CHAPTER 28

0 0 0
                                    

PREYA POV

Mga ilang araw na rin ako na nandito sa bahay nila ante,bahay karenderya lang ang ginagawa ko,hindi pa naman ako nakakahanap ng bagong trabaho,dahil hindi sila tumatanggap ng walang experience.

Wala na rin akong balita kina brile at sa mga kaibigan niya.

Minabuti ko na ring kalimutan sila.

"Aray." Napa upo ako  sa  upuan ng karenderya,bigla kasing sumakit ang likod ko,napapadalas na rin ang mga ganitong pangyayari sa akin

Medyo matalas na rin ang pang-amoy at pandinig ko.

Ang mga mata ko ay unti-unting na ring lumilinaw,malinaw naman talaga to,pero kakaiba na ngayon.

Kumuha ako ng isang basong tubig at ininom.

"Preya ok ka lang ba?" Wika ni ante,sabay dampi ng kanyang mga palad sa noo ko.

"Ok lang ako ante"tugon ko rito.

"Magpahinga ka na muna preya,namumutla ka na rin,mabuti pa'y magpainit kana kaya masyado kanang maputla."saad ni ante.

Napatingin naman ako sa balat ko,mukhang tama naman si ante sa kanyang tinuran.

"Ok lang ho ba ante na lalabas muna ako?"tanong ko rito.

"Oo naman,shie samahan mo si pre-"putol niyang tawag kay shie dahil sumabat na ako.

"Ante,huwag na po mas mabuting dito nalang po si shie ng may tutulong sayo."wika ko at ngumiti.

"Hala,ikaw bahala,basta mag-iingat ka lang,ha?."tumango nalang ako bilang tugon.

Nilakbay ko na ang parke at medyo hapon na rin,sobra namang siksikan dito.

Pauwi na kasi ang iba.

At hindi na rin kasi sa may kalapit na village sila ante nagtitinda,dito na sa tyangge.

Naglakad lakad lang ako, nang sumagi sa isip ko ang plasa,kung saan ko nakita ang masungit ay este.....

Haistt kakalimutan na nga preya diba?!.

Nitong mga nakaraang araw,napapansin kung may kakaiba sa mga kainuman ni bert,pero ininda ko nalang.

Ilang minuto pa ay nakarating na ako sa plasa.

Pumwesto ako sa kung saan ko unang nakita si brile.

Naalala ko tuloy ang mala seryoso at masungit niyang mukha.

Napangiti nalang ako ng mapait.
Kahit ganon yun may pagka mabait pa namang natira sa kalooban niya,pinipigilan niya nga lang na ilabas ito,dahil pinaiiral niya ang ka sungitan niya.

Umupo ako sa may damuhan.
Naalala ko ang mga kulitan namin nila joross dito.

Haisst!,Ayaw ko ng maalala pa dahil nasasaktan lang ako.

Tumayo ako at naglakad lakad muna sa paligid.

Nagdidilim na rin kaya napagpasyahan ko na umuwi nalang,dahil medyo malayo-layo pa naman ang bahay nila ante.

𝑻𝑯𝑬 𝑨𝑵𝑮𝑬𝑳 𝑷𝑼𝑵𝑰𝑺𝑯𝑴𝑬𝑵𝑻  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon