Clay's POV
"This isn't the right time, Carlos" dinig kong sabi ni mama mula sa kinatatayuan ko, bahid sa boses nito ang tilang humihingi ng paumanhin. Hahakbang na sana ako ng marinig ko ang isang pamilyar na boses.
"And when is the right time, Luisa?!" Bakas sa boses ng lalake ang galit at lungkot. "Dalawampu't isang taon mong pinagkait sa 'kin ang mga anak ko! Dalawampu't isang taon mo akong tinanggalan ng karapatan maging ama sa mga anak ko!"
Naguguluhan man sa narinig ko, unti-unti kong pinihit ang doorknob saka dahan-dahang pumasok. Tanging likod lang ng lalake ang nakita ko, at sapat na yun para makompirma ko kung sino ang nag-mamayari ng boses na yun.
"Tito Carlos" mahinang tawag ko dito na ikinalingon niya, He's crying pero bakit? "Anong nangyayari?" Naguguluhang tanong ko sa kanila, hindi ko mawari ang expression ng mukha ng bawat isa. Nagulat na lamang ako ng bigla akong niyakap ni tito ng mahigpit, yung higpit ng pangungulila, pananabik.
Ang daming katanungan sa isip ko, ang dami kong gustong itanong at sabihin pero tila nawala ang lahat ng 'yon sa dalawang salitang binitawan ni tito.
"Anak ko"
I'm trying to process what tito just called me ng magsalita si mama. "He's your father, Clay" hindi ko alam anong mararamdaman ko sa oras na 'to, nanghihina man mga tuhod ko unti-unti kong inilayo sarili ko kay tito.
"Ano bang sinasabi mo?" Di makapaniwalang tanong ko kay mama, wala na ba talaga siyang ibang alam na gawin kundi ang saktan ako? Yumuko lamang ito sa 'kin. "Sumagot ka naman" pakiusap ko dito.
Tinignan ko si tito Carlos. "Hindi niyo ako anak" sasagot pa sana siya ng muli kong dinugtungan ang sinabi ko. "May tatay na 'ko"
Punong puno ng galit kong tinignan si mama, siya ang may kasalanan ng lahat kung bakit nagkakaganito ang buhay ko ngayon, ang buhay namin ng ate ko.
Batid ang tensyon sa mansyon, pakiramdam ko sasabog ako kung ipagpipilitan pa nila sa 'kin ang mga sinasabi nila. "Carlos, naiintindihan ko ang mga nararamdaman ng bawat isa ngayon pero nakikiusap ako na isantabi muna natin 'tong iss--"
"At ano?! Itatakas niyo na naman mga anak ko?!" Pag-putol ni tito Carlos kay Sir Suarez. "Asan si Kylie, Luisa?!"
Parang tinatambol ang ulo ko sa mga naririnig ko, totoo ba? Totoo bang siya ang tatay namin? Bakit niya kilala si ate? Sa di malamang dahilan bigla ko na lang nasagot ang tanong niya. "Nakakulong, nakakulong si ate"
Di makapaniwalang tinignan ni tito si mama, nagulat na lamang ako ng bigla niyang sinugod si mama at akmang sasampalin ito. "Enough!" Pag-awat ni sir kay tito.
"What have you done to my children?!!" Puno ng sakit ang mga salitang binitawan ni tito.
Hindi ko alam anong uunahin ko, ang galit ko kay mama, ang sinasabi ni tito o ang ate ko. Naramdaman ko na lang na dumidilim na ang paligid ko, sumisikip ang dibdib ko at tila nauubusan ng hangin ang katawan ko.
"Clay!!!"
Yun na lamang ang tanging narinig ko hanggang sa nawalan na 'ko ng malay.
"Love" nag-aalalang tawag sa 'kin ni Mio. "Okay ka na ba?" Tanong niya habang hinahaplos ang pisngi ko. Tinignan ko ang kabuuang lugar, it's my room.
"Si ate!" Sabi ko sabay upo sa kama. "Anong oras na, Mio?" Ngayon dapat kami pupunta ng probinsya.
"Ssshhh" pagpapakalma sa 'kin ni Camilla. "Nauna na sila daddy"
Nataranta naman akong tumayo, sa sobrang taranta ko 'di ko alam kung ano ang hinahanap ko at nagpabalik balik ako sa kwarto. "Love, calm down" hawak sa 'kin ni Camilla. "T-tsinelas, asan na tsinelas ko?" (Kinanta niyo ba siya? Hehe -A) Gusto kong lumipad papuntang airport, ano ba kasing nangyari sa 'kin.
YOU ARE READING
abC
HumorThis story is based on my twisted imagination, any similarities with name or situation is out of my control. TeacherStudent GirlonGirl Adult Content (Trigger Warning) © CrazyAnneWrites All Rights Reserved 2018