Chapter 36

491 26 4
                                    


Parang pinagpahinga lang talaga ako ng panahon nung isang araw. Maaliwalas na ulit ang panahon, bigla din atang dumami ang turista dito sa Batanes. Madami kaming nakakasabayan sa bawat site na pinupuntahan namin.

"Kuya Jun, sigurado ka bang pwedeng mag swimming dun? diba maalon?" tanong ko.

"Opo ma'am."

"Ano ka ba Silang, he won't take us there if it's dangerous," sabi din ni Xi.

Papunta kami ngayon sa Morong Beach. Sabi ni Kuya Jun hindi daw maalon dun kaya safe mag swimming. Okay na din 'yun nang magamit ko naman ang binili namin ni Donna.Pagdating namin doon ay nakita namin na may iba pang mga turista pero di naman crowded you can still have privacy kung gusto mo.

Ibinaba namin ang gamit namin mula sa tricycle ni Kuya Jun at naghanap ng pi-pwestuhan.

"Saan pupunta si Kuya Jun?" tanong ko nang mapansin kong umalis ito.

"He will be back before the sun sets," sabi ni Xi.

"Ehhh?"

Ibig sabihin kaming dalawa lang ang maiiwan dito? So kung magsi-swimming ang isa magbabantay ng gamit ang isa? I doubt naman na may magnanakaw dito.

"We should spend our last day together, just the two of us," sabi ni Xi.

"Ewan ko sa'yo," Ismid ko.

Sinundan ko lang siya habang naglalakad sa buhangin.

"I think, this is a good spot." Ibinaba niya ang mga bitbit niyang gamit sa buhangin.

He chose a spot kung saan wala masyadong tao.

Ganun din ang ginawa ko. Inilatag ko ang Beach Blanket at dun ko nilapag ang mga bag namin. Siya naman ay nagsimulang itayo ang tent namin. We thought about it, siyempre dun kami magbibihis pagkatapos magswimming or kung antukin dun  matutulog.

Nang tapos na siyang magset-up ay ipinasok na namin ang bag namin sa loob with our valuable things, mabuti na ang sigurado. Ang mga pagkain at tubig naman ay nasa labas ng tent. Umupo ako sa beach blanket na inilatag ko kanina at tinanaw ang Dagat.

"You're not gonna swim yet?" Biglang tanong ni Xi na nakatayo na pala sa tabi ko.

Napatingala ako sa kanya. He's wearing an unbottoned polo showing his abs and a blue swimming shorts. I've seen him topless for three times, pero bakit di ko pa rin maiwasan na di mamula tuwing nakikita ko ang abs niya.

Holy sheep naman!

"Maligo ka na kung gusto mo mamaya pa ako," sabi ko sa kanya.

"Okay, pero sumunod ka ha," sabi niya tsaka siya naglakad papunta sa dagat.

"Impakto! Nag sunblock ka naman noh?" tanong ko sa kanya.

Nilingon niya ako.

"Why? Want to apply some on my body?" Nakakalokong tanong niya.

Bwisit!

"Bahala ka masunog diyan!" sigaw ko sa kanya.

"I already applied some, don't worry Silang," kindat niya at muling tumalikod para maglakad patungo sa tubig.

Pinagmasdan ko lang siya, hinubad niya ang polo niya at saka siya lumusong sa tubig.

Bakit ba ako kinakabahan?

Mula nang mapunta kami dito sa Batanes, kakaiba na ang nararamdaman ko sa tuwing panonoorin ko si Xi. Kahit ang lakas niya mang-asar masaya ako  tuwing nakangisi siya sa akin.

My Two First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon