Chapter Thirty Two

3K 99 19
                                    

Clay's POV


"Bunso"

Mabilis akong napalingon sa kung saan nanggaling ang boses, tumakbo ako at niyakap ito ng mahigpit. "Namiss kita, ate." Kusa namang bumabagsak ang mga luha ko.

Mahigpit akong niyakap ng kapatid ko, ramdam namin ang pananabik sa isa't isa. "Patingin nga muna bunso" inilayo niya ako ng kaunti saka sinuri ang mukha ko. Nakangiti ito sa 'kin habang tumutulo ang luha nito sa kanyang pisngi. "Lalo kang gumanda ah?" Birong saad nito.

Hindi ako kumibo, tinignan ko lang ang maamong mukha ni ate na parang hindi ko na ulit siya makikita. "Miss na miss na kita, ate."

Hinatak niya braso ko at muli akong niyakap. "So-rry ate" hagulgol ko dito.

"Sssshhh" alo niya sa 'kin. "Hanggang ngayon ba naman, Clay?" Natatawang tanong ni ate.

Oo, hanggang ngayon ate. Hanggat hindi tayo nakatira sa isang bubong, hihingi at hihingi parin ako ng tawad sayo.

"Halika, upo tayo. Marami kang ikekwento sa 'kin" aya sa 'kin ni ate Kylie.

Sumunod naman ako, masuyo kong tinignan ang kapatid ko. Tulad dati, payat parin ang pangangatawan nito at laging mukhang walang maayos na tulog.

Isa siya sa mga rason kung bakit ayokong maging masaya, kung bakit pilit kong tinatangihan ang komportableng buhay na ibinibigay sa 'kin ni Camilla.

I don't deserve it.

"Huy" tawag ng atensyon ko. "Malalim na naman iniisip mo, bata-bata mo pa" nakangiting sabi nito habang sinusuklay buhok ko gamit ang kamay niya.

"Ate, okay ka lang ba dito?" Nahihiyang tanong ko.

Malamang hindi, Clay.

Tumango siya, alam kong yun ang isasagot nito. Kahit kailan hindi ko siya narinig nagreklamo. "Oo naman, sa tagal ko na dito" turo niya sa lugar.

Kanina pa hinahaplos ni ate ang mukha ko, ramdam kong namiss niya ako. Namiss ko din siya, sobra. "Magkwento ka nga, bunso. Kamusta ka sa Maynila?"

Ngumiti ako sa kanya. "Okay lang ako dun ate, nag-aaral ako sa isang mamahaling paaralan--"

"Talaga?!" Gulat na tanong ni ate.

Napangiti ako itsura niya, hindi naman kasi niya alam na mag-aaral ako. Ang alam niya lang, magtatrabaho ako sa Maynila. "Opo ate, binigyan ako ng scholarship nung company na pinatatrabahuan ko" masaya kong ibinahagi ang magandang balita.

Abot tenga naman ang ngiti niya. "Pagbutihan mo bunso ha? Chance mo na 'to"

Tumango ako. "Ikaw ang motivation ko ate, para sayo 'to" sabi ko saka hinawakan ang kamay nito.

Hindi niya inasahan ang sinabi ko, kaya naman hindi niya nakontrol ang biglang pagbagsak ng mga luha niya. "Ano ba yan, pinapaiyak mo naman ang ate." Pabirong sabi niya habang pinupunas ang mga luha niya.

"Ganito na lang ba tayo lagi? Sa twing magkikita tayo, mag-iiyakan tayo?" Natatawang tanong niya.

Tinignan ko lang ito. "Paano mo nagagawa yan, ate?"

"Nagagawa ang alin?" Nagsalubong ang kilay nito.

"Yung maging matapang" seryosong saad ko.

Ngumiti siya sa 'kin. "Tingin mo matapang si ate?"

Tumango ako.

Napasuklay siya ng buhok saka tumingala. "Yun na lang kasi ang pwedeng gawin ni ate" malungkot na sabi nito saka lumingon sa 'kin.

abCWhere stories live. Discover now