Chapter 3

3 0 0
                                        

Nanahimik ako after that incident. Umurong yung dila ko. Natapos kaming kumain ng wala ng imikan.

Hays! Badshot ako! Mukhang wala ng pag-asa na magustuhan niya ako.

Almost 10 na ng natapos namin ang project namin.

“Uuwi na ako. Salamat!” matamlay na paalam ko. Linisan ko ang apartment nila. Malapit na akong makalabas ng building ng maalala ko na delikado nga pala sa lugar nila.

“Patay! Anong oras na!” pero mukhang wala naman akong magagawa.

“Ihahatid na kita,” ang malamig na boses na yon. Ang akala ko hindi ko na maririnig muli iyon.

Hindi na ako tumutol. Pero wala naman kaming kibuan. Hindi ko alam kung galit pa din siya sa pangungulit ko kanina. Natatakot naman akong magsalita ulit.

“Namatay ang papa ko, apat na taon na ang nakakalipas. Nagpakamatay siya actually dahil sa sobrang dami ng problema. Mahina siyang tao at di na niya natiis ang lahat. Kaya isang araw, itinutok niya ang baril niya sa ulo at bang! Sa harapan ko pa siya bumalagta.” Ito ang unang beses ko narinig na may halong emosyon ang mga salita niya. Hinanakit.

“Galit ko sa papa ko sa halip na mangulila. Iniwan niya si mama ng mas malaking problemang papasanin. Sarili niya lang ang inisip niya. Wala siyang kwenta. Napakahina niya…” pagtutuloy niya sa kwento niya.

“So the reason you are cold is because of that? You’re hiding all your emotions because you want to look strong?” gusto ko sanang itanong yan pero nanatili akong tahimik.

This side of him, I think, is the the most vulnerable. At dahil sa pag-oopen up niya. Nakilala ko siya ng husto. He may look strong from the outside, but deep inside, he is just a child. A child who wants to be protected. He does not want to be weak like his father. Kaya tinatago niya ang emosyon niya by being cold towards other people. Gusto niyang ipakita sa lahat na matatag siya.

Nakarating kami sa bahay ko ng yun lang ang nasabi. Aktong aalis na siya ng sabihin ong,

“It is alright to cry, sometimes. Crying does not mean you are weak or a sign of losing. It is a sign of acceptance and moving on…” napatingin siya sa akin bigla.

“At kung gusto mo ng masasandalan kapag iiyak ka, nandito lang ako Jehrameel. Wag mong pasanin ang problema mo ng mag-isa…” sabi ko habag hawak ang pisngi niya. Naka-carried away na ko pero kailangan kong ipaalam sa kanya na maasahan niya ako.

Our eyes met. His were still cold while mine were pleading. Matutunaw ko na baa ng yelong nakaharang sa amin?

“I don’t cry. That’s for kids…” sabi niya sabay tanggal sa kamay ko at tumalikod.

Fat chance Ara! Pero kahit papaano, gumaan pakiramdam ko dahil nasabi ko kung ano ang nasa isip ko.

Bigla siyang humarap..

“Thanks for the offer anyway. Goodnight!” tapos ngumiti siya.

Ngumiti si Mr. Jehrameel Ramos? Kinusot ko pa ang mga mata ko. Baka namamalik-mata lang ako. Pero ang huling nakita ko na lang ay ang likuran niya. If this was just a dream, please, don’t wake me up.

My Cold and Stunning SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon