Chapter 2

5 0 0
                                        

“Lord! Please save me. Please guide this person to the right way. And if ever, please forgive his soul,” napadasal na lamang ako. Dahil alam kong wala naman akong laban. Helpless ba.

“Seriously? You think I’m gonna hurt you?” tinig niya iyon. Ang malamig niyang tinig, muli kong nadinig. Dahan-dahan kong nilingon ang may-ari ng boses na iyon.

“Ikaw lang pala. Ginulat mo ko.” Nakahinga ako ng maluwag ng malamang ko si Jehrameel pala ang humawak sa akin.

“Di ba, sabi sa ko sa’yo mapanganib dito? Naglalakad ka na namang mag-isa.”

Ang mga salitang iyon, kahit galing sa malamig niyang boses, nag-iinit naman iyon sa puso ko.

Ibinaba niya lang pala ng mga gamit niya sa bahay nila kaya siya pumasok sa building. Ihahatid niya naman pala ako…

Hinatid niya ako hanggang bahay. Medyo may kalayuan ang may sa amin. Nakakahiya nga,e. Malaking abala sa kanya iyon. As a sign of courtesy, niyaya ko siyang pumasok sa bahay.

“Salamat sa paghatid. Pasok ka muna. Ipaghahanda kita  ng maiinom,” pag-aalok ko.

“Wag na, gabi na masyado. Gagawa pa ako ng homework,” pagtanggi niya sabay talikod. Hinatid ko siya ng tanaw. Parang ang sarap yakapin ng likod niya.

Ay Ara! Ano ba yang iniisip mo! Yakap agad!

Pagsasawaan ko muna likod niya. Hahaha! Nagmumukha akong tanga dito ng bigla na lamang lumingon siya at sinabing:

“Kung gusto mong pumunta sa bahay, sabihin mo lang at nang sa gayon ay di ka napapahamak. Takaw-disgrasya ka pa naman,” sabay talikod at nag-goodbye wave.

And from that night, hindi na pinakawalan ng isipan ko si Jehrameel. I am still clueless kung bakit ganito.

Lumipas ang ilang araw. Tuwing nakikita ko siya, para akong namimilipit, hindi mapakali. Yung mukha ko, nag-iinit, at para akong nabubulol pag kinakausap siya. Akala ko may sakit na ko.

“Oo, may sakit ka. Lovebug tawag diyan,” sabi  ni Myrah ng nag-open up ako sa kanya tungkol sa pagbabagong nangyayari sa akin.

“Lovebug? Kagat ba ng insekto yun?”

“Tangek! Ibig sabihin non, naiinlab ka na. Mukhang  nafa-fall ka na sis!”

Nai-inlove. Ganito pala yun.

Pero mukhang hindi ako nai-inlove. Dahil sa tingin ko, mula nung nagtama na ang mga mata namin nung panahong niligtas niya ako, doon pa lang, tumibok na puso ko para sa kanya. Love at first sight? Maybe…

Pero para siyang isang unreachable star. Although tahimik na tao siya, nagging popular siya among the girls. He has a stunning look. A head turner indeed. Sumali din siya sa basketball at kinalaunan ay naging ace player.

“Ara, pwede bang hiramin yung notebook mo sa Physics? May laro kasi ako kahapon,e,” iyon ang mga salita na nagmula sa kanya na halos nagpatigil sa aking hininga.

Bihira lang naman kaming mag-usap. Palageng tungkol sa studies. Madalas, answerable pa ng yes or no.

Patay! Puro pangalan niya nakasulat doon!

“Ah...Eh…Hindi din kasi ako nakapagsulat. Sorry!” sayang ang pagkakataon.

“Sige, salamat. Kay Lanna na lang ako hihiram” sabay talikod sa akin.

Kay Lanna? Yung captain ng volleyball team? Yung patay na patay sa kanya? Hinde!!!!!

Pero huli na. Ayun! Nakalapit na siya kay Lanna at parang linta naman yung bruja kung makadikit sa kanya.

My Cold and Stunning SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon