"SAAN tayo pupunta?" tanong sa kanya ni Andrew habang naglalakad sila.
"Doon sa murang bilihan ng mga gamit para sa catering. Kulang kasi ang gamit natin sa Eatery kaya kailangan bumili tayo. Mabuti na lang may extra ako sa savings, at least hindi ko nagalaw 'yong pambayad ko kay Mister Tan," sagot ni Angelina.
"Ilan ba pupunta sa Reunion n'yo?" tanong na naman ni Andrew.
"Sabi ni Jhen nasa fifty to sixty people," sagot niya sabay buntong-hininga. "Sana lang hindi kasama si Melody doon," dugtong niya.
"Huwag kang mag-aalala, kasama mo naman ako. Saka sinabi ni Jhen sa'yo na marami silang puwedeng magtanggol sa'yo."
"Alam ko 'yon, ayoko lang ng gulo kaya ayoko sanang makita si Melody," aniya.
Natigilan si Angelina ng biglang umakbay sa kanya si Andrew. Kasunod niyon ay muli na naman naging abnormal ang pintig ng puso niya.
"Masyado ka na naman nag-iisip eh," tatawa-tawang sabi nito.
Pinilit niyang ngumiti sa kabila ng malakas na kabog ng dibdib niya. Malapit na sila sa shop na pupuntahan ng madaanan nila ang isang mall.
"Uy! Punta tayo diyan!" bulalas ni Andrew sabay turo sa mall.
Natawa si Angelina. Para kasi itong bata na excited makapunta sa mall sa unang pagkakataon.
"Bakit ka natatawa?"
"Eh ikaw eh! Para kang bata. Di ba sabi mo palagi kitang kasama noon? Ibig sabihin kapag pumupunta ako diyan kasama kita," aniya.
"Oo nga. Pero siyempre, iba 'yon! Hindi ako puwedeng maggala kasi
binabantayan kita. Ngayon puwede na!" sagot ni Andrew.
Napailing na lang siya. "May pupuntahan pa tayo," aniya.
"Please? Sige na, daan lang tayo. Promise, saglit lang 'to pagkatapos alis na rin tayo!"
"Sige na nga!"
"Yes!"
Kahit ilang beses ng nahawakan ni Andrew ang kamay niya. Parang hindi pa rin nagbabago ang dating niyon sa kanya sa tuwing kukunin nito iyon at mahigpit na hahawakan, gaya ngayon. Sa paglipas ng mga araw, pakiramdam ni Angelina ay patuloy na ginugulo ni Andrew ang damdamin niya. Hindi siya sigurado kung alam nito ang nararamdaman niya. Wala rin naman itong nababanggit sa kanya.
Pagdating nila sa loob ng mall ay agad silang naglibot. Nang makakita ng arcade ay nagyaya din si Andrew doon. Tinuruan niya ito ng mga games. Wala silang ginawa kung hindi maglaro at magtawanan na parang walang ibang tao sa lugar na iyon. Pagkatapos ay nag-window shopping pa sila. Habang abala si Andrew sa pagtingin sa paligid, napahinto siya nang makita ang isang magandang full outfit na panglalaki na nakasuot sa isang manequin. Napalingon siya ng wala sa oras kay Andrew, bagay dito ang outfit na 'yon. Isang itim na jeans, gray na shirt na may hoodie, kulay itim na leather jacket at kulay itim na sapatos. In-imagine ni Angelina na bagay sa binata ang outfit na iyon, magmu-mukha itong Korean singer gaya ng napapanood niya. Habang abala sa pagtitingin si Andrew sa kabilang shop. Sumaglit siya sa shop na iyon at tinanong ang buong outfit.
Matapos sabihin ng saleslady ang presyo. Agad siyang napaisip, may kamahalan iyon at tiyak na mababawasan ang savings niya. Pero malaki ang naitulong ni Andrew sa kanya. Hindi sigurado si Angelina kung magugustuhan ni Andrew iyon pero susubukan pa rin niya. Kahit sa pamamagitan nito, may maisukli man lang siya sa kabutihan nito. Kahit sa pamamagitan lang niyon.
BINABASA MO ANG
The Messenger's Trilogy Book 1: Surrender to an Angel
Fantasy"You are the greatest miracle of my life, you are the living proof of what real love means. The purity of your heart and your love taught me that it can cross boundaries.." Teaser: Hindi alam ni Angge kung anong meron sa araw na iyon. Nagising na l...