highschool sweet hearts

9 1 0
                                    

Highschool sweet hearts

"Diveena! Nandito na!" sigaw ng kaklase kong nakasilip sa sliding window ng room sa kanan kung san ang hallway.

"TEKA!" tumayo agad ako saka hinagod ang buhok ko at nagmamadaling nangulumbaba sa nakabukas na bintana.

kabado ako habang tinatanaw ang paglapit niya.

"Goodmorning!" masayang bati ko nung nasa tapat na ito.

Luimingon ito sa akin kaya't tuwid ako ng tayo at humilig pa lalo sa bintana.

Pinagtaasan ko ito ng dalawang kilay at nginitian ng malawak.

Matalim ang titig nito sa akin ngunit ang aking mata'y namumungay na.

Binalik nito ang tingin sa hallway saka umakbay sa babaeng ngayon ko lang napansing kasama niya.

"oooowwwww" ang reaksyon ng karamihang di ko napansing nanonood.

"tropa niya lang daw iyon Vee!" sigaw ng isang lalaking tagakabilang room na nakatambay sa labas.

"onga! Maganda ka pa don!" sabi pa ng iba kaya't ang konting sakit at lungkot na nararamdaman ay naibsan.

Eversince na umamin akong nagugustuhan ko ang supladong senior na yon, halos lahat sila rito'y boto at suportado sakin at sa mga kalokohan ko.

Kaya't maging ako'y kalimitang lumalakas ang loob at naiiwanan ng hiya dahil sa ganitong pakulo nila.

"halos dalawang buwan ka ng nagpapapansin sa senior na iyon." komento ng kaibigan kong nakaupo malapit sa bintana.

Umupo rin ako saka humikab. "i want to stop, nakakahiya narin naman kasi. Kaso ang lakas niyo mandemonyo eh!" biro ko.

"oh tulog ka nanaman?" sita nito ng umubob ako.

"di ka parin nasasanay? Dalawang buwan nakong ganito?" sabi ko habang nakubob.

"oo nga eh, 2 months straight ka ng walang absent at palaging maagang pumapasok. Para lang don sa senior na yon" she joked.

"naoffend ako ah! Syempre bagong buhay lang. Sinasanay ko lang din sarili ko."

Ginising ako ng kaklase ko noong dumating na ang teacher namin, ngunit bumangon lang ako para bumalik sa aking upuan saka itinuloy ang pagtulog.

Halos isang oras na akong natutulog ng biglang may humampas ng bote sa ulo.

"ARAY!" sigaw ko sa sakit.

Nilingon ko si Hannah at hawak niya ang bote saka ballpen at papel na agad niyang binigay sakin.

Nang humarap ako'y may mga tanong na sa powerpoint ng teacher namin.

"surprise test" sabi ni Hannah.

"nasan si ma'am" tanong ko pa ulit habang nagsasagot.

"Ms. Angeles at Ms. Vidal! The door is open, you can go out if you will just chitchat and not take the test" napalingon ako sa unahan at doon nakaupo sa unang row ang subject teacher namin.

Pabiro kong kinindatan ang teacher namin kaya't nagtawanan ang mga nakakita.

"Diveena Angeles!" she called loud and clear.

"sorry ma'am! Di na po mauulit" sabi ko't lilingon na ulit sana sa power point ng mahagip ng mata ko ang pamilyar na pares na mga matang mariing nakatitig sa akin.

one shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon