Chapter 6

8 0 0
                                        

The next day, para pa din akong nasa Cloud nine. Pangiti-ngiti pa nga ako habang naglalakad on our way to school.

“Ay naku po! May kasama akong baliw. Ngumingiti mag-isa!” sabi ni Myrah at napasapo pa ng noo.

“Hay naku! Pabayaan mo ko. Ini-enjoy ko pa yung feeling. Sana sabado na sis! Excited na ko!” Sagot ko sa kanya.

“Wag ka masyadong excited, baka maunsiyami,” ang nega talaga ng friend kong ito.

Binalewala ko lang ang mgga sinabing iyon ni Myrah at nagdaydream ulit. In-imagine ko yung mga gagawin namin ni Jehrameel. Kakain ng ice cream, manunood ng sine. Hays! Kakakilig.

Hindi ko na namalayan na nasa room na kami ni Myrah. Pero parang may kakaiba. Parang ang tahimik ng classmates naming ngayon. Usually, parang nakawala sa koran itong mga ito pag hindi pa start ng klase,e. Pero ngayon, parang may anghel na dumaan.

Dumiretso ako sa upuan ako. Tiningnan ko yung blackboard dahil may napakalaking mga letra na nakasulat doon. At doon ko nnapagtanto kung bakit sila tahimik.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakasulat sa board.

Ara loves Jehrameel.

Iyan lang naman ang nakasulat sa board.

Hala! Sino ang nagsulat niyan! Buti na lang at wala pa si Jehrameel

“What can you say about that, Ms. Number 1?” Lanna broke the ice. She is now standing in front of the class. Siya ba ang nagsulat nito? Grrrrr! Malalagot ka sa aking bruha ka!

“I don’t know what you are talking about,” I tried to stay calm pero hindi naitago ng boses ko ang pangangatal.

“Oh really? Ayan na nga,o. Nakasulat sa board. Love mo si Jehrameel” giit pa niya.

“Sino nagsabi sayo niyan? Tumingin ako kay Myrah. Help sis! Pero ang bulong niya lang ay “Kaya mo yan!”

“…Hindi totoo yan!” Amp! Dineny ko! Huhuhu! Balak ko kasi sa sabado pa magko-confess. Epal naman kasi itong nagsulat na ito. Kapag umamin ako ngayon, baka magkailangan kami ni Jehrameel at magkatotoo ang sinabi ni Myrah.

“Talaga? Then bakit iba ang treatment mo sa kanya? Para kang nagpapacute,” tuloy pa niya.

Ako? Nagpapacute? Excuse me! Hindi ako cute! Maganda ako.

Sa loob-loob ko, ang tapang ko. Pero hindi ko naman masabi kung ano talaga ang nasa isip ko. Baka mamaya spike-in ako ni Lanna.

“I owe him my life. I am just paying him back,” matapang kong sagot. Mukhang natameme si Lanna dahil natahimik siya. Give up girl! Hindi mo ko mapapaamin, not now!

Akala ko, doon na matatapos ang isyung ito. Nang biglang,

“So what can you say about that…” sabi ni Lanna. Ang kulit! Sinabi na ngang hindi! Mahirap bang intindihin iyon! Pero parang hindi ako ang kausap niya. Sa likod siya nakatingin.

“…Jehrameel?” pagkumpleto ni Lanna sa sentence niya.

Napatingin ako sa likod. Nandoon si Jehrameel sa backdoor at nakatayo. Kanina pa ba siya diyan? Amp naman! Hanggang saan yung narinig niya? Naglakad si Jehrameel patungong upuan niya. Lahat ng mata ay sa kanya nakatingin. Lahat, naghihintay sa sagot niya. Pati ako.

Huminto siya sa tapat ng desk niya.

“So what is she to you Jehrameel?” tanong pa ni Lanna. Hayst! Manahimik ka na nga! Ikaw may kagagawan nito,e. Pero, ako din. Gusto ko malaman. What am I to you, Jehrameel?

“She’s just like a clumsy little sister. Someone who can’t be by herself. And I just acted as her savior.” Sinabi niya sa buong klase iyon while looking straight into my eyes. And his voice, this time, it is colder than before.

Umupo na siya. At ako, I feel like crying. I am just a clumsy little sister for him. Someone he just protected. Great! Really! How come things turned out this way so fast?

Kahapon, halos hindi masukat ang kaligayahan ko nung inaya niya akong lumabas this Saturday. Tapos ngayon, halos sumabog na dibdib ko sa sakit gawa ng sinabi niya.

I managed not to cry in front of the class. Buti na lang at dumating na teacher namin at nag-start na ang klase. Pero feeling ko, hindi doon nagtapos ang lahat.

Yung mga kaklase ko, pakiramdam ko, nakatingin silang lahat sa akin. Pati si Jehrameel. How I wish maging normal lang ang lahat ulit sa amin ni Jehrameel. Kahit na masakit para sa akin ang sinabi niya, tatanggapin ko muna. Dahil hindi naman niya alam ang tunay kong nararamdaman.

Pinalipas ko muna ang isyu at hindi muna nilapitan si Jehrameel the whole day.

“Uy! Bakit di na kayo nagpapansinan?” Tanong sa akin ni Myrah ng pauwi na kami.

“Eh, yung isyu kasi,e. Pinapalipas ko muna.”

“Isyu? E ni-deny mo nga di ba? Bakit papalipasin mo? Parang sinabi mo na din na gulity ka.”

“Ehh…hindi ko alam paano siya ia-approach. Ang tingin niya lang pala sa akin ay “clumsy little sister”,” I remembered those words. And everytime I do, it hurts.

Binatukan ako bigla ni Myrah. “Aray!”

“Aaray-aray ka ngayon diyan! E sino bang nagsabi na “I owe him my life blah…blah…blah…” Ikaw itong nagumpisa tapos mag-bibitter-bitteran ka diyan. Gulo mo kapatid!” inis na sabi ni Myrah.

Sabagay, may point siya. Grrrr! Naiinis tuloy ako sa sarili ko.

Hindi ako nakatulog ng maayos ng gabing iyon. Iniisip ko, paano kung hindi ko sinabi na I just owe him my life, mag-iiba din kaya sagot niya? What if, umamin na lang ako sa nararamdaman ko, mas magiging maayos ba? Did I just make a big mistake?

I guess I have.

My Cold and Stunning SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon