ISANG malakas na beep ang narinig niya kaya mabilis pa sa kidlat siyang bumangon sa kanyang kama upang hanapin ang kanyang cellphone. Napangiti siya ng mabasa ang text message..
My Happiness:
Good morning love, have a nice day. <3
Napangiti siya sa kilig dahil sa nabasa niya, indeed her morning is very nice. Ikaw ba naman ang magkaroon ng boyfriend na tulad ni Albie for sure matutuwa at kikiligin ka rin. He personally changed his name on her phone, he changed his name to My Happiness and her name to My loves. Ang corny nga ng naiisip ng lalaking iyon pero ganoon talaga yata kapag inlove ka, no matter how corny it is you'll find it the sweetest.
She swiped her fingers through her phone and hit the reply button.
My Loves:
Morning too, don't skip meals!
Naghintay siya sa reply nito, usually hindi agad ito nakakapagreply kapag ganitong oras kasi busy ito sa trabaho. Wala lang gusto lang niyang titigan ang cellphone niya para kasing hindi totoo ang nangyayari sa pagitan nilang dalawa. It's like a dream come true for her.
My Happiness:
Ikaw din, huwag kang magskip ng meals. Bawal sa
iyo ang magdiet, sexy ka na kaya kumain ka.
Napakagat siya ng labi at ang lapad ng ngiti niya dahil nagreply ito.
My Loves:
Hindi ako nagski-skip ng meals, hindi ka ba busy? Bakit ka nagrereply?
Tumayo na siya at nagbihis, magkikita sila ni Bree at ng mga kaibigan nito. Hindi niya inaasahan na si Rayleigh na naging photographer niya sa isang shoot ay friend ni Beatrice.
My happiness:
I am in the middle of a meeting.
Baliw na talaga ang lalaking iyon, nagtetext habang nasa meeting.
My Loves:
Naku, pasaway. Saka ka na magreply makinig ka muna sa meeting.
She pressed the send button at pumasok sa banyo. Hindi na niya dinala ang cellphone niya dahil maliligo lang naman siya. After thirty minutes ay lumabas na siya sa banyo only to find out that her phone is ringing non-stop. Galing kay Albie, mabilis niya iyong sinagot.
"May problema ba?" nag-aalalang tanong nito.
Hindi agad sumagot si Albie pero tumikhim naman ito. "Hindi ka na kasi sumagot baka ano... napaano ka na."
"Sabi ko sa iyo makinig ka sa meeting niyo, naligo lang ako." Sagot niya.
"Ganoon ba? Si-sige, ingat ka."
"Ingat ka rin and behave."
"Yes, boss!" natatawang pinatay niya ang cellphone niya and adjusted the volume button. Ganito talaga yata kapag may boyfriend ka na palaging nakatingin sa cellphone na dati naman ay ginagawang orasan lang.
NAIILANG siya sa paraan ng pagkakatingin sa kanya ng kanyang mga kaibigan para kasing may nakikita ang mga ito sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
Marked Series 2: You're My Ever After (COMPLETED)
Romance"You are mine with or without my mark, the moment my heart beats for you I already know that you're my ever after." Everyone thought that Allyxadreia Ventura is a cold-hearted princess, sa mata ng marami siya ang manhid at siya ang masama dahil hin...