SOMEONE POV
"May nakakita ba sayo erna?"Tanong ko agad sa aking alagad na si Erna.
"Wala naman po'ng nakakita sa akin mahal na kataas-taasan. "Tugon niyang naka-yuko bilang paggalang.
"Kung ganon, kumusta na siya?"Tanong ko sa aking pinagkakatiwalaang alagad na si Erna
Nagbago naman agad ang itsura niya ng itanong ko ang mga katagang yun.
"Ikinalulungkot ko po mahal na kataas-taasan, siya po ay pinarusahan at ipinatapon po sa ibang mundo, ang alam ko po, siya daw ay nagnakaw ng pagmamay-ari ng hari. " Tugon ni Erna..
Naikuyom ko ang mga kamao ko sa narinig ko mula kay Erna.
"Wala pa rin siyang ipinagbabago, maka sarili pa rin siya! "Saad ko na nanggagalaiti sa galit.
Tumilapon ang nakahilerang plorera dahil sa pagsuntok ko sa mesa.
"Kung ganon Erna, ipagpatuloy mo ang ginagawa mo. "Utos ko kay Erna.
"๓คﻮ๒ค๒คאค๔ кค! (Magbabayad ka!) Sa muling pagbalik ko! " nangagalaiti kong wika.
MAREYA POV..
Ilang araw na rin ang naka lipas ng nilisan ni preya ang palasyo, ni hindi man lang siya nag paalam sa akin, bagkus ay sinabi ni ama sa akin na..
Ayaw nang manatili ni preya sa palasyo, nag-alala tuloy ako sa kalagayan niya ngayon, kung nasaan na siya.
Na mimiss ko na rin ang pagiging pasaway namin.
At ilang araw na rin akong hindi lumalabas sa silid ko, dinadalhan lang ako ng pagkain ng ilang taga pag-silbi ng palasyo, para makakain lang ako.
Narinig ko na may kumatok sa pintuan ng silid ko, hindi ko nalang ito pinansin dahil alam ko naman na pagkain lang ito, na inihatid ng mga tagapag-silbi para sa akin.
Hanggang ngayon nawalan na ako ng ganang lumabas ng palasyo simula ng umalis si preya..
"Anak, bumangon kana diyan.. "boses ni inang reyna, pero hindi pa rin ako kumibo, naka dapa lang ako sa kama tila ba'y wala akong narinig.
"Ilagay muna lang diyan.. "rinig kong utos ni Ina sa tagapag-silbi
"Anak, kumain kana"pagmamakaawa ni Ina ng makalapit sa akin, sabay haplos nito sa likod ko.
"Mahal kong asawa ako na riyan, magpahinga kana.. "rinig kong sabat ni ama, alam kung nag-alala na sila sa akin.
Dahil sa ilang araw na rin akong hindi kumakain, at lumalabas ng palasyo.
"Mareya, anak, kumain kana at ipapaliwanag ko ang lahat sayo.. "Wika ni Ama ng maka-upo siya sa gilid ng kama ko, nagningning naman ang mga mata ko sa tinuran ni ama.
Kaya agad akong napa-bamangon at umayos ng upo sa kama dahil sa sinabi niya, talagang alam ni ama kung bakit ako nagkaka-ganito, dahil gusto ko talagang malaman kung ano ang dahilan ni preya kung bakit siya umalis sa palasyo.
BINABASA MO ANG
𝑻𝑯𝑬 𝑨𝑵𝑮𝑬𝑳 𝑷𝑼𝑵𝑰𝑺𝑯𝑴𝑬𝑵𝑻
Fantasy𝐓𝐡𝐢𝐬 𝐬𝐭𝐨𝐫𝐲 𝐭𝐚𝐥𝐤𝐬 𝐚𝐛𝐨𝐮𝐭 𝐡𝐨𝐰 𝐡𝐞𝐫𝐨𝐢𝐧𝐞 𝐝𝐞𝐟𝐢𝐞𝐝 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐨𝐥𝐢𝐜𝐲 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞𝐢𝐫 𝐤𝐢𝐧𝐠𝐝𝐨𝐦. 𝐓𝐡𝐚𝐭 𝐥𝐞𝐚𝐝 𝐡𝐞𝐫 𝐢𝐧𝐭𝐨 𝐩𝐮𝐧𝐢𝐬𝐡𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐭𝐡𝐚𝐭 𝐭𝐡𝐞 𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐝𝐞𝐜𝐢𝐝𝐞𝐝 𝐭𝐨 𝐬𝐞𝐧𝐭 𝐡𝐞𝐫 𝐢...