Clay's POV
"Phone mo?" Tanong ni Camilla.
Inangat ko ang hawak kong telepono saka iwinagayway sa mukha nito.
She rolled her eyes. "Tawag ka agad paglapag ng eroplano"
Tumango ako. "Text ka din lagi, update mo 'ko. Mag-aantay ako, Clay" malungkot na sabi nito.
Camilla ko, kung pwede nga lang talaga. Ayoko narin lumayo sayo, gusto kitang isama pero hindi pa kasi ito ang tamang oras.
"Mio, 1week lang ako dun" saad ko habang pinipisil pisil ang kamay niya. "Makikipagbonding lang ako kay ate" nakangiting tugon ko.
Malungkot itong tumango sa 'kin. "Basta pagmay problema, tawag ka. Susunod agad ako dun, Clay"
I smiled. "I'll be fine, Mio" then I hugged her.
Mamimiss ko siya, mamimiss ko 'tong makulit at demanding kong girlfriend. Isama niyo narin ang walang sawang kahalayan niya.
She hugged me back, she hugged me tight. "Sige na, pumunta ka na ng boarding gate. Bago magbago ang isip ko" tulak niya sa 'kin.
Tumango ako saka naglakad palayo sa kanya.
"Love!" Sigaw nito kaya naman napalingon ako.
O.o
Malambot na labi ni Camilla ang sumalubong sa 'kin. "I love you, Clay" madamdaming hayag nito saka nagmadaling tumakbo palayo.
I love you too, Mio
From: Mio ❤
I love you, love.From: Mio ❤
Ngayon pa lang, namimiss na kita. 😢From: Mio ❤
Call me, as soon as you land.From: Mio ❤
Text mo din ako lagi.From: Mio ❤
Send my regards to your ate. 😛From: Mio ❤
I traced your flight, naka land na ang plane. 😒From: Mio ❤
Love.From: Mio ❤
Ano na, Clay?Napangiti ako sa mga texts ni Camilla.
To: Mio ❤
Mio, ngayon lang nagkasignal ang phone ko.Wala pang ilang segundo.
Mio ❤ calling.....
Sinagot ko ang tawag. "Love!" Sigaw niya sa kabilang linya.
Sa totoo lang, imbes na magalit ako o masakal sa ginagawa niya. Mas lalo akong natutuwa, normal pa ba yun?
"Mio, sorry." Pagpapaumanhin ko.
"Ano nangyari? Nasaktan ka ba? Clay magsabi ka ng totoo" she sound so worried.
"Okay lang ako, Mio. Malakas lang ang ulan dito ngayon, kaya nawalan ng signal" paliwanag ko.
"Asan ka na? Bakit ang ingay?" Tanong niya.
"Stranded sa airport, inaantay ko lang humupa ang ulan saka gumayak" sagot ko.
Kasi naman, kung kailan naman umuwi saka pa umulan.
Dinig ko ang pagbuntong hininga ng isa sa kabilang linya. "Wag kang kakausap ng strangers dyan, Aquino"
I bit my lip, para naman kasing ewan 'tong si Camilla. Nagmumukha tuloy akong tanga dito.
"Hindi na ako bata" asar ko dito.
YOU ARE READING
abC
UmorThis story is based on my twisted imagination, any similarities with name or situation is out of my control. TeacherStudent GirlonGirl Adult Content (Trigger Warning) © CrazyAnneWrites All Rights Reserved 2018