mutual

13 1 0
                                    

mutual

Tulala akong nakaupo at naghihintay sa may gate papasok ng paaralan.

Ilang mga kakilala ang dumaraan at bumabati sa akin ngunit tamang pangangamusta lamang ang naigagawad ko sa kanila, sa kadahilanang baka ako'y malingat-

"Sir Holgado!" mabilis akong tumayo at patakbong hinabol ang aming guro na hindi ko pa mapapansin kung hindi ako mapapalingon sa loob ng paaralan.

"hindi niyo ba ako nakita doon sa gate? Hindi niyo man lang ako tinawag-"

"pasensiya na pero hindi kita napansin." abala niya sa pagsasalita ko habang deretsong nakatingin sa unahan at naglalakad.

"ayos lang sir" sagot ko agad habang sinasabayan siya.

"may kailangan ka pa ba?" tanong niya agad.

"sir. Yung secret natin-"

"safe yun, wag kang mag-alala." napangiti ako't tumango saka humiwalay ng daang tinatahak.

"Jackpot!" dinig kong sambit ng pamilyar na boses kaya't agad kong binilisan ang lakad.

Ngunit bago pa ako makapasok ng classroom ay inakbayan na ako ni Martin.

"not that fast." bulong niya sa tenga ko na nagbigay kilabot sa buong katawan ko.

Brrrr. weird!

"goodmorning! Kumain ka ba bago umalis?" tanong niya. Inalis ko naman ang braso niya sa balikat ko saka dumistansya.

"ahh oo, busog na busog nga ako e" di mapakali kong sagot dahil hinahawakan niya ang pisngi ko.

"ganun ba? Yayayain sana kita mag-almusal sa labas" maingat niyang isinisipit ang buhok ko sa aking tenga. Dahil sa kakaibang nararamdaman ay pasimple kong inalis ang kamay niya sa mukha ko at marahan siyang tinulak palayo.

"siguro sa ibang araw na lang- o di kaya'y wag na lang hehe." sagot ko saka ngumiti ng tipid. Agad niya namang sinuklian ng matamis na ngiti at lumapit ulit sa akin, kung kaya't ako'y umatras ng isang hakbang.

Ngunit bago pa ako tuluyan makaatras ay hinuli niya ang bewang ko saka ako pinigalan habang siya'y patuloy na lumalapit.

Tila slow motion ang pangyayareng paglapit niya na nagbibigay ng kakaibang feeling sakin.

"ba't ka ba kinakabahan? May nararamdaman ka na ba sakin?" bulong niya nang magkalapit ang aming mukha.

"ah kasi-"

Bago pa matapos ang sasabihin ko ay sabay na binitawan ni Martin ang bewang ko at ang pagdistansya nito "mahigpit na ipinagbabawal ang pda sa ating paaralan." napalingon ako kay Sir Holgado na nakahawak sa balikat ni Martin, tila siya ang dahilan ng pagkakalayo nito.

"ah pasensya na po Sir." agad na nagbow si Martin at ako'y napalingon naman ka Sir na nakatitig lang sakin.

Hinawakan naman ni Martin ang aking kamay at hinila para magbow din.

Inintay naming lampasan kami ni Sir, ngunit bago pa ito umalis ay pinaghiwalay niya ang kamay naming magkahawak.

"bitter talaga ng mga teacher dito." bulong ni Martin saka kinurot ang pisngi ko at nagpaalam.

Pumasok na ako ng classroom at di inaasahang makakasabay si Athena.

"kayo na ni Martin?" tanong niya habang lumalapit kami sa aming upuan.

"hindi no." pagtanggi ko na nagpatawa lamang sa kanya.

"namumula ka nga kanina e" sabi pa niya at naupo.

"hindi naman dahil sa kilig. Nangingilabot nga ako e." napalingon siya sa akin ng may kunot sa noo. "ba't ka naman mangingilabot? E napakagwapo nung si Martin, dami ngang naiingit sayo kasi nililigawan ka nun"

"gaya nino?" tanong ko.

"gaya ko." sagot niya agad.

"ikaw? Pssh hindi yon nanliligaw sakin. Wag ka maniwala sa mga kumakalat na balita." agap ko sa kanya na nagpangiti ng malaki sa kanya.

"mabuti naman at hindi pa taken ang gusto ko." makahulugan niyang sabi saka ako nginitian.

"gusto mo ireto kita?" sabi ko agad.

"kanino??"

"duh, kay Martin?" sabi ko saka umirap at tumawa.

"ahhh kay Martin" sabi niya't tumango-tango.

"bakit? Gusto mo ba sakin?" biro ko.

"oo." sagot niya ulit saka ngumiti.

"biro ba yan?" kabado kong tanong.

"mukha ba akong nagbibiro Hazel?"

kabado lang akong nakatingin sa kanya.

"nabalaan na kita. Pagdating kay Sir Holgado, walang safe." mas malaking ngiti niya na nagbibigay ng ibang kaba sa aking sistema.

"feelings are mutual. I like you as well Hazel."

note: sorry cringey wrote this last September 02, 2019.


Thankyou & Godbless

one shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon