MASAYA si Angelina ng magkasya kay Andrew ang damit na binili niya sa mall isang buwan na ang nakalipas. Medyo nag-alala pa siya sa pantalon na pinili ng salesman dahil baka hindi magkasya kay Andrew, mabuti na lang at magaling itong tumantsa. Iyon ang suot ng binata ng araw na iyon papunta doon sa sinasabi nitong sorpresang lugar na pagdadalhan sa kanya.
Makalipas ang ilang oras na biyahe, nagulat si Angelina ng dalhin siya ni Andrew sa probinsya nila kung saan dati sila nagbabakasyon ng pamilya niya noong nabubuhay pa ang mga ito. Paborito niyang puntahan ang pinakamataas na parte ng lugar na iyon. Tanaw niyon ang malawak na dagat at kalangitan.
"Pati ito alam mo?" natatawang tanong niya.
Ngumiti si Andrew. "Oo naman," sagot nito.
"Pero anong ginagawa natin dito?" tanong niya.
"Natatandaan ko noong pumunta kayo dito ng Mommy mo. Isang araw na magbakasyon kayo, sinabi mo sa kanya na kapag nakatagpo ka ng lalaking magmamahal sa'yo at tatanggapin kung sino ka. Gusto mo dito kayo magpapakasal," wika ni Andrew.
Napangiti si Angelina ng maalala ang sinabi ni Andrew.
"Nandito ka ng mga panahon na iyon?" tanong niya.
"Oo, nakatayo ako no'n sa tabi mo," sagot nito.
"Yeah, I still remember that," aniya saka lumingon kay Andrew. "Bakit mo nabanggit 'yon?"
Pinihit siya paharap ni Andrew. Awtomatikong nangilid ang luha sa mga mata ni Angelina ng mula sa suot nitong itim na leather jacket ay may nilabas itong dalawang singsing.
"Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtatagal dito. Pero habang
nandito ako, gusto kong tuparin ang pangarap mo na iyon. Gusto kong maranasan kung paano maging masaya kasama ka," sagot niya.
"Andrew," bulong niya. Kasunod ng pag-agos ng luha niya. Hindi maipaliwanag ni Angelina kung gaano siya kasaya ng mga sandaling iyon. Ngunit kakambal naman ng kasiyahan na iyon ay matinding kalungkutan.
"Paano kapag nawala ka na? Paano na ako?" umiiyak na tanong niya.
Ngumiti si Andrew at pinunasan ang luha sa pisngi ni Angelina. "Kahit na anong mangyari, babalik ako para sa'yo Angelina," sagot nito.
"Hihintayin kita," aniya.
Marahan itong tumango.
"Pero paano tayo magpapakasal? Dalawa lang tayo dito?" tanong pa niya.
Nagulat si Angelina ng mula sa itaas ay bumaba ang isang anghel. Dahil sa takot ay agad siyang nagtago sa likod ni Andrew. Pareho ito ng suot ni Andrew noong una niya itong makita.
"Huwag kang matakot, siya si Michael, siya 'yong superior ko," pagpapakilala ni Andrew.
"Hi," nag-aalangan pa niyang bati.
"Kinagagalak kitang makilala Angelina," sagot ni Michael.
"Siya ang magkakasal sa atin?" tanong pa niya.
Tumango ito.
"Umpisahan na natin," ani Michael.
"NANG DUMATING ako dito sa mundo mo. Ang tanging misyon ko lang ay maibalik ang pananampalataya mo sa Panginoon. Ang ibalik ang ngiti na pinagkait mo sa sarili mo. Ang turuan ka na muling magtiwala at magmahal. Pero hindi ko
BINABASA MO ANG
The Messenger's Trilogy Book 1: Surrender to an Angel
Fantasy"You are the greatest miracle of my life, you are the living proof of what real love means. The purity of your heart and your love taught me that it can cross boundaries.." Teaser: Hindi alam ni Angge kung anong meron sa araw na iyon. Nagising na l...