Chapter 4

7 0 0
                                    

Simula nung gabing iyon, naging palagay ako kay Jehrameel. Somehow, I felt close to him.

Dinadalhan ko siya ng makakain sa school, nag-aaral kasama niya at kung minsan, sinasabayan siya sa paguwi. Although, cold pa din ang pakikitungo niya sa akin, okay na ko doon. At least, hinayaan niya akong mapalapit sa kanya.

Nalalapit na  ang birthday ni Jehrameel. Balak kong magpa-surprise pary sa apartment nila. Kasabay ng kaarawan niya ay ang championship game. So tamang-tama ang partydahil for sure, panalo na sila sa game.

“Ah, Jehrameel, maaga kang makakauwi this Friday?” tanong ko sa kanya habang nasa library kami.

“Dunno. Six ang start ng game. “

So kung six ang start, mga seven tapos na yun dahil one hour lang ang maximum ng game. Alright!

Dumating ang biyernes. Dumiretso kami ni Myrah and some of our classmates sa kanila after class. Kami ni Myra hang nagluto while yung iba ay nagdecorate. Natapos kami sa paghahanda ng mga  7:15.

Nagkuwentuhan kami ng mga kaklase ko para malibang habang hinihitay yung celebrant.

8 o’clock. Wala pa din siya.

“Wag ka ngang praning! Siyempre may awarding chu-chu pa yun, kaya malamang natagalan,” assurance sa akin ni Myrah.

I kept myself busy again. Chinek ko kung ayos na ang lahat. Nagbilang ng plato, tinikman yung mga luto, nagtest ng party poppers.

9 o’clock…

“Baka nag-extend yung game…”

10 o’clock…

“Baka may traffic jam…”

11 o’clock…

“Uwi na kami Ara!” paalam ng mga classmates ko.

“Sasabay na ko sis, naubusan na ko ng pang-cover kay Jehrameel,e. Ikaw? Hindi ka pa uuwi?” tanong ni Myrah sa akin.

Umiling lamang ako.

“Mauna ka na. Hintayin ko na lang siya. Sayang naman itong surprise ko.”

“Tsss…bahala ka. Siya! Babush!” at nilisan na nila ang unit nila Jehrameel.

Naiwan ako dito. Naghanap ako ng mapagkakaabalahan.

“Hija, gusto mo na bang umuwi? Hindi pa din kasi sinasagot ni Jeh yung phone niya…” malambing na sabi ni Mrs. Ramos.

“Hintayin ko lang po si Jehrameel tapos uuwi din ako agad.”

“O, sige. Basta kung may kailangan ka, nasa kuwarto lang ako.”

Kahit gabing-gabi na, puno pa din ako ng pag-asa na masusurpresa ko siya. Sana, sa planong ito, mapangiti ko ulit siya.

12 o’clock…

Hinihila na ako ng katawan ko para matulog. Umupo ako sa sofa. Iidlip lang ako…sandal lang…promise. At wala pang limang segundo ay nakatulog na ako.

“Hijo, saan k aba galing?”

“Nag-celebrate ng birthday sa labas.”

Nagising ako ng marinig ang usapang ito. Nakahiga na pala ako sa sofa. Buti na lang ang nakaharap ako sa sandalan ng sofa at nakatalikod sa kanila.

“Kanina pa si Ara, nakatulog kakahintay sa iyo. Pinaghanda ka pa naman dahil birthday mo. Pasado ala-una na, o! Papaano pa uuwi yan. Pabayaan na lang natin siyang matulog diyan.”

Ala-una na? Naku! Patay ako nito sa bahay…

“Nagkaroon kasi ng surprise party para sa akin. Sinabay na din ang victory party. Anyway, I never asked her to do that. Such a waste…”

“Hijo! Mabuti pa, kunan mo na lang siya ng kumot at unan. Matutulog na ako…”

I never asked her to do that. Such a waste…

Paulit-ulit na nag-play sa ulo ko yung mga salitang iyon. Parang broken-record. Hindi ko nakayanan ang nararamdaman ko ngayon at bumuhos ang mga luha ko. Wala akong pakielam kung mabasa ko pa sofa nila. Basta iiyak ako!

Habang patuloy ako sa pagdadrama, naramdaman kong may nagkumot sa akin. Alam ko naman kung sino ito kaya tumigil muna ako sa pag-iyak. Pero hinawi niya ang buhok na nakatakip sa mukha ko. Tiningna ko siya. Ang mga matang malalamig, nakatitig sa akin. Titig na walang pinagbago, titig na nagpatibok sa puso ko at ang titig na lalong nagpapasakit sa nararamdaman ko. Inalis ko ang paningin ko sa kanya at muling tumalikod. Naramdaman ko na lang na wala na siya sa tabi ko.

Muli, umiyak ako. Tanging ang sofa lang ang nagpahid ng mga luha ko, ang nasandalan ko at dumamay sa sakit na nararamdaman ko.

My Cold and Stunning SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon