CHAPTER ONE- Sister's Death

9.8K 325 41
                                    

TAONG 1999…

Kanina pa hindi mapakali si Pilar sa pagkakaupo niya. Sakay siya ng isang ordinary bus dahil pauwi siya ng Bicol. Sa kasalukuyan ay binabagtas pa lang nila ang bayan ng Pagbilao sa Quezon. Ala una na ng madaling araw ng oras na iyon. Ihing-ihi na kasi siya at parang sasabog na ang pantog niya. Nagkikiskisan na ang kaniyang mga paa. Pinagsisisihan niya tuloy ang paglaklak niya ng isang bote ng softdrink kanina nang mag-stop over ang bus sa Lucena Grand Terminal.

Kinalabit niya ang nobyo na katabi niya. “Biboy, ihing-ihi na ako. Sasabog na ang pantog ko!” Hindi na maipinta ang mukha ni Pilar.

Ganoon na lang ang inis niya nang tawanan siya nito. “'Yan! Ang takaw mo kasi sa softdrinks. Hindi mo man lang ako binigyan nang nanghihingi ako-- Aray!” Sa inis niya ay hinampas niya sa braso si Biboy.

“Hindi ko kailangan ang sermon mo! Ang kailangan ko ay makaihi na!”

“E, Atimonan pa ang sunod na stop over, 'di ba? Isang oras din iyon.”

“Isang oras?! Hindi ko na kaya! Tumayo ka diyan at kausapin mo 'yong kundoktor. Sabihin mo, ihinto muna sa tabi itong bus at iihi ako.”

Desperada na siya. Hindi na niya talaga kayang pigilin ang pag-ihi.

Kakamot-kamot sa ulo na tumingin sa labas ng bintana si Biboy. “Nasa Bitukang Manok pa lang tayo, e.”

“Wala akong pakialam! Kakausapin mo ba iyong kundoktor o makikipag-break ako sa iyo?”

“Grabe naman. Break agad?”

“Ano?! Gusto mo?!”

“Oo na. Oo na!” At walang nagawa si Biboy kundi ang tumayo at lumapit sa kundoktor na nakaupo sa tabi ng driver.

Mahigpit ang kapit ni Pilar sa hawakan na nasa gilid ng kanilang upuan dahil pagewang-gewang ang bus. Dumadaan na kasi ang bus sa Bitukang Manok. Iyon nag tawag sa daan na iyon sa Pagbilao dahil para itong bituka ng manok. Pa-zigzag at paliku-liko. Parang iyong daanan kapag umaakyat o bumababa sa Baguio.

Nakita niya na kinakausap na ni Biboy iyong kundoktor. Maya maya ay tumingin ito sa kaniya at nag-thumbs up sa kaniya.

Tumayo na rin iyong kundoktor. ‘O, iyong mga iihi, titigil muna tayo sandali. Umihi na kayo!” sigaw nito.

Si Pilar lang ang tumayo para umihi. Karamihan kasi ng pasahero ay tulog na.

Inihinto na ng driver sa tabi ang bus. Naglakad na siya palabas. Hindi na siya sinamahan ni Biboy dahil hindi naman daw ito naiihi.

Pagbaba ni Pilar ng bus ay napayakap siya sa sarili dahil sa lamig ng hangin. Pumwesto na siya sa gilid ng bus para umihi nang may maramdaman siyang nakatingin sa kaniya. Pagtingala niya ay may lalaking nakasilip sa kaniya sa bintana ng bus. Nakangiti ito at mukhang manyak. Laway na laway sa kaniya.

“Manyak!” galit na sigaw ni Pilar. Mabuti na lang at hindi pa niya naibababa ang suot na palda.

Parang demonyo na tumawa iyong lalaki. “Pasilip naman, miss!”

“Bastos! Hayop!” gigil na sigaw ni Pilar.

Sa takot na baka masilipan siyang muli ng iba pang pasahero ay naisip niyang sa kakahuyan na lang siya iihi. Nasa gilid lang aman iyon ng kalsada. Naglakad-lakad siya at naghanap ng maiihian. Ngunit dahil sa dilim ng paligid ay parang mahihirapan siyang maghanap.

“Pilar! Bilisan mo na!” Narinig niyang sigaw ni Biboy.

“Sandali! Atat ka masyado!” ganting sigaw niya.

Pilit niyang inaaninag ang kaniyang kapaligiran hanggang sa may makita siyang maliit na kuweba.

“'Yon… Doon na lang ako iihi…” aniya sa sarili.

ZIGZAGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon