Chapter 1

20 0 0
                                    

A/N: This is my first ever story written on a paper. This is already completed and is just a short one. I'll post this while writing my update for A Silent Serenade.

====================================================================

Beep..beep..beep..beep..

Iyan ang tunog ng busina ng sasakyang muntik ng makabangga sa akin.

Badump..badump..badump..badump..

Iyan naman ang tunog ng puso kong bigla na lamang lumakas ang pintig. At nang aking buksan ang mga mata ko’y tumambad sa akin ang mukha ng isang lalaki. Ngunit ang una kong napansin sa kanya ay ang malalamig na pares ng kanyang mga mata ng nakatingin sa akin.

Teka, bakit parang nakaangat ako sa lupa. Ay! Buhat pala niya ako!

Unti-unti, binaba niya ako at pagkatapos ay tumalikod. Ako naman ay nakatingin lang sa hubog ng kanyang likuran habang siya ay pumapalayo. Nang natauhan na ako, wala na siya. Sayang! Hindi ko man lang siya napasalamatan.

“Ara, ayos ka lang ba? Akala naming masasagasaan ka na. Buti na lang at mabilis yung lalaki kanina kaya nailigtas ka. Siya yung savior mo,” sabi sa akin ng bestfriend kong si Myrah.

“Ayos lang naman ako. Tara na Myrah, pumasok na tayo,” yaya ko sa kanya. Patawid na kasi kami ng daan ng may isang kotse na nawalan ata ng preno. Kaya muntik na kong madisgrasya kanina.

Tinahak namin ni Myra ang daan patungong school. Hindi na kami nakasakay ng jeep dahil nagkaroon ng traffic jam gawa nung aksidente kanina. Sakto ang dating naming dalawa dahil tumunog na ang bell. Hudyat para tumakbo kami papuntang room.

“Ara, Myrah, bakit late na kayo? Mayroon daw bagong transferee sa section natin…” bungad sa amin ng class president.

Transferee? Parang late na masyado. Patapos na ang 1st quarter ng school year.

Umupo na kami ni Myrah sa designated seats namin. Sakto! Dahil pagkaupo pa lang namin ay dumating kaagad ang class adviser namin.

“Good morning class” bati niya.

“Good morning Mrs. Legaspi!”

“I’ll introduce to you your new classmate. Please be nice to him…” sabi ni ma’am sabay tingin sa may pintuan at sumenyas na pumasok na ang bago naming kaklase.

“…you may enter the room now.”

Pagkasabi noon ay pumasok ang isang katangkarang lalaki na may balingkinitang katawan. Nang makarating na sa gitnang harapan ay nagtaas siya ng paningin na siya namang tumama sa akin. Muli, nakita ko ang lalaking may malalamig na pares ng mata.

“I’m Jehrameel Ramos. I’m from Sacred Heart Academy,” pakilala niya. Hindi lang pala ang tingin ang malamig sa kanya, pati boses. Ano siya? Bangkay?

“Tell us something about yourself. Your likes, dislikes, and your expectation with your new classmates,” sabi ni ma’am sa kanya.

“I like basketball, sci-fi and complete silence. I hate nosy and annoying people. I am a quiet-type of person that’s why,” he said in his cold voice.

Sinenyasan ako ni Myrah kaya napatingin ako. Umakto siya na parang giniginaw.

“Loka!” bulong ko sa kanya. Kinuha ko yung bag ko at kunyari ay nag-ayos.

“Bale hijo, doon ka mauupo sa likod ni Ms. Gonzales,” sabi ng guro namin.

Sa likod ni Ms. Gonzales. Sa likod ni…teka? Sa likod ko daw?

Hindi ko alam kung anong meron pero parang tinatambol ang puso ko. Lumakasa pa lalo ito ng nakita ko sa gilid ko ang pares ng mga paa niya na dumaraan papunta sa likuran ko.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Hindi ako mapakali at parang may kung anong sumapi sa akin. Teka! Kailangan ko nga pala magpasalamat sa kanya!

Tumingin ako sa kanya habang ang guro namin ay nagsusulat sa board. Kasalukuyan siyang nagsusulat sa notebook niya at nakayuko.

“Salamat nga pala sa pagliligtas mo sa akin kanina,” bulong ko sa kanya. Inangat niya ang tingin niya at sinalubong ang akin.

Badump…badump…

Hindi ko magawang makipagtitigan sa kanya ng matagal dahil baka himatayin na ako. Hindi nga ako natuluyan sa aksidente kanina, baka sa heart attack naman ako madale.

Hinintay ko ang sagot niya sa pasasalamat ko pero wala akong narinig.

“Ms. Gonzales! Do you need something from Mr. Ramos?” sita ng guro namin. Boo! Hilig talaga nito mamahiya.

Agad naman akong umayos ng upo at umiling sa guro. Pinagpatuloy ko ang pagkopya ng notes.

Natapos ang araw at hindi ko na uli siya narinig na magsalita. Tahimik nga.

Hindi muna ako dumertso ng uwi kaya nauna na si Myrah sa akin. May mga tasks pa ako at mga past 6 na ng ako ay natapos. Papalabas na ako ng gate ng makita ko siya sa di kalayuan. Ewan ko, pero sinusundan ko na pala siya ng mamalaya ko iyon.

Patuloy siyang naglakad. Mga 20 meters ang distansya namin. Ayaw ko naman kasing mahalata niya. Ay Ara! Bakit mo ba kasi siya sinusundan?

Hindi pamilyar sa akin ang lugar dahil sa kabilang way ang daanan ko papauwi. Maya-maya, isang madilim na eskinita ang dinaanan niya. Madilim na din ang kalangitan dahil mag-a-alas-siyete na ng gabi.  Para akong timang dito, nagtatago pa ako kapag humihinto siya sa lakad. Huminto si Jehrameel sa isang apartment nang biglang…

“Miss, bago ka dito, ano? Naliligaw ka ba? Tara, hatid na kita sa pupuntahan mo,” sabi sa akin ng isang lalakeng amoy-alak.

Tatakbo na sana ako dahil alam ko ang pwedeng maging kasunod nito. Ngunit nabasa niya ata ang isipan ko ata agad niya akong nahawakan sa braso ko.

“Teka lang. Dito ka muna. Kwentuhan tayo,” pangungulit pa nito.

Sisigaw n asana ako kaso naunahan na naman niya ko. Tinakpan niya ang aking bibig. Sa sobrang takot ko, naiyak na lang ako. Great! I am so helpless! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa pagkakataong ito kaya pumikit na lang ako. Patuloy pa din ako sa pag-iyak ng bigla na lang…

“Aray! Aba’t sino k aba? Gusto mo ba ng away?” sigaw nung lasing at saka ako binitawan. Hindi ko alam ang nangyayari kaya minulat ko ang mga mata ko. Si Jehrameel! Binugbog niya yung bastos na lasenggero! Tumayo yung mama at saka kumaripas ng takbo. Tinignan ako ni Jehrameel. Naaninag ko sa tulong ng street light ang mga mata niya.

“Hehe…Naligaw ako. Pauwi na dapat ako,e kaso yung mama…” nagpapalusot ako kaso hindi niya ako pinatapos.

“Sa susunod, huwag kang pupunta dito ng mag-isa. Mapangib ang lugar namin,” sabi niya sabay talikod at dire-diretsong pumasok sa apartment building.

“Eh alam naman palang mapanganib, pababayaan pa akong umuwi mag-isa! Makaalis na nga,” reklamo ko sa sarili ko.

“Bakit ba kasi iisa lang ang street light sa kanto na ito. Ang dilim-dilim tuloy. Baka mamaya magka-part two pa yung kanina,” kausap ko sa sarili ko habang naglalakad. Actually, natatakot lang ako kaya koi to ginagawa. Nakakatakot talaga yung nangyari kanina. Hindi pa ako nakakalayo ay may biglang humawak sa braso ko.

Susmaryosep! Magkakapart two pa nga ata!

My Cold and Stunning SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon