Untitled.
Umiwas ako ng tingin ng mahuli ako ng mga pares ng mata niyang seryoso makatitig.
"hahahahaha" tawa ko sa corny na biro ng kasama ko para ipalabas na wala naman sa kanya ang atensyon ko at nagawi lamang ang mata ko doon.
Pero sino pa bang lolokohin ko, eh tuwing tanaw siya ng mata ko, mistulang dumidikit na ito at di lumilipat sa ibang direksyon.
"natulala ka nanaman" napatili at nahulog ako sa mesang inuupuan ko sa pagkurot ng kaklase ko sa tagiliran ko.
"alam mo feeling ko talaga inlove to eh, palagi ng may nakaplaster na ngiti sa mukha habang nakatulala" pangaasar pa ng iba.
"sino ba ha? Isa ba sa manliligaw mo? Yieee" nagtawanan pa ang mga ito.
"walang nanliligaw sakin!" sabi ko't tinapik ang mga kamay nilang kinikiliti ako.
"dahil ba yan dun sa matagal mo ng kinababaliwan? Sino ba yan ha?"
Matagal na nila itong tinatanong sakin pero ni minsan di ako nangahas sagutin.
Natahimik ako at napakagat sa ibabang labi.
Isa isang sumilay ang mga ngiti sa kanilang labi.
"alam mo, kung wala kang balak ipaalam samin, kahit at least dun man lang sa taong gusto mo... sabihin mo." mas natahimik sila ng yung kaklase na naming palaging tahimik at nakikitawa lang ang nagsalita.
Natapos ang last subject namin kaya't naguwian na sila, pero ako imbis na umuwi ay tinahak ko ang building nila, saka umakyat sa tamang palapag at naglakad papunta sa room.
Wala ng tao, vacant nila sa mga oras nato. Asan kaya siya?
Akmang aalis nako ng nabunggo ko pagharap ko ang taong hinahanap ko.
"anong ginagawa mo dito?" tanong niya.
"uh-" lumunok ako saka ibinuka ang bibig para magsalita.
"m-may sasabihin sana ak-o" halos pumiyok ako sa kabang nararamdaman ko.
Ito naaa!!
"hindi to tama pero gusto ki-"
"Shiena?" nanlamig ang buong sistema ko ng marinig ko ang masayang boses na iyon.
"anong ginagawa mo dito?" masigla niyang tanong at nilingon ako at si Gio.
Katahimikan ang bumalot bago ako nakasagot.
"m-may itatanong lang sana ako sa kanya" mabilis kong sabi ng makitang sasagot na sana siya.
"a-alam kong bawal ako sa building niyo pero h-hinahanap talaga kita." kabado kong palusot.
"g-gusto ko sanang ipasabi sayo na.... n-na... titigil na ako" parang virus na kumalat ang sakit sa akin.
Titigil nalang ako Gio.
"kung ayaw mo talaga sa arts training ayos lang, sundin mo ang puso mo hahaha" tumango pa siya sakin at tumawa.
Pano ko susundin, e wala naman sakin... Hahaha logic edi patay nako :(
Ngumiti ako ng tipid.
"Pano na, una na kami ni Babe? Bye Shiena" niyakap niya ako saka nila tinahak ang hallway.
"bye ate, bye gio." bulong ko't pinigilan ang luhang nagbabadya.
And that's how our story remained untitled, because we never had a story in the first place.
note: sorry cringey wrote this last March 18, 2019.
—
Thankyou & Godbless

BINABASA MO ANG
one shots
RandomTHIS IS NOT A BOOK. IT'S A LIBRARY OF ONESHOTS!! (pero kokonti pa lang yung stories haha i know i'm a clown.) thank you for standing by! Mwah :*