesado sa kanila minsan nga naiisip ko ay siguro tibo ako dahil hindi ako interesado sa lalaki. SYEMPRE JOKE LANG!

habang dumadaan sila sa harap namin ay nakanganga ang mga kasama ko kaya nakaisip ako ng isang masamang gawain.

dahan dahan akong kumuha ng apat na small sliced apple at tsaka sabay sabay na ipinasok sa bibig ng mga kasama ko.

sabay sabay naman silang napa hampas sa dibdib nila at humihingi ng tubig kaya nawala ang atensyon nila sa mga lalaking dumadaan. habang ako naman ay tawa lang ng tawa.

pero napatigil ako sa pagtawa nang hampasin ako ni lorrin na namumula na ang mukha habang hawak hawak ang lalamunan.

natataranta akong naghanap ng tubig. "hala!! hala!! asan na ang tubig!? oh eto! tubig!" sabay abot ng tubig na nadampot ko. ininom naman nya yon. inabutan ko na rin ng tubig yung tatlong babaeng ubo parin ng ubo.

"you okay?" tanong ko kay lorrin.

"letse ka! pagtapos mo kaming pasakan ng sliced apple tingin mo magiging okay yan!?" pasigaw na tanong ni melody.

"okay lang kami! sobrang okay lang kami" sabay irap na sabi ni ellajane.

"yeah, we're fine, ate" Sarcastic na sabi ni lorrin.

"sorry na! masyado kayong nakanganga eh! akala ko gusto nyong magpasubo ng pagkain! buti nga sliced apple lang ang pinakain ko sainyo eh, dapat nga isang buong orange." binatukan naman ako ni ellajane.

"aray naman!" reklamo ko sa kanya.

"gusto mo yata kaming mamatay eh!" sabay pout na sabi ni ellajane.

"sorry na nga!" sabi ko ulit.

"ung totoo ash, hindi kaba naapektuhan sa kanila?" pabulong na dabi ni melody sabay tingin sa mga lalaking tumambay sa bench na medyo malayo saamin.

"hindi" diretso kong sagot pag tapos kong tingnan ang tinitingnan nya. Sumubo ako ng sliced apple.

"uhh, ate jess, are you okay?" tanong ni lorrin kaya napatingin kami lahat sa kanya tsaka bumaling ng tingin kay jessica na nakayuko.

"huy! jess, okay ka lang ba?" Tanong ko.

"huy! ms. jessica ramirez! ano na? masyado ka bang nahumaling sa mga yon?" natatawang sabi ni melody.

"nako! yan pa!" gatong ella pa para lang gumaan yung atmosphere kaso mukhang bumigat pa lalo eh.

"shit! jess are you okay?" Nag aalalang tanong ko. napasinghap kami ng biglang nagpunas si jessica ng mata nya. ngayon lang namin napansin na medyo basa na ang blanket na nilatag namin.

"shit! sorry! sorry! sorry! masyado bang malaki yung napasok ko sa bibig mo? hala! sorry!" natatarantang sabi ko sakanya pero mas lalo lang lumakas yung pag hikbi nya.

"omygod! kasama nga pala si nick sa royalties! kaya malamang isa don si nick!" pabulong na sigaw ni ella.

"oemgi! oo nga pala!" sabi pa ni melody.

"we need to go home!" bulaslas ko.

"yeah right" pag sang ayon ni ella. nang tumahan na si jessica ay dahandahan syang pinatayo ni melody at ella. habang pinapatayo nila sya ay nililigpit naman ni lorrin ang mga gamit at nilalagay sa backpack na dala nya,ako naman ay kinuha ang cellphone na nasa braso ko

"wait, tatawagan ko si mang lando." pag ka kuha ko ng cellphone sa armband ko ay pumunta ako sa contacts at hinanap ang pangalan ni mang lando ng makita ko na ay agad agad ko yung tinawagan.

"hello? ba't napatawag ka iha? mamaya pa ang pasok mo sa school diba? 6:56 palang ah, may problema ba?" nag aalalang tanong ni mang lando kaya napangiwi ako.

"uhh, hello po mang lando, pasundo naman po kami dito sa park ng village."

"huh? ahh, sge sge. papunta nako" nag mamadaling sabi n'ya.

"Salamat po." tsaka pinatay ang tawag.

"papunta na daw." sabi ko sa mga kasama ko.

habang nag iintay kami ay napalingon ako sa mga lalaking nagtatawanan.
pagkalingon ko ay nahuli kong nakatingin ang isa sakanila saamin.

Dark brown ang buhok hindi ko alam kung anong gupit yon pero masasabi kong bagay sa kanya.

cobalt ang kulay ng mata nya. nakita ko ang pag aalala don habang nakatingin kay jess pero nung mapatingin sya saakin ay napalitan ng lamig ang pag aalala sa mga mata nya maging ang mukha nya ay naging seryoso.

umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kaya ang lamig ng mata nya. hindi ko alam pero ng sandaling yon ay nakaramdam ako ng kakaiba. parang ngayon ko lang sya nakita pero pakiramdam ko ay gusto kong lumapit sa kanya at saktan sya. Matinding galit ang nararamdaman ko.

ilang sandali pa ay huminto ang isang kulay gatas na montero sa harap namin tinted din ang bintana nito. unang pumasok ay si lorrin sunod naman ay si ella at dahan dahang pinasok si jess tsaka sumunod si melody.
nang makapasok sila ay isinarado ko na ang rin pinto. tsaka naglakad papunta sa shotgun seat.

pero bago ako makapasok ay napalingon ako sa mga lalaking hangang ngayon ay di parin umaalis sa pwesto nila. pagkalingon ko ay napasinghap ako ng makitang lahat sila ay nakatingin kung nasaan ang sasakyan. kaya nagmamadali akong pumasok sa loob.

una naming hinatid si jess. sunod si ella at melody. nang makapag park na si mang lando sa parking ng bahay ay nagpasalamat ako sakanya tsaka agad agad na bumaba at pumasok sa bahay.

pagpasok ko sa bahay ay naabutan kong nag lilinis si ate fe at ate diday habang nag kwe-kwentuhan. hindi na nila ako napansin dahil nakatalikod sila saakin.

dumeretso ako sa kwarto ko at ni lock ang pinto tsaka pabagsak na humiga sa kama.

hindi parin mawala sa isip ko kung sino ang lalaking yun at bakit parang ang tindi ng galit ko sa kanya.

'sya ba si nick? ang dahilan kung bakit nasasaktan si jess? kaya ba galit na galit ako sakanya?'

Napabuntong hininga nalang ako. naputol ang pagiisip ko ng tumunog ang alarm clock ko. oras na para mag ayos at pumasok sa school.

--------------------------
ayan na! #^_^#

My Badboy Bestfriend (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon