A/N: Ahm, sorry kung na delay ng onti ung pag update ko. Tinatapos lang ang walang katapusang assignments eh. Sorry talaga.
Yey! 854 Reads na! So happy! My gulaay! Btw. I'm planning to make a new story. But then, napansin ko ung isa ko pang Story na hindi ko talaga magalaw galaw. Err, ano sa tingin niyo guyz? Delete ko nalang noh? Or wag nalang? Aish. XD
- Enjoy Reading -
READ.VOTE.COMMENT
===================================================================
Loreine's POV
"Kilala ko ang lalaking iyon" Tila, parang nakakita siya ng multo dahil sa hindi talaga siya makapaniwala. Oo. Kilala ko siya, naging kaklase ko yon nung elementary pa kame. Tch. Pilyo na talaga yun since Grade 5. Pano ko nalaman? Nakita ko sa iPhone ni Angel. Tumatawag sa kanya si Carlos. Tulog si Angel noon, at bumalik sa isip ko ang pangalang Carlos De Leon. Siya nga ang naging kaklase ko.
Nakikita ko sa mga mata ngayon ni Angel na hindi niya maipasok sa isip niya sa mga sinabi ko. "A-ano u-ulit sabi m-mo?" Pautal utal niyang sabi.
"Ang sabi ko, kilala ko si Carlos De Leon"
"P-pero... Pano?"
"Naging kaklase ko siya nung elementary pa kame."
"Oh? Talaga? Eh bakit hindi mo sinabi sa akin?"
"Eh sa ngayon ko lang naalala eh, tagal tagal ko na kayang di nakikita yung mokong na yun."
"Eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeh" Mahabang katahimikan ang naganap sa pagitan namin ni Angel. Mga ilang minuto ren ang nakalipas nang makabalik na sina Ryan at Micheal.
"Tagal niyong mamili" Nakasalita na ren ng maayos si Angel
"Sisihin mo tong si Micheal. Tch. Halina nga kayo! Hinawakan bigla ni Ryan ang kamay ni Angel na siyang ikinagulat naming lahat. Dedma lang naman si Ryan sa reaksyon namin.
Sunod lang kami ng sunod kina Ryan at Angel, habang si Micheal, nakangiti na parang tanga sa mga babae. Psh, binilisan ko nalang ang lakad ko. Habang nakabuntot kina Ryan at Angel, parang nakita ko si Nicole sa isang shop. Tinignan ko ng mabuti kung nasaang shop siya, isang Warehouse Shop! Ano ang ginagawa niya doon sa loob?
"Guyz! Punta tayo sa Fast Food Court. Nagugutom na ko eh" Halos atakihin ako sa puso nang biglang hawakan ni Angel ang balikat ko. Nag peace naman siya sa akin.
"Sige ba! Sino manlilibre?" Tanong agad ni Micheal
"Kaming dalawa nalang ni Angel. Diba?" - Ryan
"Aah. Oo! Sige ba!"
Habang naglalakad kami papunta sa Fast Food Court, hindi ko talaga maialis sa paningin ko si Nicole. Anong ginagawa niya doon? Mas ikinagulat ko pa ang pagtingin niya sa akin. Ang sama sama ng tingin niya. P-parang... papatay?
Agad ako umirap at binilisan ang paglalakad. First time kong makakita nang ganung klaseng babae. Tila, parang nasa isang bangungot ako.
Nandito na kami sa Fast Food Court, pero di ko parin maalis sa isipan ko ang itchura niya.
***
Nicole's POV
Maxado na kong desperada dito sa kwarto ko. Magpakamatay nalang kaya ako? Aish, masakit pala masaksak. Tsk.
Napag isip isip ko na, pumunta nalang muna ako sa mall at magpakasaya. Kaya nagbihis ako at umalis. Nang makarating na ako sa loob ng mall, naglibot libot ako. Bumili nang kung ano anong mga damit, bumili ng mga pagkain, etc. Hanggang sa may nakakuha ng atensyon ko, Warehouse Shop. Pumasok ako doon at naglibot libot.
Sa isang section, may mga kuchi-kutchilyo doon. Biglang sumagi sa isip ko si Carlos, napatingin ulit ako sa kutsilyo. Nagiging brutal na ang utak ko.
Hindi ko alam kung bakit pero napapikit ako. Nakita ko si Carlos, duguan? Bakit? Ikinagulat ko na nakita ko ang sarili ko na puno ng dugo sa damit ko at hawak hawak ko ang kutsilyo. Napadilat ako. Naramdaman ko naman na may sumisilip sa akin, kaya lumingon ako doon. Nakita ko ung babaeng kasama ni Angel. Andun silang lahat. Inirapan agad ako nung babae at naglakad ng mabilis ung na para bang takot na takot na makita ulit ako.
Hindi ko nalang pinansin at nilingon ko muli yung kutsilyo. Binitawan ko nalang ito at umalis na sa shop na iyon. Mababaliw na talaga ako sa mundong ito! GUSTO KO NA MAGPAKAMATAY! T*angina lang bwiset!
***
Third Person's POV
Nasa Fast Food Court na sila Ryan, Angel, Loreine at Micheal. Hindi parin mawala sa isipan ni Loreine ang nakita niyang mukha kanina. Si Angel naman, takang taka sa kinikilos ni Loreine. Pati sina Ryan at Micheal ay nagtataka. Kaya habang bumibili ng pagkain sina Ryan at Micheal ay kinausap muli ni Angel si Loreine
"Uy. Loreine" Tila, parang hangin lang ang tinatawag ni Angel
"LOREINE!"
"AAH?!"
"Bakit lutang ka ngayon?" Hindi inaasahan ni Loreine na tatanongin siya ni Angel ng ganun.
"A-aah. W-wala! May iniisip lang..."
"Maxadong malalim ang iniisip mo. Pwede ko bang malaman kung ano iyon?"
"E-eh? Ay, sorry, di ko pwedeng sabihin eh. Paxensha na talaga"
"Ah. Ok lang yun" Isang mapait na ngiti ang ipinakita ni Loreine.
Err. Grabe si Nicole. Di ako makaget over! Isang bangungot ang nangyayari sa akin ngayon! Isip isip ni Loreine.
Mga ilang oras nang dumating na sina Ryan at Micheal. Nagsimula na itong kumain at magkwentuhan, ngunit, lutang na lutang parin si Loreine. Nang matapos na silang kumain, nagpasya na silang umalis ng mall at bumalik na ng Apartment.
"Ahm, guyz! C.R. lang ako" Lumingon ang mga kasama ni Loreine at tumango tango. Dali daling pumunta si Loreine ng C.R. Pero parang nagkamali siya sa pagpunta nito, andun ang bangungot niya ngayon..
"A-ahh. H-hi Ni-nico-cole" Hindi ito makatingin ng derecho at dali daling pumasok sa isang cubicle.
"Maka tingin ka kanina ahh. Wagas" Nagsimula nang magtindigan ang mga balahibo ni Loreine.
"A-a-aaah. Yu-yu-yun b-ba? Ahehehehehe, g-ganda m-mo kase eh" Hindi na makahinga si Loreine sa loob ng cubicle, nakikita niya ang shadow ni Nicole na papalapit sa cubicle. Huminga ito ng maluwag at lumabas na. Nagkamali nanaman ito. Magkalapit na ang mukha nila. Nakita niya sa mga mata ni Nicole ang takot at galit.
"Please, wag mong sasabihin kay Angel ang nakita mo. Nagmamakaawa ako" Nagulat ito sa pagmamakaawa ni Nicole. Tumango tango nalang siya.
Lumabas na siya ng cubicle at nakahinga ng maluwag.
To.Be.Continued.
=================================================================
A/N: Err. Sorry kung delay pag update ko. Hehehe. Nagmamadali kasi ako eh. NO EDIT HO yan. :D
School Works PO ang dahilan. Hope you understand. ^______^ Sana ren maganahan kayo sa pagbasa ng Chapter na ito. Oo nga pala, about dun sa Warehouse Shop thingy, di ko alam yung tawag dun. Sorry. XD
READ.VOTE.COMMENT and FAN
Marshmallow67
BINABASA MO ANG
The Revenge Of A Friend
Teen FictionAng babaeng nagngangalang Angelica Mae Cruz ay may isang bestfriend na nagngangalang Nicole Alonzo. May boyfriend ren ito. Ngunit, nalaman niya na niloloko lang pala siya ng boyfriend niya dahil kay Nicole. Ano ang gagawin ni Nicole sa mga susunod n...