Chapter 6

1K 58 15
                                    


Sobrang sakit ng ulo ko nang magising ako, napaupo ako sa kama at agad hinanap ang bag ko. Kinapa ko sa loob no'n ang cellphone ko, laking gulat ko nang makita ko kung anong oras na.  Nanlaki ang mga mata ko dahil alas dos na ng hapon. Saka ko napansin na hindi ko kwarto ito at lalong hindi ko kama ang tinulugan ko. Napasigaw ako sa taranta, napatakip ako ng kumot sa sarili ko. Kung anu-ano na ang tumakbo sa utak ko baka may kumidnap sa akin tapos dinal ako rito. 

Bigla na lamang bumukas ang pinto ng kwarto at niluwa si Donna na humahangos.

"Besh, Anong problema? Bakit ka sumisigaw?" tanong niya habang naghahabol ng hininga

 Agad siyang lumapit sa akin at umupo sa tabi ko.

Ibig sabihin andito ako sa bahay ni Donna?

Inalala ko ang nangyari kagabi, medyo malabo pero naaalala ko na hinalikan ko siya. Bigla akong nahiya sa sarili ko.

"Hoy! Gising ka na ba talaga?" tanong niya sa akin.

Nagbalik naman sa katinuan ang utak ko. Di ko maiwasan ang tumingin sa kanya at maasiwa.

"Magkatabi ba tayong natulog?" nag-aalalang tanong ko, baka kasi may nagyari sa amin sa sobrang kalasingan ko.

"Hindi noh, anong tingin mo sa akin? duh!" Tanggi niya habang nakataas ang isang kilay.

"Bakla, para kang tanga. Ano may naalala kang kahihiyan na ginawa mo kagabi noh?" usisa niya sa akin.

Nagpapanggap ba siya na wala siyang alam? o  inaasar lang niya ako?

"Nakakahiya talaga ginawa ko sayo. Di na talaga ako iinom," sabi ko sa kanya at  di makatingin ng diretso. Napakunot naman siya ng noo at tila nagtataka.

"May tama ka pa rin ba, anong pinagsasabi mo?" tanong niya sa akin na parang wlang ideya kung ano ang sinasabi ko.

"Kunwari ka pang nakalimutan mo, siguro ayaw mo lang alalahanin kasi nandidiri ka." Paratang ko sa kanya.

"Ha?" nagtataka pa ring tanong niya.

Napabuntong hininga na lamang ako at walang nagawa kundi ipaalala sa kanya.

"Diba sinundo mo ako kagabi, tapos nag-drama ako kasi may nagnakaw ng first ko sa club tapos, hinalikan kita," sabi ko sa kanya.

Nanlaki ang mata niya at parang may napagtanto. Bigla siyang napatayo at napatili na parang kinikilig.

Anong problema nito.

"OMG! Bakla!" sigaw niya.

Nagtataka ako sa ginagawa niya, bakit ba siya kinikilig? Crush ba ako nito o ano?

"Oh bakit parang kinikilig ka diyan? Tanong ko sa kanya.

"Bakla!" sigaw pa rin niya.

"Ano ba?" inis na sigaw ko sa kanya.

"Bakla!OMG!"

Isa pang sigaw niya at babatuhin ko na siya ng unan.

"Bakit ka ba tumitili?" Narinding tanong ko sa kanya, waleng ka-edi-ediya kung kung bakit siya kinikilig.

"Gabriela De Guzman! hindi ako ang hinalikan mo," sabi niya at di rin nawawala ang kilig sa mukha niya.

"Hindi ikaw? Sino na namang estranghero ang hinalikan ko?" Nanlulumong tanong ko.

"Si Sir Xavier," sabi niya.

"Bakit naman napasok sa usapan ang impaktong 'yun?" Inis na tanong ko.

My Two First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon