Chapter Six

93.4K 1.8K 55
                                    

She is busy playing a new application that she downloaded from itunes ng bigla siyang istorbohin ng katulong ng mga magulang niya. Sa totoo lang masyado siyang naadik sa game kaya nga pagkagising niya kanina ay naghilamos at nagtoothbrush lang siya pero hindi siya nagbihis saka na. Nakaligtaan na rin niya ang oras dahil sa paglalaro niya.

Muntik na niyang ibato ang kasambahay nila ng hinintay talaga siya nitong bumaba kaya hawak ang kanyang iPad ay naglakad siya palabas ng kanyang silid.

"Ate baka mahulog po kayo." Sa gilid ng kanyang mga mata ay natatawa siya ng kulang nalang ay alalayan siya ni Marie habang pumapanaog siya ng hagdan. "Ate naman eh." She even jumped two steps at a time kaya alam niyang aatakehin na ito sa puso kung meron man.

"Ikaw talagang bata ka pinapatay mo sa takot iyang si Marie." Boses iyon ng mommy niya.

"Mom." sabi lang niya pero hindi nagtaas ng tingin. "May naghahanap daw po?"

"Itigil mo kaya muna iyang paglalaro mo dahil nandito na iyong manliligaw mo." She pressed the pause button at nagtaas ng tingin saka lang niya napansin na nasa sala pala ang kanyang buong pamilya, ang mommy niya na nakapameywang habang nakatingin ng masama sa kanyang cellphone, ang daddy niyang nagbabasa nanonood ng kung ano sa telebisyon, ang kuya Allyxel niya na seryosong-seryoso ang mukha, si Miggy na tila may kung anong ngisi sa mukha at—si Albie?

"Bakit kayo kompleto dito?" Albie smiled sweetly at her na para bang masaya ito na makita siya. "At bakit ka nakangisi ng ganyan? May masama kang balak ano?" Nagdududang tanong niya, medyo naguguluhan siya sa kung bakit nandoon si Albie kasama ang buong pamilya niya. Nawala ang ngisi nito sa mukha pero halatang-halata pa rin ang saya sa mukha nito.

Tumikhim ang daddy niya na seryoso, or nagpapanggap na maging seryoso. "May sasabihin daw sa iyo Allyxandreia ang binatang ito." Mabilis na tumayo si Albie na may hawak na bouquet ng flowers, chocolates at isang malaking stuff toy.

Muntik na niyang mabitiwan ang hawak na iPad, hindi kaya manliligaw ito sa kanya? Biglang kumabog ang puso niya sa loob ng kanyang ribcage habang nakatingin dito. Nanlalamig din ang buo niyang katawan habang ang pamilya niya ay nakatingin sa kanya.

Sanay na siya sa mga lalaking umaakyat ng ligaw sa kanya ang hindi siya sanay ay si Albie na umaakyat ng ligaw sa kanya. O baka naman ay nag-aassume lang siya at pinapangunahan niya ang ikinikilos nito.

"Nagpaalam na ako kay daddy, kuya at kay Miggy." Hindi siya nakaimik dito. Pakiramdam niya ay nag-iba ang direksyon nang ikot ng kanyang mundo.

"Pumayag na kami sis mukhang mapagkakatiwalaan naman si Albie." Si Miggy.

"Pumayag saan?"

Muntik nang manginig ang boses niya. Totoo ba na nagpaalam si Albie sa mga pamilya niya?

"Pumayag na kaming samahan mo siya sa birthday ng daddy niya." Tila bumalik ang bigat sa dibdib niya sa narinig niyang sinabi ng ama. Parang gusto niyang kunin ang flower vase sa center table at ipukpok sa ulo niya. "Pumayag kami dahil nagpaalam siya ng maayos."

Masama bang umasa? Kahit pala sabihin mo sa sarili mo na ayaw mo ng umasa. Kahit sabihin mong wala na talagang pag-asa hindi pala maaalis sa isang tao na kumapit sa kaunting liwanag na nakikita niya. Tama nga na hindi siya nag-assume agad dahil malamang mas malala pa sa nararamdaman niya ngayon ang mararamdaman niya kung sakali.

"Ngayon na ba ang birthday ng daddy mo?" she acted as if nothing painful hits her.

Hindi pala ito manliligaw, nagpapaalam lang.

Marked Series 2: You're My Ever After (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon