Chapter 29

491 36 8
                                    

Nakahiga ako sa kama at nakatingin sa kisame habang nagmumuni-muni.

Ngayon dapat kami mag pupunta sa club kaso di natuloy, ganun ata talaga kapag pinagpaplanuhan ang lakad.

Walang pakielamanan ang nangyari sa office, wala akong pinansin na kahit sino maliban lang Kay Nick dahil sobrang kulit niya. Parang walang nangyari kahapon.

Si Xi ,di man lang ako kinamusta ng impakto na yun. Di man lang nagpaliwanag kung bakit inindian ako.

At yung Ericka na yun, Ewan!

Ang ganda pa rin niya kahit two faced impaktita siya. Bagay silang dalawa, Impakto at Impaktita.

Bakit ko ba sila iniisip. Ang weird ko lately ha.

Bigla na lamang tumahol si Goofy, napansin kong may tumatawag pala sa akin.

Speaking of the impakto, tumatawag siya.

Nagtatalo ang isip ko kung sasagutin ko ang tawag niya. Pero mas pinili kong huwag itong sagutin.

Bahala ka sa buhay mo!

Naisipan kong mag-facebook na lang muna, pampaantok.

Kaka-scroll ko sa newsfeed nakita kong may tagged post kay Xi.

'Mericka Llamas feeling loved with Xavier V.'

Feeling loved? Tsk!

Pakeelam ko ba sa lovelife nila. Mag 9gag na nga lang ako sasaya pa ako.

Malungkot ba ako? bakit kelangan ko sumaya? Matulog ka na nga lang Gabriela!

Nagpagulong-gulong ako sa kama ko, pero di ako dinadalaw ng antok.

"Goofy gusto mo mamasyal?" tanong ko sa alaga ko. Winagayway naman niya ang  butot niya.

Alas diyes pa lang naman, wala pang hating gabi di pa abot sa curfew.

Naglakad kami ni Goofy sa labas, medyo matagal na din nang huli kaming mamasyal ng gabi. Hinihila niya ako, ewan ko ba sa asong 'to hyper di naman kumakain ng chocolate. Pareho kaming  tigok pag kumain kami ng chocolate.

Pabalik na kami sa bahay nang mapansin kong may nakaparadang kotse sa harap ng bahay namin.

Kilala ko ang kotseng yun, kay Xi iyon. Lumabas mula sa loob ng kotse si Xi at tumingala patingin sa bintana ng kwarto ko.

Anong ginagawa niya dito?

Ayoko siyang kausapin, bahala siya sa buhay niya.

Nagtago kami ni Goofy sa may halamanan. Sinisilip ko kung nakaalis na si Xi, pero andun lang siya nakatayo.

Hanggang anong oras ba siya tatayo dun?

Napabahing ako.

Langya! Lumayas ka na! Sinisipon na ako.

Napatingin ako kay Goofy at napangisi.

"Goofy, alam mo na ang gagawin." Binitawan ko ang tali ni Goofy at agad-agad siyang tumakbong tumatahol papunta kay Xi.

Kitang-kita ko kung paano mabilis na pumasok si Xi sa loob ng kotse niya. Tinatahulan pa rin siya ni Goofy.

Takip ang bibig na tumatawa ako habang nagtatago. Hanggang sa tuluyan niyang pinaandar ang Kotse paalis.

My Two First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon