Dedicated to JeieMBie06
Thanks for being the first one to like this..much appreciated!
===================================================================
It’s Monday, araw uli ng pasok. Kahit sabihin nating dalawang araw na ang lumipas hindi pa rin naiibsan ang sakit na nadarama ko. Nawalan ako ng gana sa klase kaya naka zero ako sa exam.
“Ara, ayos ka lang ba? Mag-usap nga tayo,” yaya sa akin ni Myrah nung recess namin.
Pumunta kaming dalawa sa garden at doon, first time kong hindi umiyak habang ni-rerecall yung mga nangyari pagkaalis nila nung birthday ni Jehrameel.
“Ara, alam kong mahal mo siya, pero huwag kang mag-exert masyado ng effort. Hindi mo din alam kung mahal ka niya. Huwag mong saktan ang sarili mo.”
“But I can’t help myself. The feelings grew more as days passed. Hindi ko naman pinipilit sarili ko. Alam kong masakit, pero love is such a wonderful feeling.”
“Ironic Ara. Love is ironic. It can make you smile, it can make you laugh, but it can hurt you, then kill you…”
Yeah. Tama si Myrah, it is ironic.
“Try to fall in love Myrah, and you’ll know what I am talking about.”
“No thanks. Ayaw ko pang maging tanga. No offense meant.”
“None taken. Ayos lang maging tanga. If it’s part of the process of loving him, I’d be glad to be a fool forever.”
“Ara, kanina pa kita hinahanap…” isang malamig na boses ang nagpatigil sa pag-uusap namin ni Myrah.
“…pwede ba tayong mag-usap?” Napatingin ako kay Myrah.
“Sige Ara, una na ako. May assignment nga pala sa Trig. Byie!” at iniwan na kami ni Myrah para makapagsolo.
Tumabi sa akin si Jehrameel. Nagtama ang mga braso namin at para naman akong nakuryente. Hay love, bakit ba ang daming feelings.
“Tungkol sa birthday ko. Hindi ako nakahindi sa mga kateam ko kaya hindi ako nakauwi agad. But I tasted the food you prepared, specially the spaghetti. It’s delicious…” he’s smiling. Oh my dog! Is he explaining? And he is smiling. MILAGRO BA TO?
Parang pampalubag-loob lang yung “It’s delicious”. Hahaha! Pero kahit papaano, nawala yung sakit. Ang gulo. Two days akong nagdadrama tapos, sa simpleng It’s delicious lang sumaya na ko.
“Ayos lang. Naintindihan ko naman. Buti nagustuhan mo.”
“Yeah…babawi na lang ako.”
Nashock ako sa sinabi niya. Bingi na ba ako?
“This Saturday. My treat. “
Speechless ako. Is this a date? No Ara! Wag kang assuming. Babawi lang daw siya. Hindi ito date. Nakatingin lang ako sa kanya. Baka kasi mamaya ibang tao yung kausap ko. Si Jehrameel ba talaga ito?
OMG. Mukhang binibigyan niya na ako ng pag-asa. Whatever happens, I’ll let him know of my feelings this Saturday. Excited na ako!
Bigla siyang nag-snap ng fingers sa harap ko which made me come back to my senses.
“Hey? You still there?”
“Ah. Oo. Sure. Saturday it is!” sang-ayon ko.
Natapos ang usapan namin kasabay ng pagtunog ng bell which is a signal na tapos na ang recess. Sabay kaming pumasok ng room. Pero feeling ko, naiwan ang kaluluwa ko dun sa garden. Lutang ako.
“Oy! Anong pinagusapan niyo,a? Para kang nakadrugs at mukhang high” sabi ni Myrah ng papauwi na kami.
Ngumiti ako ng pagkalaki-laki at niyakap siya.
“Ay, buang ka na! Ano ba kasi pinag-usapan niyo?”
“Date.”
“Date? As in petsa?”
“Tungaw! Date, as in lalabas kami,” kinikilg kong sabi.
“Huwaaaat? Seryoso ba yan?”
“Oo!”
“Eh paano na yung atraso niya sa iyo. Aba! Pinaiyak ka niya nag todo-todo baka nakakalimutan mo sis!”
“Nakalimutan ko na actually,”
“Ay naku! Ang bilis mo namang bumigay! Where’s your pride?”
“Walang pride-pride sa pag-ibig. Kapag may pagkakataon, sunggabin mo!”
“Tsss…kung hindi ka paghihirapan ng lalake, madali ka lang din babalewalain niya.”
“Napakasupportive mong friend,” sarcastic kong sabi.
“Gusto kita iumpog ng magising ka kapatid. Pero bahala ka. Kung diyan ka masaya, suportahan taka!”
At umuwi na kaming dalawa.
Pagkauwi ko sa bahay, nagtingin-tingin ako ng masusuot para sa sabado. Though may 4 days pa, hindi ko lang mapigilan ang excitement ko.
Sa sabado, magbabago na ang lovelife ko!
BINABASA MO ANG
My Cold and Stunning Savior
Storie breviA Love Story? Read and then see for yourself...
