Chapter 4

1.1K 61 21
                                    


Dumating kami sa Chi Hao restaurant, naka-book na ang boss ko kahapon pa. Finollow-up ko lang ang reservation namin kaninang umaga. Maaga kaming nakarating sa meeting place wala pa  roon ang client na i-mimeet ng boss ko.

Wala kaming imikan ng boss ko habang hinihintay ang pagdating ni Mr. Chen. Ilang minuto pa ay dumating na si Mr. Chen at may dalawa siyang kasama. Agad kaming tumayo ng boss ko para  batiin sila. Kung di ako nag-kakamali isa sa kanila ang secretary nito.

"Good evening Mr. Villafranco, this is my son Yuan." Pakilala niya sa lalakeng katabi niya, doon ko lang napansin ang pagkakahawig nila.

"I'm glad to finally to meet you Sir Yuan." Magalang na sabi ng boss ko.

"Me to," sagot naman nito saka ngumiti, halos mawala ang singkit na mata nito dahil sa pag-ngiti.

Ang cute!

"Who's this lady you're with?" baling ni Mr. Chen sa akin.

Bigla akong kinabahan, di ko tuloy alam kung ngingiti ba ako o hindi.

"She's Gabriela my new secretary."Pakilala sa akin ng boss ko, nahalata niya ata ang kaba ko. 

"Nice meeting you Gabriela," sabi nito sa akin at inilahad ang kamay sa akin. Agad ko naman iyong inabot para makipag-kamay kinamayan ko na rin si Sir Yuan at ang secretary na kasama nila.

Matapos ang batian ay nagsimula na kaming umupo at sinimulan ang meeting. Isa isa ko silang inabutan ng folders kung saan nakalagay ang printed na proposal na dala namin ng boss ko. Si Sir Xavier ang abalang nag-eexplain ng laman niyon at siya rin ang sumasagot sa mga tanong nila. Nagti-take note lang at nakikinig sa sinasabi ng boss ko.

Akala ko ay dinner meeting iyon pero di pa kami kumakain, naramdaman ko ang gutom ko kaya panay ang inom ko ng tsaa na hinatid sa akin ng  staff doon.

Nakangiti si Mr. Chen hanggang sa matapos ang presentation ni Sir, masasabi kong maganda ang magiging resulta ng meeting na iyon.

Nagki-kwentuhan na sila at nag-order na rin ng pagkain di ko na masyadong naiintindihan ang usapan nila dahil iniisip ko ang tiyan ko na parang anumang oras ay bigla na lang kukulo.

Gutom na talaga ako.

Ilang minuto ang lumipas ay dumating na rin ang mga pagkain na inorder namin sweet and sour pork, Kung Pao chicken, spring rolls, dumplings , at fried rice. Gustuhin ko man na kumain ng marami ay hindi ko magawa dahil nahihiya ako sa kanila. Gusto ko na rin umuwi para makakain ng marami. Madaming natira sa pag-kain, nanghinayang ako sa mga iyon at gusto ko sanang i-take out iyon kaso baka mapalaban ako sa boss ko.

Akala ko pagkatapos na kumain ay makakauwi na ako, gunit biglang nag-aya si Sir Yuan na  mag-hang-out. Di na sumama si Sir Chen dahil di na raw siya bata at gusto niyang mag-enjoy ang anak niya. Pag-alis ni Mr. Chen ay bumuntong hininga si Sir Yuan gay'on din ang secretary nilang si Arthur na kanina ay napaka-seryoso. 

"At last makakhinga na rin tayo."  Nakangiting sabi nito sa amin.

"I know a good place where we can drink,"sabi nito.

Gaya kanina ay sumakay ako sa kotse ng boss ko. Wala akong nagawa kundi ang sumama kung saan man kami patungo. Huminto siya sa pag-dadrive nang makarating kami sa isang Club. Bumaba ako sa kotse niya matapos siyang makapag-park. Pinasadahan ko ng tingin ang labas ng club na iyon Luna's  ang nakalagay sa sign board nun. Nasa labas pa lang ay maririnig na ang malakas na tugtog na nagmumula sa loob nito. Masasabi kong sikat ang Club na ito dahil sa dami ng kotseng naka-park sa harapan nito.

My Two First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon