Chapter 35

541 32 3
                                    


Nagising ako dahil sa lakas ng ulan. Kung gaano kaganda ang panahon kahapon ganun naman kasama ang panahon ngayong araw. Napa-upo na lang ako sa kama ko.

Okay na din siguro 'to para di mabugbog ang paa ko.

Nag-iinat ako nang biglang lumabas si Xi mula sa banyo ng topless at nagpupunas ng buhok.

Holy Sheep!

Hindi ito ang first time na makakita ako ng topless male. Napunasan ko pa nga katawan ni Nick dati, pero kasi first time kong makita ang katawan ni Xavier. Nung nakiligo siya sa bahay naka-tshirt siya agad paglabas ng banyo.

At uso na ba talaga ang biceps at abs ngayon?

Putek! Manyakis na ba talaga ako? I've been stained, kaka-dikit sa'kin ni Nick 'to ehh.

"Are you okay?" tanong ni Xi. Di ko namalayan naka lapit na pala siya sa akin.

"Do you like what you're seeing?" ngisi niya.

"Hindi! Nakakarimarim, magbihis ka na magka-pulmunya ka pa."

"Hindi raw, nakanganga ka nga," pagpparinig niya.

"Malamang nag-iinat ako at inaantok pa."

Ito ba ang other side ni Xi, away from the serious and silent him?

"May pupuntahan ba tayo?" tanong ko sa kanya.

"Wala cancelled, ang lakas ng ulan. It's better if we stay here," sabi niya habang nag-susuot ng t-shirt.

"How's your foot?" tanong niya sa akin.

"Mas okay na kesa kahapon. Galing manghilot ni Kuya Jun," inikot ikot ko pa ang paa ko bilang prueba.

"Stop that, mamaya bigla na namang sumakit yan. Sabi ni kuya Jun may naipit lang daw na ugat. Good thing you didn't have a broken bone," pagbibigay alam niya sa akin.

***

Gaya nang ginawa niya kagabi ay dinalhan niya ulit ako ng pagkain sa kwarto. I find it sweet of him, at least i get to experience na pag-silbihan ng isang lalake. Di lahat nabibigyan ng ganitong pagkakataon, bonus na lang na gwapo ang gumagawa nito sa akin. 

Ano ba?

Matagal ko nang na-appreciate ang kagwapuhan ng impaktong 'to. Kahit pa inaapi niya ako noon.

Mag-tigil ka Gabriela!Kung anu-ano na naman ang pumapasok sa utak mo.

"Okay ka lang ba talaga?" tanong niya sa akin.

"Ha? Oo okay lang ako," wala sa huwisyong sagot ko.

"Bakit tulala ka?" tanong niyang muli.

"Nag-iimagine lang," pagpapalusot ko saka ako sumubo ng pagkain mula sa kutsara.

"Imagining me?" Nakakalokong tanong niya.

Nabilaukan ako sa sinabi niya at napa-ubo, di ko malunok ang nakabara sa lalamunan ko Pinukpok ko ng kamay ko ang dibdib ko baka sakaling makahinga ako ng maluwag.

Paano ba niya nababasa ang iniisip ko?

Inabutan niya ako ng baso ng tubig na agad ko namang kinuha at ininom habang hinihimas naman niya ang likod ko. Nang lumuwag na ang paghinga ko ay napa buntong hininga na lang ako.

My Two First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon