NAKANGITI habang binibilang ni Angelina ang pera sa harap mismo ni Mister Tan doon sa loob ng Eatery.
"Fourty nine... Fifty!"
Malapad na ngumiti din sa kanya ang matanda. "Hay salamat," sabi pa nito.
"So, paano 'yan Mister Tan? Tapos na obligasyon ko sa inyo ah? Hindi n'yo na kukunin ang Eatery ko," paalala pa ni Angelina.
Nag-thumbs up si Mister Tan. "Salamat dito! Sige Angge, aalis na ako," anito.
Nang makaalis na si Mister Tan ay tuluyan nang nakahinga ng maluwag si Angelina. Kaytagal niyang hinintay ang sandaling iyon. Buong akala niya ay kakamatayan na niya ang pagbabayad ng utang. Ngayon, mas makakatulog na siya ng mahimbing. Wala na siyang utang na kailangan intindihin. Pakiramam ni Angelina ay nabunutan siya ng malaking tinik sa dibdib.
Lumingon siya kay Andrew, sinalubong siya nito ng magandang ngiti.
"Sa wakas Andrew, tapos na," naiiyak na wika niya habang nakangiti.
Marahan itong tumango. "Mas magiging maayos na ang lahat. Sabi ko naman sa'yo, di ba? Lahat ng paghihirap ay may katapusan at sa bawat paghihirap ay may kapalit na pagpapala," wika ni Andrew.
Matapos ang Reunion Party ng batch nila. Higit sa inaasahan ang binayad sa kanya ni Jhen. Nakumpleto niya ang kulang sa naipon niyang pambayad para kay Mister Tan. Bukod doon ay may malaki pang natira sa kanya, kaya nabigyan niya ng bonus ang mga tauhan niya.
"Salamat Andrew. Hindi ko magagawa lahat kung wala ka," sagot niya.
Hindi nagprotesta si Angelina nang yakapin siya ni Andrew. "Huwag ka sa akin magpasalamat. Doon sa big boss natin sa langi," wika nito.
Natatawa siyang tumango. "Oo nga," sagot niya.
Nang kumalas siya sa pagkakayakap kay Andrew ay hinarap niya ang tauhan.
"Hindi muna tayo magtitinda bukas. Makakapagpahinga kayo itong Sabado at Linggo. Sa Lunes na ang pasok n'yo," wika niya.
Naglundagan sa tuwa ang mga ito.
"Salamat Ate! Makakapagpahinga din kami ng dalawang araw," sabi ni Lena.
"Oo nga, kaya samantalahin n'yo na," sagot ni Andrew.
"O sige magligpit na kayo. Maaga na rin tayong magsarado ngayon. Iyong mga stock natin na gagamitin sa mga iluluto sa Lunes, siguraduhin ninyo na nasa ref lahat. Baka may makalimutan kayo, sayang ang pagkain kung masisira lang," bilin pa niya.
Matapos bilangin ang benta para sa araw na iyon. Magkasabay na umalis si Andrew at Angelina. Habang naglalakad pauwi ay kapwa tahimik silang dalawa. Medyo matagal na rin silang magkasama ni Andrew, dapat ay sanay na si Angelina sa presensiya nito. Pero bakit bigla ay nakaramdam siya ng pagkailang. Muling bumalik sa alaala niya ang nangyari sa reunion party. Aaminin niya na sa tuwing naalala niya na siya mismo ang yumakap kay Andrew. Noong akala niya na hindi na ito magpapakita sa kanya ay natakot siya. Kaya ng biglang magpakita si Andrew ay hindi niya napigilan ang sarili na mapayakap dito. Pero sa tuwing naaalala niya ang eksenang iyon ay nahihiya siya, kasabay niyon ay biglang lumalakas ang kaba niya lalo na sa tuwing nagre-replay sa kanyang isipan na hinalikan siya sa noo nito.
Parang may tumalon sa puso niya ng marinig niyang tumikhim si Andrew. Hinintay niyang magsalita ito. Sa bawat segundo na dumadaan na nanatili itong tahimik ay lalong lumalakas ang kabog ng dibdib niya. Dumoble ang bilis ng tibok ng puso niya ng maramdaman na hinawakan ni Andrew ang kamay niya. Hindi basta hawak ang ginawa nito. Andrew entwined their fingers together. Iyong hawak kamay na parang mag-boyfriend. Nang sumulyap si Angelina kay Andrew ay
BINABASA MO ANG
The Messenger's Trilogy Book 1: Surrender to an Angel
Fantasy"You are the greatest miracle of my life, you are the living proof of what real love means. The purity of your heart and your love taught me that it can cross boundaries.." Teaser: Hindi alam ni Angge kung anong meron sa araw na iyon. Nagising na l...