SHE can't imagine how fast she changed her clothes and fixed herself and her things. Ang tanging nasa isip niya ay bumalik sa farm at kailangan siya doon. Wala siyang pakialam kung nasa tamang wisyo ba siya o wala. At dahil hindi nakikita ang dining hall mula sa hagdanan kaya hindi siya napansin ng pamilya na bumaba. Nawala sa isip niya ang structure ng kanilang bahay dahil sa pagkakataranta na makita ni Miggy si Albie kanina.
"Slow down Allyxa baka maaksidente ka." Pigil sa kanya ni Albie na mabilis palang nakasunod sa kanya.
"Albie, pwede mo ba akong ihatid sa bus station? I badly need to go to my farm." Nasa boses niya ang pakikiusap.
"Of course, anywhere you like." He cupped her face making her more relax. "Relax Allyxa."
"Please, ihatid mo ako sa bus station." Pakiusap niya.
"I will kaya huwag ka ng mag-aalala baka mastress ka." Pinagbuksan siya nito ng pintuan ng kotse nito at maingat na tinulungan siyang pumasok sa loob. She is biting her nails as they drove fast yet careful papunta sa bus station. Ilang sandali pa ay nakikita na niya ang station pero nabigla siya ng nagpatuloy pa rin ito sa pagdrive.
"T-Teyka lang Albie nandoon lang ang bus station." Aniya nang mapansin na out of way na pala sila.
"Sa tingin mo papayag akong sumakay ka ng bus? No way! I'll drive you back."
"Pero baka naiistorbo na kita, ibalik mo na ako sa bus station baka maabutan ka ng bagyo."
"I'll be okay just be still everything will be all right." He assured her.
Wala siyang nagawa kundi ang payagan itong ihatid siya wala din naman siyang magagawa. Tinawagan siya ng isa sa mga tauhan niya sa farm mukhang hindi pa man tuluyang nakakarating ang bagyo ay malakas na ang low pressure. Malakas na rin ang ulan at dahil nga tag-ani ng mga bulaklak ngayon kaya ang mga tauhan niya ay nasa field kahit na umuulan. Natatakot siya sa kapakanan ng mga ito hindi baling hindi sila makapagdeliver ng mga bulaklak keysa naman may mapahamak na isa sa mga ito.
Natutuwa siya sa pagiging hardworking ng mga staff niya kaya lang minsan ay nakakaramdam din siya ng takot lalo pa at baka magkasakit na ang mga ito. Naramdaman niya ang paghawak ni Albie sa mga palad niya kaya napatingin siya dito, stop light kasi.
Libo-libong maliliit na kuryente ang agad na nanulay sa kanyang balat ng maramdaman ang pagdampi ng labi nito sa likod ng kanyang palad. Awtomatikong nahila niya ang kamay pero hindi nito binitiwan iyon.
"Don't." pigil nito sa kanya.
Umiling siya, "Stop that Albie." Seryosong turan niya dito.
"Huwag mo naman akong itulak palayo Allyxa dahil sa totoo lang nasasaktan ako." Malungkot na sabi nito agad siyang nag-iwas ng tingin mula dito ng mapansin na malungkot ang kislap ng mga mata nito. She focused her eyes outside the car.
Somehow naguguilty siya kahit hindi naman dapat, kung kanino mas lalong hindi niya alam dahil alam niya sa sarili niya na kung may labis mang nasasaktan sa kanila siya iyon. She doesn't want to assume because Albie is giving her mix signals.
Hindi niya alam kung seryoso ba ito sa kanya o hindi, even after those years. Aminin man niya o hindi she haven't moved on a bit, a part of her is still waiting for him and still yearning for his words. Kaya nga siguro niya palaging pinanonood ang video na iyon to remind her that no matter how much love she would give to him he will never take it seriously.
Hawak pa rin nito ang mga palad niya, bumubuhos na ang malakas na ulan habang binabagtas nila ang daan its almost zero visibility na. Pero hindi man lang ito natinag, nakakaloka naman kasi ang ulan sobrang lakas ng ilang minuto din titigil lang din tapos uulan.
BINABASA MO ANG
Marked Series 2: You're My Ever After (COMPLETED)
Romance"You are mine with or without my mark, the moment my heart beats for you I already know that you're my ever after." Everyone thought that Allyxadreia Ventura is a cold-hearted princess, sa mata ng marami siya ang manhid at siya ang masama dahil hin...