Clay's POV
"A-ah ate, sino po ba talaga nagpapabigay nito?" Tanong ko sa ate na laging nagdadala ng pagkain sakin dito sa library.
Mahigit isang buwan na yata simula nung makatanggap ako ng pagkain, mukha ba akong walang kinakain sa bahay?
Hindi naman sa nagrereklamo ako, sa totoo lang masaya ako. Hindi dahil sa may kinakain ako, kundi dahil sa ramdam ko yung pag-aalaga ng taong nagpapabigay nito.
Isang tao lang pumapasok sa isip ko ang pwedeng gumawa nito, subalit ayoko din mag-assume.
Bakit naman ako bibigyan ni Ma'am ng pagkain? Baka naaawa siya sayo.
Mukha ba talaga akong kawawa? Yun lang ba dahilan niya? Bakit parang may inaasahan ka pang ibang dahilan?
"Ay naku, Ma'am. Araw-araw mo na lang yan tinatanong sakin" naiiling na sagot ni ate.
"Paano naman kasi ate, hindi mo naman sinasagot ang tanong ko" dismayadong sagot ko.
"Kaya nga Ma'am nagtanong na ako sa amo ko kung pwede ko sabihin pangalan niya, ang kulit mo rin kasi eh" sagot ni ate habang kinakamot ang kanyang batok.
"Talaga? Oh ano sabi niya? Anong pangalan niya?" Tuloy-tuloy kong tanong.
Gusto ko lang naman kasi malaman, gusto ko malaman kung si Ma'am ba.
Paano kung siya nga?
Bigla naman ako kinabahan, lumalakas ang tibok ng puso ko.
Diba eto gusto mo?
"Sabihin ko lang daw ang room niya, 11-A" sagot ni ate na parang humihingi ng paumanhin.
Alam niya kasi na matagal ko ng gustong malaman ang pangalan ng amo niya.
Dismayadong tumango na lang ako kay ate at kinain na ang dala niya, hindi naman kasi makakauwi 'to hanggat hindi ako kumakain. Mahigpit na bilin daw yun sa kanya ng amo niya.
Ikaw ba 'to Ma'am? Kung ikaw 'to, bakit mahigit isang buwan na kita hindi nakikita? Wala naman siya responsibilidad na magpakita sayo.
Kasalukuyang naglalakad ako papuntang banyo, iihi muna ako bago magsimula ang klase.
Habang naglalakad, hindi ko maiwasan isipin ang room na sinabi ng ate.
11-A
Junior class.
Napatigil naman ako sa harap ng pintuan ng banyo ng maisip ko yung posibleng tao.
Si Althea, siya lang tanging junior na kilala ko.
Nararamdaman ko din na may gusto siya sakin, sa kilos niya. Sa mga sinasabi niya, posibleng siya nga.
Eh bakit mukha kang namatayan diyan?
Hindi ko alam anong mararamdaman ko, gusto kong sumaya kasi mukhang tama na hula ko ngayon. Pero parang nalulungkot ako kasi, hindi si Ma'am?
Ipinikit ko ang mga mata ko saka huminga ng malalim, nagulat ako ng biglang bumuka ang pinto.
Mas lalo naman akong nagulat kasi kaharap ko ngayon si Althea.
"Hi, Clay!" Masayang bati ni Althea.
"Hello, Althea." Hiyang sagot ko.
Hinawakan niya braso ko saka hinila paloob.
"Cr ka na, hintayin kitang matapos para sabay na tayong lumabas" nakangiting sabi niya saka kinagat ang labi niya na parang biglang nahiya.
Tanging tango lang ang naisagot ko sa kanya.
YOU ARE READING
abC
HumorThis story is based on my twisted imagination, any similarities with name or situation is out of my control. TeacherStudent GirlonGirl Adult Content (Trigger Warning) © CrazyAnneWrites All Rights Reserved 2018