Two years later...
"OH LENA, ito nang sweldo mo," wika ni Angelina saka inabot ang brown na sobre.
Malapad na ngumiti ito. "Salamat Ate Angge," masayang wika nito.
"Walang anuman," aniya.
Matapos ibigay ang suweldo sa mga tauhan ay nagsarado na sila ng Eatery.
"Bye Ate, ingat ka sa pag-uwi ah," paalam ni Lena.
"Sige kayo rin," sagot niya saka kumaway pa sa mga ito bago naglakad sa kabilang direksiyon.
Habang naglalakad mag-isa. Napahinto si Angelina ng biglang may pumasok na eksena sa kanyang isipan. Naglalakad siya at may kasabay siyang lalaki, mayamaya ay hinawakan nito ang kamay niya. Kasunod niyon ay bumuhos ang malakas na ulan kaya tumakbo sila hanggang sa sakayan. Nang humarap ang lalaki sa kanya ay hindi niya makilala ito dahil malabo ang mukha nito.
Pumikit siya saka marahan pinilig ang ulo. Marahil ay pagod lang siya kaya kung anu-ano ang naiisip niya. Huminga si Angelina ng malalim bago pinagpatuloy ang paglalakad. Patawid na siya sa kalsada ng may humawak sa braso niya sabay hila sa kanya. Kasunod niyon ay biglang dumaan ang isang kotse na mabilis ang takbo. Natulala pa siya ng ilang sandali saka napahawak sa dibdib ng umahon ang malakas na kaba ng puso niya.
"Muntikan na ako doon ah," sabi pa niya habang nakatingin sa dinaanan ng kotse.
"Are you okay, Miss?" tanong ng lalaki.
"H-ha? Ah, yes I'm okay," sagot niya sabay tingin sa katabi.
Bigla siyang natigilan ng makita ang mukha ng lalaking nagligtas sa kanya.
Napakunot-noo siya, hindi maintindihan ni Angelina kung bakit biglang bumilis ang pintig ng puso niya. Pamilyar ang mukha ng lalaki, pero hindi niya maalala kung sino ito.
"Um, you don't look okay to me. Are you hurt?" tanong pa ng lalaki.
Napakurap siya at saka sunod-sunod na umiling. "No, I'm perfectly fine. Thank you for pulling me. Muntik na akong masagasaan," sagot niya.
Nang ngumiti sa kanya ang lalaki ay mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya.
"You're welcome. Be careful next time, it seems like your guardian angel is on leave," sabi pa nito.
Angel, ulit niya sa sarili. Biglang ay may imahen ng anghel ang lumitaw sa kanyang isipan, ngunit gaya ng nauna ay malabo ang mukha nito. Mayamaya ay muli niyang tiningnan ang lalaki saka ngumiti dito.
"Thank you," sagot niya.
Nang makasakay na siya sa jeep ay muli niyang nilingon ang pamilyar na lalaki. Ngunit pagtingin niya ay wala na ito sa kani-kanina lang ay kinatatayuan nito. Tumingin siya sa paligid, pero hindi na niya ito makita.
"Nasaan na 'yon?" nagtatakang tanong niya.
Hanggang sa makauwi siya ng bahay at makahiga sa kama ay hindi pa rin mawala sa isipan niya ang lalaki. Pamilyar talaga sa kanya ang singkit na mata nito maging ang magandang ngiti nito.
Muling naupo si Angelina saka marahas na pinilig ang ulo. Pagkatapos ay tinapik niya ang magkabilang pisngi.
"Ano ka ba? Bakit mo ba iniisip ang lalaking 'yon? Guwapo lang 'yon kaya ganyan ka, matulog ka na!" saway niya sa sarili saka muling nahiga.
BINABASA MO ANG
The Messenger's Trilogy Book 1: Surrender to an Angel
Fantastik"You are the greatest miracle of my life, you are the living proof of what real love means. The purity of your heart and your love taught me that it can cross boundaries.." Teaser: Hindi alam ni Angge kung anong meron sa araw na iyon. Nagising na l...