Chapter Six

1.2K 56 16
                                    

HINDI na maikakaila pa ni Pamela sa sarili na may kakaiba siyang nararamdaman para kay Timothy. Kapag nag-iisa siya, tulad ngayong nasa kwarto siya at nakahiga, ay madalas na pumapasok si Timothy sa kanyang isipan. Hindi niya maipaliwanag ang matinding epekto nito sa kanya sa tuwing sila’y nagkakalapit. Lalo na kapag ngumingiti sa kanya si Timothy, not forgetting his dimples on both cheeks, it’s as if his smile was bright enough to light up her world. Sadyang napakatamis ng mga ngiti nito at ang mga titig nitong wari’y nakakatunaw nang sabihin nito kanina na “Because a gentleman always pays on the first date.”

Napangiti si Pamela habang inaalala ang “date” nila kanina ni Timothy. Ngunit napawi ang kanyang ngiti nang isenyas ni Timothy ang spoiler line of the night, “Don’t worry. It’s just a friendly date... friends hanging out... you know...”

Naalala niya ang negosyo niyang restaurant na nalugi sa larong CityVille. Pakiramdam ni Pamela nang mga oras na iyon ay para siyang negosyanteng nalugi dahil sa sinabi ni Timothy.

They just had a romantic date... well, almost a romantic date to be honest. They are not lovers for that date to be considered as romantic. Hanggang pagkakaibigan lang ang kayang ibigay ni Timothy sa kanya.

TIMOTHY lay down on his bed with his hands at the back of his head as soon as he arrived home. He looked up the ceiling and reminisced his so-called “friendly date” with Pamela.

Ever since he set his eyes on Pamela nang muntik na itong matumba at masalo niya ito, he felt something different... something extraordinary that even he can’t explain the feeling to himself. And he felt that extraordinary feeling again nang muli silang naglapit ni Pamela nang muntik na siyang halikan noon ng dalaga sa Lily Hill habang siya ay natutulog at siya’y biglang nagising.

He tried to approach her, to make friends with her, but fear of rejection overcame his guts. Ni hindi niya ito matingnan sa mga mata sa tuwing nagkakasalubong sila sa pasilyo ng unibersidad. Natakot siya na baka hindi siya matanggap nito dahil sa kapansanan niya... natakot siya na baka itaboy lang siya nito dahil mayaman ito at siya’y simpleng lalaki lamang... natakot siya dahil hindi niya alam kung paano sasabihin ang espesyal na nararamdaman para rito.

But he thought it wrong, then. Sobra ang kagalakan niya nang tulungan niya si Pamela na pulutin ang nahulog nitong libro sa library. At mas natuwa siya nang unti-unti ay nakilala niya ang tunay na Pamela at tinanggap siya nito despite his handicap. And he had proven that Pamela, indeed, is down-to-earth. In fact, Pamela entered to his world of silence.

Ginulo ni Pamela ang “tahimik” niyang mundo.

Napapitlag si Timothy sa pagmumuni-muni nang bigla niyang maramdaman ang pagba-vibrate ng kanyang cellphone na nakalagay sa bulsa ng kanyang pantalon. Kinuha niya ito at dali-daling binasa ang mensahe galing kay Pamela.

Timmy, thanks for the Camalig experience. Thanks for the pizza treat and I’ll remember our very first “friendly date.”

Di mapigilan ni Timothy ang mapangiti habang sinasagot ang text ni Pamela.

Me, too. I’ll remember it. I hope there’ll be a second time.

            Masaya siya sa tuwing kapiling si Pamela at batid niyang masaya rin ito. Hindi niya minsan nararamdamang tahimik ang kanyang mundo sa tuwing magkapiling sila ni Pamela. It’s as if he could hear her laughter when he saw the twinkle in her eyes pag sila’y nagbibiruan, and that laughter brings a silent music to his ears... a music he felt like singing.

            Ngunit hindi niya pa sigurado kung pag-ibig na ba itong kanyang nadarama. Minsan na siyang umibig at nasaktan. At palagay niya, hindi pa siya nakaka-move on sa babaeng una niyang minahal at unang nakasakit ng kanyang puso.

When You Say Nothing At AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon