Chapter 1: Ride

662 11 11
                                    

VICE'S POV

12 AM

Kasalukuyan akong nasa kama ngayon para matulog. Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang biglang tumunog ang cellphone ko.

*NGANGABU Calling..*


Kahit kelan talaga 'tong babaeng to. Manggugulo nanaman.


"Oh?" 

"Anong oh?! Hoy bakla ka! Iniwan mo dito si Jaki sa bar siraulo ka! Puntahan mo nga!"  Pagsigaw ni Anne.


Nga pala, si Jaki ay isang dancer sa showtime. Naging close kami dahil sa banter/Biruan namin sa Ms. Q&A. Sinama ko siya sa bar para naman ma- experience niya. At sa sobrang antok ko at nagmadali na akong umuwi, Nakalimutan 'kong sinama nga pala namin siya ni Bonita sa bar. Humiwalay kasi siya samin kaya hindi ko siya napansin.



"Ay shet! Oo nga pala nakalimutan ko! Sinama ko nga pala si Jaki. Sige sige papunta na ko"

*Call Ended*

Jusko ano ba naman yan Viceral. Ganon ka na ba katanda para maging ulyanin? Bwiset naman nakakatamad na bumalik don




THIRD PERSON'S POV

Tinatamad man ay agad na bumangon si Vice sa kama niya at umalis para puntahan si Jaki don sa bar na kanilang pinuntahan.

Ginamit ni Vice ang sarili niyang sasakyan at siya na rin ang nag-drive dahil tulog na ang driver niya. At dahil nga madaling araw na, hindi na siya nag-ayos pa at dali-daling umalis sa bahay niya.









*Sa Bar*

Nakarating na si Vice sa bar kung nasaan si Jaki at Anne. Pagpasok niya, agad niyang nakita si Anne na sumasayaw at halatang may amats na. Nilapitan niya ito at tinanong kung nasaan si Jaki.

"San si Jaki?"

"Yun oh" Pagturo ni Anne gamit ang kanyang bibig.


Tumingin naman si Vice sa direksyon na itinuro ni Anne at nakita niya si Jaki na naka-bagsak ang ulo sa table. Nilapitan ito ni Vice at napansin niyang nakarami ata ang dalaga.


"Jaki? Jaki.." -Vice

"Hmmm?"





VICE'S POV

"Hmmm?"

Teka...  Ang init...


Ang sexy ni Jaki. Pawis siya. Magulo ang buhok. Naka sleeveless..

No. No. No.

"Tara na. Anong oras na oh? Lasing ka na"

"Ano naman?" Pagtataray niya.

Medyo nakapikit pa rin ang mata ni Jaki nang nagsalita siya.

"Anong Ano naman? Jaki, sinama kita dito para lang ma experience mo. Malay ko bang NA EXPERIENCE mo na pala. Ay nako. Di na to mauulit, Jaki ah." sabi ko.

"Vice? Ikaw po pala. Sorry po."

"Sige na, tara na."









JAKI'S POV

Nakakahiya. Bakit ka pa kasi uminom.

Naglalakad kami ngayon ni Vice palabas ng bar. Di ko alam ang sasabihin ko. Sobra akong nahihiya sa ginawa ko.

Ikaw At Ako Pa Rin (ViceJack)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon