Clay's POV
Lunch break na namin, ibig sabihin. Library time na. Hindi ako dito kumakain, ang mahal ng pagkain sa cafeteria. Yung isang pagkain dun, pang tatlong araw ko ng baon.
Naglalakad ako papuntang library, ng makasalubong ko yung isang studyante.
Naaalala ko siya, siya yung junior student na nagpakilala sakin. Parang Althea ata pangalan niya.
"Hi!" Masaya niyang bati.
"Hello" sagot ko, sabay yuko.
Naiilang ako sa kanya, sa lahat ng students dito actually. Ang gaganda't gwapo, ang gaganda ng mga kutis nila. Halatang mayayaman, nakakahiyang dumikit.
"Lunch tayo? My treat." Yaya niya sakin.
"Althea, may kailangan kasi akong basahin eh. Next time na lang siguro" totoo naman sinabi ko, kailangan kong mag-advance reading. Ayokong mawala ang scholarship ko, isa pa nakakahiya naman kung magpapalibre ako sa kanya.
Malungkot siyang tumango. "Hmm. Next time, bawal ng tumanggi. Okay?"
I look at her, I can see hope in her eyes.
I nod. "Sige, next time. Sasabay ako sa--"
O_O
She hugged me.
Nanigas ata katawan ko, nakakahiya.
Ang bango-bango niya, samantalang amoy johnson's baby powder lang ako.
Bumitiw siya sa pagkayakap.
Pigil hinga parin ako.
"I-I'm sorry. I'll go ahead, Clay. Next time ha?" Kumaway na siya, sabay lakad palayo.
Breathe, Clay.
Nakarating na ako sa library, at kita ko sa glass door ang likod ng babae. Baka teacher dito, hindi ko naman kasi masabi kung sino teacher dito kasi hindi uso sa skwelahan na 'to ang uniform. Nahihirapan tuloy ako, iilan lang mga damit ko.
Binuksan ko yung pinto at pumasok.
"Excuse po Ma'am" sabi ko sa babae.
Lumingon ito sakin, at sa pangalawang pagkakataon. Muling huminto sa pag-ikot ang mundo.
~~~FLASHBACK~~~
Nasa faculty room ako ngayon, kausap ko si Mrs. Montano.
"Bakit hindi mo ibigay ang schedule mo sa pinagtatrabahuan mo? Bakit itong subject ko ang isa-sacrifice mo?" May bahid na disappointment sa boses ni Ma'am Montano.
Nakayuko lang ako. "12noon to 8pm po tlaga dapat pasok ko, Ma'am. Nung nalaman nilang gusto kong mag-aral, binigyan nila ako ng scholarship. Instead of 8hours ang trabaho ko, naging 4hours na lang po"
Seryoso siyang nakikinig, kaya pinagpatuloy ko ang kwento.
"Hindi ko naman po sadyang i-sacrifice 'tong subject niyo, Ma'am. Alam ko naman kung gaano kahirap 'to, pero ipapangako ko pong ipapasa ko lahat ng activities and project na ibigay niyo. I'll make sure din po na ipeperfect ko yung mga exams niyo" pangungumbinsi ko.
Gaya kanina, nakikinig lang siya.
Mukhang ayaw talaga pumayag, nakakahiya naman na kasi kila Mr. Suarez. Sobra-sobra na yung offer nila, ayoko naman abusuhin.
Wala ka naman ng magagawa.
"Sige po, Ma'am. Kakausapin ko na lang po yung kompanyang pinagtatrabahuan ko, sorry po tlaga. I didn't mean to offend you" sabi ko ng nakayuko.
YOU ARE READING
abC
HumorThis story is based on my twisted imagination, any similarities with name or situation is out of my control. TeacherStudent GirlonGirl Adult Content (Trigger Warning) © CrazyAnneWrites All Rights Reserved 2018