“SABI na nga ba at dito ka namin matatagpuan,” pambungad ni Cathy nang madatnan siya nito at ni Mona sa The Mansion Bar. Tinabihan siya ng mga ito. She was drinking Hawaiian Cocktail. Umorder din ang dalawa ng inumin.
“The party girl spirit is back in you!” sabi naman ni Mona.
“I can’t believe matatagalan mong hindi mag-Mansion, Pam,” masiglang wika ni Cathy habang umiinom ng kanyang Lava Flow.
Ever since kasi na magsimula ang sign language class, Pamela swore to herself na hindi muna siya magba-bar tuwing Sabado ng gabi upang hindi siya ma-late sa pagsisimula ng session tuwing Linggo ng umaga.
Niyayaya pa siya nina Cathy at Mona noon na mag-bar pero tinatanggihan niya. Tingin ni Pamela ay nahahawa na rin ang dalawa sa kanya at hindi na rin nag-bar ang mga ito. Naaya niya pa nga ang dalawa sa sign language class. Dati-rati’y halos mabaliw na siya kapag hindi nakakapag-bar sa loob ng isang linggo. Ngunit nagawa niyang itakwil ang pagba-bar at nagawa niyang hindian ang mga kaibigan niya kapag nag-aaya ang mga ito alang-alang sa sign language class... alang-alang kay Timothy.
“Devoted ka kasi masyado sa ating sign language class... or should I say kay Timo---” ngunit hindi na tinuloy pa ni Cathy ang sasabihin.
Nilagok ni Pamela ang kanyang cocktail drink sumigaw sa waiter na dumaan, “Another one, please!”
Nang maibigay sa kanya ng waiter ang order niya, uminom siyang muli at napahalakhak. Palagay niya ay may tama na siya.
“Kaya nga ‘eh. I can’t even believe myself na matitiis ko ang pagba-bar alang-alang sa kanya.”
She took another sip of her cocktail.
“Cathy... Mona, ngayon lang ako nagmahal nang tunay... at ang sakit-sakit pala nang mabigo.”
At umagos na ang luha sa mga mata ni Pamela. Muli siyang uminom sa kanyang cocktail drink.
“Sana hindi ko na lang siya natutunang mahalin kung sasaktan niya lang din ako. Ba’t pa siya dumating sa buhay ko kung hindi pala siya ang laan para sa akin... kung di lang pala ako ang mamahalin niya.”
Akala ni Pamela, kaya niyang makuha ang lahat ng gusto niya dahil sa yaman ng kanyang pamilya. Doon niya na-realize that one cannot have it all. At ang masaklap pa, kung ano pa ang pinakagusto niya ay ayun pa ang naging mailap sa kanya.
Ganoon ba kahirap mahalin si Timothy Razon?
She indulged herself with drinks all night kasama nina Cathy at Mona. She danced and flirted with other guys. Ngunit para kay Pamela, flirting had lost all of its fun. Ayaw na niya ng mga di-seryosong pakikipaglaro. Hindi na niya maatim pang makipaghalikan sa kung sinong lalaki. Mula nang makilala niya si Timothy, napansin niyang dito na nakatuon ang lahat ng kanyang atensyon, ngunit sa disgrasyang Grace naman nakatuon ang lalaki.
Siya’y nagpakalasing buong gabi.
PINILIT iwasan ni Pamela na makita si Timothy sa kanilang unibersidad. Nagpalipat siya ng schedule ng kanyang Social Science class upang hindi na makaklase pa si Timothy. Gusto na niyang mag-move on.
Ngunit sa liit ng campus nila ay may mga pagkakataong di-maiiwasang magkasalubong sila ni Timothy. Kapag nangyayari yun ay mag-iiba siya ng daan upang di makasalubong ang lalaki at kunwari ay nagbabasa siya ng libro upang takpan ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
When You Say Nothing At All
Lãng mạnHindi alam ni Pamela Nepomuceno kung bakit hindi siya pinapansin ng kaklase niyang si Timothy Razon nang makatabi niya ito ng upuan noong unang araw ng klase nila. Maganda naman siya, galing sa prominente at sikat na pamilya, walang BO at mabango na...