PINAGTINGINAN agad si Timothy ng mga babae habang paupo ito sa isang upuan sa harap ng classroom.
“Alam niyo, sa halos isang linggo na tayong magkakasama, never ko pang narinig magsalita si Timothy,” bulong ni Cathy kina Mona at Pamela.
“Oo nga raw ‘eh. Pati mga kaklase natin alam ko ayun ang masasabi tungkol kay Timothy. Sadyang napakatahimik raw nito,” puna rin ni Mona.
“Sabi ko nga kasi sa inyo, suplado ‘yan,” ani Pamela.
“Naku hindi rin. Paminsan-minsan naman daw ay ngumingiti ito pag nakasalubong mo siya. Tulad kahapon, nagkasalubong kami. Nginitian ko siya, and he smiled back. Hay naku, kung baril lang ang ngiti niya malamang patay na ko... pamatay ang ngiti niya! Labas pa dimples niya,” kinikilig na kuwento ni Mona.
Nakaramdam ng inggit si Pamela. Nakasalubong niya rin si Timothy kahapon pero hindi siya nito nginitian. Ni hindi nga yata siya nito tiningnan. Naisip tuloy niya na asiwa malamang sa kanya si Timothy. Nalungkot siya nang masaisip na baka ganun nga. Bakit naman ayaw sa akin ni Timothy?
“Hay naku, kung ayaw niya sa akin, mas lalong ayaw ko sa kanya!”
“Pam, ok ka lang ba?” tanong agad ni Cathy.
“Oo naman, bakit?”
At doon napansin ni Pamela na nakatingin na sa kanya ang lahat ng mga kaklase niya. Doon niya napagtanto na nasabi niya ang nasasaisip. Batid niya na namula ang kanyang mukha dahil sa kahihiyan. Ngumiti na lamang siya para pagtakpan ang kahihiyan.
Pero napansin niya na hindi nakatingin si Timothy sa kanya bagkus ay para itong walang pakialam sa nangyari. Natigil lang ang pag-uusap nila nang dumating na ang propesor ng Social Science.
Napansin nina Mona at Cathy na nakatulala si Pamela at hindi nakikinig sa sinasabi ng propesor nila. Kaya, itinabi ni Cathy ang mukha nito sa mukha ni Pamela at sinundan nito ng tingin kung saan nakapukol ang mga mata niya.
“Ayun! Kaya pala tulala si ateng! Tinitingnan si Papa Timothy!” mahinang sambit ni Cathy dahilan para bumalik sa ulirat si Pamela.
“Sabi ko na nga ba at type mo rin siya ‘eh!” susog ni Mona.
“Hindi ko nga siya type! Nagtataka lang ako kung bakit di niya ko pinapansin, kung inis ba siya sa akin o ano.”
“Alam mo, Pam, hindi naman kita masisisi kung type mo si Timothy. Yung pagiging tahimik niya, most girls find it attractive sa isang lalaki. Para kasi siyang big mystery na gusto mong ma-unravel. Yung bang napakalalim niya at gusto mong arukin ang lalim niya... like Papa Timothy,” sabi ni Cathy.
“Ano ba?! Hindi ko nga siya type, okay?!” napalakas na sabi ni Pamela dahilan para pagtinginan ulit siya ng mga kaklase niya at mapatigil sa pagsasalita ang kanilang propesor.
Kagyat na nagsalita ang propesor nila. “Sabi ko nga sa class rules ko nung first meeting natin, puwede kayong mag-text or magdaldalan kahit habang nagkaklase ako. Alam ko namang love life ang madalas ninyong pag-usapan na mga kabataan. Love ‘yan ‘eh, lesson lang ‘to. Alin ba ang mas importante sa dalawa?” nakangiting wika ng propesor kina Pamela dahilan para matawa ang klase.
Napansin naman ni Pamela na nakatingin din si Timothy sa kanila pero hindi ito nakikitawa at sa ekspresyon ng mukha nito ay parang di nito naiintindihan ang nangyayari. Nakitawa na lang din sina Pamela, Mona, at Cathy.
TUWANG-TUWA sina Cathy at Mona sa nalibreng damit ng mga ito sa mall nina Pamela noong nakaraang linggo na nag-shopping sila roon. Kaya habang nasa restroom silang tatlo ay walang tigil sa pagsasalamin ang dalawa para masdan kung bagay at maganda ba para sa mga ito ang mga damit na suot. Paikot-ikot pa si Mona sa harap ng salamin habang hawak ang suot na palda sa magkabilang dulo nito.
BINABASA MO ANG
When You Say Nothing At All
Любовные романыHindi alam ni Pamela Nepomuceno kung bakit hindi siya pinapansin ng kaklase niyang si Timothy Razon nang makatabi niya ito ng upuan noong unang araw ng klase nila. Maganda naman siya, galing sa prominente at sikat na pamilya, walang BO at mabango na...