identification card

12 1 0
                                    

identification card

"hindi naman yon magtatagal." napalingon ako kay Ara sa mga sinabi niya.

"anong di ako magtatagal, pektusan kita jan." nagulat kaming dalawa nang may biglang umakbay sa aming dalawa.

"oh asan jowa mo?" lingon sakin ni Sin.

"sana all meron." sabi ko't tumawa.

Lumabas kami ng gate ng school, saka dumiretso sa kotse ni Sin na nakaparada.

"Tris!" sabay-sabay kaming lumingon sa tumawag.

Lumapit ito sa akin kayat tumigil ako sa pwesto, samantalang si Ara ay pumasok at si Sin ay nakatayo sa may pinto.

Humugot ito sa bulsa saka may inabot sakin.

"I.D. mo, naiwan sa Com Lab." ani ng lalaki saka ngumiti sa akin.

Inabot ko ito saka nagpasalamat.

Tinalikuran ko na ang papalayong lalaki saka humakbang palapit sa kotse. Mariin lamang nakatingin sakin si Sin at si Ara naman ay tinaasan ako ng kilay.

"gago, wala kang com subject ngayon." sita ni Sin bago pumasok sa kotse at sinara ang pinto.

"and you're wearing your identification card. Check that one" natatawang sabi ni Ara saka tinuro ang hawak kong I.D.

Nanlaki ang mata ko sa narealize. Agad kong inangat ang I.D at lalo akong nagulat ng makitang stolen picture ko ang nakalagay dito. Ibinaliktad ko ngunit litrato ko parin ang nakalagay.

"naks, sino kaya yan" dinig kong sabi ni Ara habang medyo kabado kong tinatagtag ko ang lace ng I.D.

Nang matagtag ko ay pahirapan ko namang hinuhugot ang litrato. Sumalubong sa akin ang likod ng card.

"lakas naman magpacurious nito." sabi ko saka binaliktad at hinugot ang litrato.

"ah, iba din." dinig kong sabi ni Sin ngunit di ko na nilingon sa gulat nang makita ko kung sino talaga ang may ari.

"nasayo daw ang I.D. ko?" mabilis akong napatunghay kina Sin bago lumingon sa likod ko.

Napakurap ako ng magkaharap kaming dalawa. Agad ding bumaba ang tingin niya sa mga hawak ko, saka lumunok at muli akong tingingnan.

Inilahad niya ang kamay niya kaya't tahimik kong iniabot ang I.D. niya.

"yung... pictures." dugtong niya habang nakalahad parin ang kamay.

"hmm?" lito kong tanong. Kanya daw e ako ang laman ng litrato.

"akin yan." malambing niyang saad. Sa sobrang sorpresa ko, di ko alam irereact ko. Nagkatitigan lamang kami hanggang sa nagsalulita ulit siya. "i captured those smiles and pictures, hoping that someday I can capture your heart too." i was going to laugh at his joke but when he gently took the pictures in my hand, naramdaman ko ang kaba dahil sa nginig at lamig ng kamay niya.

Napalunok din ako sa sarili kong laway ng marealize na totoo ang pangyayaring ito at totoo ang Neo Javier na kaharap ko.

"h-huh?" halos pabulong kong saad, hindi ko sinasabing nalilito ako kasi alam ko naman ang nagyayare. Hindi lang talaga rumerehistro sa utak ko, napakaimposible nito.

"i have never imagined my self confessing my feelings for you in a situation like this. I'm not yet even ready." malalim at malinaw niyang saad.

one shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon