The next day…
=__=
“Anlaki ng eyebags natin,a. Maganda yan,” pang-aasar ni Myrah sa akin.
Para akong zombie. Hindi nga ako nakatulog ng maayos. Or mas mainam na sabihin na wala akong tulog. Gustuhin ko man na huwag pumasok, pinagalitan naman ako ni Myrah. May exams kasi kami today at kapag hindi daw ako pumasok, pinalalabas ko lang na affected ako masyado.
Nakarating kami sa room naming. Parang normal naman ang lahat. Sana.
“Andito na yung Ms. Number 1…Number 1 sa pagpapacute,” narinig kong bulong nung isang kaklase namin.
“Wow! Bulong ba yan? Ang hina kasi. Halos i-broadcast mo na sa buong klase,” depensa ni Myrah. May pagka-war freak lang talaga ang sis kong ito. Lalo na kung yung mga mahal niya na ang nasasaktan.
“Eh ano naman sa iyo kung ganoon ako bumulong? Bakit ba affected ka? Ikaw ba si Ms Number 1? Eh Wala ka nga sa top ten ng klase. Feelingera!” Bumewelta pa yung isang kaklase namin.
Hala! Is this war?
“Hah! Lakas ng loob mong magsalita,a. Bakit anong ranking mo? Sige nga!” Akmang susugurin na nung isang babae si Myrah. Waa!
“I’m sorry for my friend’s behavior!” Sumingit ako.
>__<
Nanlaki lang ang mata ni Myrah. 0.0
“Anong ginagawa mo?” Inis na tanong ni Myrah habang hila ko siya papuntang upuan.
“Saving you?”
“Huh? I was saving you!”
“I know sis! Pero, ayaw ko lang na mapahamak ka. Kung nagpatuloy pa yun,malamang sa wrestling kayo nauwi. Tapos, ipapatawag ka pa ng mga teachers. Tapos dadalhin sa guidance. Tapos, ma-sususpend. Tapos, magkaka-record ka. Tapos mahihirapan ka makapasok sa college, Tapos…”
“Tapos na…Hays! Thanks anyways sis. Nag-init lang ulo ko dun sa mga babaeng yun. Naku! Wag na wag ka nilang kakantiin. Baka kung saan sila pulutin.”
“Let them be. Kaya kong tanggapin lahat ng sasabihin nila…”
Naputol ang pag-uusap namin ni Myrah ng dumating si Jehrameel.
“Ara, about this Saturday…” Nakaramdam si Myrah kaya iniwan niya muna kami.
Hinihintay kong tapusin ni Jehrameel yung sasabihin niya.
“Ahmm…About this Saturday, sa ibang araw na lang kita ililibre. Nakalimutan ko, may gagawin nga pala ako sa araw na iyon,” a pagkasabi noon ay umupo na siya at nagbulatlat ng libro.
Ano daw? Sa ibang araw na lang? So hindi na tuloy date naming?
Ang sakit naman..
“S-sige. Ayo slang,” at umayos na ako ng upo.
Dahil kaya ito doon sa nasabi ko kahapon?
Grrr. Nainis ako sa sarili ko!
Gagawa na lang ako ng paraan para mabawi yung nangyari kahapon.
Lunchbreak.
“Jehrameel, sandwich,o!” Alok ko sa kanya.
Hindi ako dapat magpa-apekto sa nangyari kahapon.
“Thanks, busog pa ako,” iisang tonong tugon ni Jehrameel. Pagkatapos ay nilisan niya ang room.
Hmmm. Tumanggi siya? Baka busog lang talaga.
End of class.
“Jehrameel!” Tawag ko sa lalaking papalabas na ng room.
Nilingon naman niya ako agad at hinintay akong makalapit.
BINABASA MO ANG
My Cold and Stunning Savior
Historia CortaA Love Story? Read and then see for yourself...