Chapter 21: Epic Revenge [ 2 ]

215 7 5
                                    

Mm's Note : I've been editing and updating this Chapter for Months right? Just wanna say sorry, I'm suffering from Writer's Block for weeks, or rather months. Isama niyo pa ang low signal. Kaya, paxensha na po sa sobraaaaaaaaang haba ng pag iintay sa Update.

Pero here's the Update already! Hope you'll enjoy Reading on it. :)

-Enjoy Reading-

READ.VOTE.COMMENT

========================================

Carlos' POV

 Nagulat ako nang biglang may bumuhos ng malamig na tubig sa akin.

"Gumising ka na! Kumain ka muna!" - Sigaw ng taong nasa harapan ko

Inangat ko ang ulo ko para makita kung sino yung taong bumuhos ng tubig at nagsalita saken. Si Nicole pala. Sinubukan kong galawin ang mga kamay ko, namanhid kase sa sobrang higpit ng tali kanina eh. Pero naramdaman kong wala na sa tali yung mga kamay ko, "Wala ka nang tali sa kamay. Kumain ka na" Cold na sabi saken ni Nicole. Hinila ko kaagad ang mga kamay ko sa likod ng poste, pulang pula ang dalawa kong pulso, yung kanan, halos magkasugat na. Kaya pala namamanhid.

"Ano? Kakain ka ba o hindi?" - Natauhan ako sa sinabi ni Nicole.

"Sorry" 

Tinignan ko yung pagkain. Prinitong Isda ang ulam, kahit hindi ako kumakain nito ay pinilit ko parin dahil sa sobrang gutom na naramdaman ko. Nang sinimulan ko nang kumain, naalala ko biglaan si Christina. Napatingin ulit ako kay Nicole.

"Nicole, asan si Christina?" - Tila napatigil siya sa kanyang ginagawa.

Humarap ito sakin at tumingin ng napaka-lamig. Ang tagal niyang nakatingin saken bago sumagot.

"Tulog" - Sabay talikod nito saken at alis.

 Akala ko naman kung ano na. Kala ko, patay na..

Hinayaan ko nalang at kumain nalang ako, nalipasan na pala ako ng gutom. Di ko napansin. Pero teka, bat kaya ako dinalhan ni Nicole neto? Nakakapagtaka..

***

Nicole's POV

Paniguradong nakatanong sa isipan ni Carlos ngayon ang pagkain. Asa naman siya kung uuwi ako ng bahay at ipapagluto ko siya. Pumunta lang ako diyan sa maliit na karinderya at bumili. 

Pero ang akala niya, isang pipitchuging pagkain lang iyon. May nilagay akong pampatulog sa kanin, pasalamat siya at binibigyan ko pa siya ng buhay, pasalamat lang talaga siya at mabait ako.

Habang naglalakad papunta sa kabilang room ay biglaang tumunog ang Cellphone ko. Kinuha ko ito at walang tinginan sa screen ay inaccept ko na ang Call.

"Sino toh?" - Malamig kong tanong sa tumawag

[ Nicole, ka-tamaran mo talagang tumingin sa screen ng cellphone mo. ] - Si Angel pala ang tumatawag.

"Oh, ikaw pala. Bat ka napatawag?"

[ Wala lang, namimiss ko na ang bestfriend ko eh. Asan ka ba? Wala ka daw sa bahay niyo eh. ]

Nicole's Thoughts: Sh*t, ano sasabihin ko?! Na asa lumang gusali ako?! Hindi maaari, baka maalala niya yung nangyare sa unang gusali. Aish, bahala na..

"Sa ano.. sa.. BAR. Oo tama, asa bar ako ngayon" 

[ Ikaw? Nasa Bar? Eh bakit ang tahimik jan? Nako Nicole, palusot mo talaga ay sadyang nahuhuli, asan ka nga? ] 

Nicole's Thoughts: Letche, nakalimutan ko nga palang, ang mga insekto lang ang nagsisilbing maingay dito. Ah, alam ko na.

"Tss, asa Park ako. Bat mo pala natanong?"

[ Hmm, sure? ] - Angel. Aba, nagdududa pa huh?

"Loko, nagtanong ka pa kung di ka ren pala maniniwala!"

[ HAHA, ok fine, naniniwala na ko. Gusto ko lang tanongin sayo kung gusto mo pumunta dito sa bahay ko ngayon? ]

"Sure sure.. wait, what? BAHAY?!" 

---

Habang abala sa pag uusap namin ni Angel, bigla kong narinig ang isang mahinang sigaw. "Mmmmffffffff!" Gising na pala siya.

"Angel, pupunta ako sa Bahay niyo, di ko nga lang alam kung anong oras. Pero promise, pupunta ako. Kelangan ko nang umalis eh. Bye" - Pagkatapos ay binaba ko na agad ang Cellphone ko.

Naglakad ako nang mabilis patungo sa maliit at madilim na kwartong iyon. Pagkapasok ko, binuksan ko agad ang ilaw, kitang kita ang malinaw niyang luha sa kanyang mga pisngi. Napangiti ako sa aking natutuklasan.

Lumapit ako sakanya, lumuhod ako para makapantay ko siya. Hinawakan ko ang pisngi niya ng mariin.

"Kamusta ka naman dito?" - Kitang kita sa mata niya ang takot. Tumayo ako at kinuha ang gunting kung saan na nakalagay sa isang maliit na lamesa.

Lumapit ulit ako sakanya at iniharap ang gunting sa mukha niya. ginupit ko ang tali na nasa bibig niya.

"Sino ka ba?!" - Biglaang sigaw ni Christina sakin.

"Ako si Nicole Alonzo, your worst nightmare" - Cold kong sabi sakanya. Binuka ko ang gunting at inilapat sa braso niya, susugatan ko na sana ng may tumunog..

*KRING KRING KRING!* Tunog ng Cellphone

Walangyang Cellphone toh, to-torchurin ko na sana eh! Bwisit.

Tinignan ko lang ng masama si Christina chaka lumayo layo.

***

Angel's POV

[ Angel? Bat ka ulit napatawag? ] - Halata sa boses ni Nicole ay parang nairita siya sa tawag ko.

"Nicole, where are you?" 

[ Huh? I told you nasa Park ako. ] - Nag aalinlangang sagot ni Nicole.

"Nicolee, I know your not. please? Tell me where you are, promise hindi ako pupunta jan." 

[ Angel, even if you don't promise. I still won't tell you. I'm sorry. ] - Inend call niya na ito.

9 in the evening? Nasa labuyan parin si Nicole? What on earth is happening to her?!

"Anak, is there a problem? You look like you're in trouble" - Mommy

"Wala naman po, naisip ko lang ho si Nicole" 

"Ah ok. Sumunod ka na dito ha? Dinner is ready" 

"Yes mom"

Tumalikod muna ako saglit at humarap sa bintana, nang biglang tumibok ng mabilis ang puso ko. Hindi natural na parang inlove..

Kinakabahan ako..

TO.BE.CONTINUED.

=========================================

Mm's Note: Too short? Sorry, madali ko lang yan tinapos eh. May Chapter 22 pa naman, don't worry. :)

Thank you for still supporting me even my story looks like a trash.

READ.VOTE.COMMENT and FAN.

Marshmallow67

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Revenge Of A FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon