HABANG NASA palengke silang dalawa. Kanina pa napapansin ni Angelina na panay ang lingon sa kanila ng mga taong nadadaanan at nakakasalubong nila. O mas tamang sabihin na panay ang tingin ng mga ito kay Andrew. Sabagay, hindi niya masisisi ang mga ito, partikular na ang mga kababaihan.
Guwapo si Andrew, kung tutuusin ay mas guwapong di hamak ito sa mga artista na napapanood niya sa TV minsan. Sa katunayan, kamukha nito ang paborito niyang singer kung saan niya kinuha ang pangalan nitong Andrew.
"Aba Angge! Sino 'yang kasama mo? Ang guwapo ah," anang may edad na babaeng na palagi niyang pinagbibilhan ng gulay.
"Assistant po niya ako," sabad ni Andrew.
"Ay ganon ba? Akala ko naman boyfriend mo, bagay pa naman kayo," sabi pa ng may edad na babae.
"Manang talaga oh," walang emosyon na reaksiyon niya.
"Ano nga ulit ang pangalan mo, pogi?" baling ng tindera.
"Andrew po," sagot nito.
"Ikaw na ang bahala kay Angelina, ha Andrew? Alagaan mong mabuti 'yan, pangitiin mo nga para hindi palaging nakasimangot,"
"Si Manang talaga oh, wala naman pong dahilan para ngumiti ako," sagot niya.
"Huwag po kayong mag-aalala. Ako pong bahala sa kanya, ako ang magsisilbing guardiyan angel niya," pakikisakay pa nito sa matanda.
Nang makaalis na sila at pabalik na sa Eatery. Wala pa rin siyang kibo habang naglalakad.
"Bakit nga pala sinabi mo kay Frank na boyfriend mo ako?" tanong nito sa kanya.
"Wala, nataranta kasi ako noong sasabihin mo kay Frank na anghel ka," aniya.
"Totoo naman di ba?"
"Oo nga, eh kaso, hindi maniniwala 'yon. Ikaw naman oh, sabihin pa no'n nasisiraan ka na ng bait, baka tinawanan ka pa," sagot niya.
Pagtingin ni Angelina ay tatango tango ito na tila iniisip ang sinabi niya. Pagkatapos niyon ay hindi na siya ulit nagsalita pa.
"Dati, wala kang kasama. Ngayon, mayroon na. Kausapin mo naman ako," sabi pa ni Andrew.
"Kinausap na kita. Ano pang gusto mo na sabihin ko sa'yo?"
"Kahit na ano. Basta kausapin mo lang ako, dati sa isip mo lang ako kinakausap. Ngayon na nakikita mo na ako, puwede mo na akong kausapin ng deretso," sabi pa nito.
Napalingon siya kay Andrew. "Nasanay na ako na sinasabi lahat sa isip ko ang gusto kong sabihin. I was just talking to myself,"
Huminto sa paglalakad si Andrew at saka siya hinawakan sa braso at pinigilan sa paglalakad. Humarap ito sa kanya.
"Pero naririnig ko lahat ng iyon. Hindi mo na kailangan gawin iyon ngayon. Nandito na ako, hindi ka na nag-iisa. Simula ngayon, magiging partner mo na ako sa lahat ng gagawin mo. Noon pa man ay hindi ka na nag-iisa. Kahit hindi mo ako nakikita, palagi akong nasa tabi mo at nagbabantay sa'yo," nakangiting wika nito sa mababang boses.
A mere and a total stranger, iyon si Andrew sa buhay ni Angelina. Marahil dahil ito ang guardian angel niya gaya ng sinabi nito kaya panatag ang loob niya dito. Ngunit pakiramdam niya ay mayroon pang mas higit doon.
"Humanap tayo ng bagong bahay na matitirahan mo," ani Andrew.
"Bakit? Ayos naman ako sa inuupahan ko," tanong pa niya.
BINABASA MO ANG
The Messenger's Trilogy Book 1: Surrender to an Angel
Fantasy"You are the greatest miracle of my life, you are the living proof of what real love means. The purity of your heart and your love taught me that it can cross boundaries.." Teaser: Hindi alam ni Angge kung anong meron sa araw na iyon. Nagising na l...