Chapter 9: Meet

208 4 0
                                    

JAKI'S POV

Dalawang linggo na ang nakalipas mula nung umalis si Tom at dad niya. Hindi kami palaging nag-uusap dahil.. Ewan ko rin. Hindi ko alam kung wala ba talagang time o meron naman kaso wala lang..

Nababagot na ako sa kwarto ko dahil puro cellphone lang naman ang inaatupag ko kaya naisipan 'kong bumaba.

"Ma, tulungan na kita jan. Baka pumanget pa lasa niyan eh"

"Ang kapal naman ng pagmumukha mo Jaki!" Kinurot naman ako ni Mama sa tagiliran

Dahil wala akong magawa, tinulungan ko nalang si mama na magluto ng tanghalian.

"Ma, ganto ba?"





"Oh tamo di ka naman pala marunong"

"Ako na Jaki!! Nako itong batang to"

Nubayan. Lahat nalang ng gawin ko, mali.

"Maaaaa! Gusto ko matutong magluto. Ayaw niyo yun? Para di ko na kayo utusan tuwing nagugutom ako"

"Siraulo ka talaga. Eto!"





"Op op! Tama na yung tubig"

"Sopas naman to diba?

"Oo"

"O edi dapat maraming sabaw"

"Ay nako! Jaki umalis ka na nga jan"

"Maaaaaaaa. Pleeeeeaaaaseeee"

"Tuturuan kitang magluto. Pero hindi ngayon, umayos ka. Atsaka anong oras na pala, hindi ka pa naliligo!"

"YAAAAAAK! Si Jaki talaga gandang babae pero salaula" Pagsingit naman ni Kuya Jay.

"Atlis magandaaa"

"Umayos ayos ka nga Jakhil! Bente kwatro ka na" Sabi naman ni Kuya Cedric.

"Aysus kahit naman di ako maligo, mabango pa rin ako di tulad niyong tatlo!"

"Maligo ka na" Sinabunutan naman ako nang mahina ni Mama.

"Araaay! Eto na nga eh.."







Umakyat naman ako sa kwarto ko para kumuha ng damit.

Bigla namang nagring ang phone ko.

"Love💙 is calling.."

--

"Hello? Tom! Bakit ka napatawag?"

"Wala lang naman, Love."

"Kamusta naman?"

"Ayos lang ako, Love. Wag kang malulungkot ha. Dapat masaya ka lang."

"Oo naman. Masaya ako. Saka nung natulog ako, kayakap ko yung baboy na binigay mo sakin."

"Mabuti naman.."

"Tom! Tara muna dito,may sasabihin ako."
Dinig ko naman ang boses ng tatay niya.

"Love, sorry."

"Ayos lang. Sige, bye"

"Text mo ko ah. Love you"

"I love you."

*call ended*


--

Nang matapos naman akong maligo, nagphone naman na muna ako saglit at tinignan ang nasa igs ni Tom..

Bat di ko 'to nakita kagabi?

Nasa isang kainan sila ng mga barkada niya.. at may kasamang.. mga babae na halos makita na ang kaluluwa sa mga suot nila.

Ikaw At Ako Pa Rin (ViceJack)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon